Chapter 23

348 24 1
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa mga anas na aking naulinigan. Pagmulat ng aking mata ay ang nakahalukipkip na si Ella at Asher ang aking nakita. Napangiti ako. Ikinagulat ko kanina ang makita sila. Si Ella kasi ang dalagitang lumapit sa akin sa loob ng starbucks noong isang araw at si Asher naman ang batang tinawag nitong baby.

"Hi," bati ko sa mga ito at bumangon.

"Pinapatawag po kayo ni Tito Anthony, magdidinner na po tayo." ani Ella na walang kangiti-ngiti.

Nang marinig ang pangalan ni Francis ay doon ko lamang naalala ang nangyari sa amin kanina. Bigla akong pinamulahan ng pisngi. Ang bilis kong bumigay. Dalawang araw pa lamang nung muli kaming magkita pagkatapos ng maraming taon pero wala man lang akong pag-alinlangang ibigay ang sarili sa kanya. Sinipat ko ang aking sarili. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na may suot na akong damit.

"Susunod na ako. Thank you," walang tugon akong narinig. Nanatili lang sila sa kanilang kinatatayuan.

Sinulyapan ko si Asher. Nakatitig lang ito sa akin kaya nginitian ko siya ng matamis. Sa tuwing nagtatama ang aming mata, nakakaramdam ako ng pangungulila. Tila lumukso palabas ng aking dibdib ang puso ko nang nginitian ako nito pabalik. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Bumaba ako sa kama at nilapitan ito.

"Can I hug you?" Kahit naguguluhan ay tumango ito. Agad ko naman itong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero tila naibsan ang pangungulila kong naramdaman. Napahikbi ako nang maramdman na niyakap ako nito pabalik.

"Why I feel like I'm longing for your hug?" bulong nito.

Iyon din ang nararamdaman ko. Tila sabik na sabik ako sa yakap nito kaya lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.

"Hey! What are you two doing? What are you doing to my baby, Ms. Ysobel?" untag ni Ella ngunit hindi ko iyon pinansin. Hanggang sa isang boses ang nagpahiwalay sa amin ni Asher.

"What's happening here? Baby, why are you crying? And why are you two hugging each other?" Sunod-sunod na tanong ni Francis. Tinakbo ko naman ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit. Sinisubsob ko pa ang mukha ko sa malapad nitong dibdib.

"I-I'm so sorry, Fran. I-I lost him..." Humagulgol ako.

"You lost who?" puno ng pagtatakang tanong naman nito.

"O-our son."

"What?!" He exclaimed.

Doon ko ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Sinimulan ko ito nung araw na nawala siya sa buhay ko...

Kanina pa gising ang aking diwa ngunit ayaw kong imulat ang aking mga mata. Ang sakit-sakit kasi ng puso ko. Mahal ko si Francis pero mas mahal ko ang pamilya ko, at kaya kong isakripisyo ang kaligayahan ko para sa kanila.

"Bakit hindi pa siya nagigising, Gerard?" boses iyon ng mommy ko. At ang Gerard na binanggit nito ay ang kapatid nitong Doctor na siyang may-ari ng Solis Medical Hospital.

"Don't worry, ate. She's just tired. Kapag nagising siya ay dapat niyang malaman na kailangan niyang manatili sa bahay niyo para maiwasan ang stress ng katawan. Dahil nakakaapekto iyon sa batang nasa kanyang sinapupunan."

Dahil sa narinig ay bigla akong napamulat.

"Buntis ako?!" Bulalas ko. Nanlalaki ang aking mata habang nakatingin sa mga ito.

"Mabuti at tapos ka na magtulog-tulogan, pamangkin. Yes, you're pregnant. Masilan ang pinagbubuntis mo kaya bawal kang gumalaw-galaw. If possible, you'll stay at your room and rest at your bed."

"Hindi po ako p'wedeng manatili sa tabi lang,tito." Umiling pa ako. Pumasok kasi sa utak ko ang kasong kakaharapin ni Francis. Kailangan ako ng daddy ko para harapin iyon upang tuluyan ng makulong si Francis at makamit na rin ni Kuya at Eloisa ang hustisyang nararapat sa kanila.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon