11 years ago...
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking asawa na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinatakan ng halik ang kanyang noo bago tuluyang bumangon.
Laging gulat ko nang paglabas ko ng cabin namin ni Tia ay naroroon ang tatay nitong Governador, may kasama itong dalawang Pulis.
"Sir." I shortly murmured.
Walang tugon akong marinig mula rito. Bagkus ay sinenyasan nito ang dalawamg kasama. Ikinagulat ko naman ang ginawa ng mga itong pagposas sa aking mga kamay.
"Hey! What's the meaning of this?" Mr. Evangelista, ano po 'to?" mahina kong saad dahil sa takot na magising ko si Tia.
Humakbang lang ang ama ni Tia palayo sa cabin. Hila-hila naman ako ng dalawang Pulis na sumunod sa tinutumbok ng Gobernador.
Nang makarating na kami malapit sa jacuzzi, huminto ito at hinarap ako.
"How could you, Benedicto? You were the reason of my son's accident. You also tried to kidnapped my daughter and rape her. Hindi ako makakapayag na hindi ka mabubulok sa kulungan!" Sigaw nito.
Naguguluhan naman ako sa mga sinasabi nito. Paanong ako ang dahilan sa pagkamatay ni Mico?
"Hindi ko po dinukot si Tia. At lalong wala akong kinalaman sa aksidente ni Mico." Mahinanon pa rin ang boses na tugon ko rito.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa mga anak ko, Benedicto!" muli nitong sigaw.
"Dad... W-what is this?"
Napatingin ako kay Tia na tumatakbo papunta sa ama. Nagyakap pa ang mga ito ng mahigpit.
"B-baby..." sambit ko na punong-puno ng takot ang aking dibdib.
"A-anong nangyari? Bakit ka nila pinupusasan?" Humiwalay ito mula sa pagkakayakap sa ama at nilapitan ako. Pinilit ko namang huwag lumuha nang buong pagmamahal nitong hinaplos ang aking pisngi.
"Lumayo ka sa kanya, Gorettia! Isa siyang kriminal! Siya ang ang dumukot sa 'yo at siya rin ang magtangkang gumahasa sa 'yo mahigit isang taon na ang nakaraan!" Galit na sigaw ng ama nito.
"Paano kayo nakakasiguro na siya nga 'yun, Daddy? At anong sabi mo? May nagtangkang gumahasa sa akin mahigit isang taon na ang lumipas? B-bakit wala akong maalala?" baling nito sa ama. Lalo lang akong kinabahan dahil sa gumuhit na ngisi sa labi nito.
"Nang lumapit sa akin si Francis upang hingin ang iyong kamay, nagpanggap akong tanggap ko ang lahat. Pero hindi! Hindi mababago ang katotohanan na siya rin ang dahilan kung bakit nawala ang kuya mo, Gorettia!"
Napatiim-bagang ako sa narinig. Hindi ko akalain na nagawa nito ang bagay na iyon.
"No! That's not true! Hindi ko pinagtangkaang gahasain ng mga oras na 'yun si Tia! At lalong hindi ako ang dahilan nga pagkamatay ni Tyler! Please, baby, believe me, it wasn't me." Sinubukan kong kumala sa pagkakahawak ng dalawang Pulis ngunit hindi nila ako hinayaan. Mas lalo pang humigpit ang hawak ng mga ito sa aking braso.
"At paano mo ipapaliwanag, Francis?" Lumapit ang ama ni Tia sa akin at may ipinakitang litrato sa hawak nitong cellphone.
"It was because, I rescued your daughter, Governor Evangelista..." usal ko. Litrato iyon ng kutsilyong ginamit ni Tia na pangtarak sa kanyang didib.
Nanghihinang tiningnan ko si Tia ng kunin nito ang cellphone sa ama.
"Naalala mo ang bagay na 'yan, anak? Nakita 'yan sa study room ni Francis sa kanyang mansion sa Hacienda Eliza."
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomansaWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...