Chapter 26

332 24 9
                                    

Akala ko wala nang katapusan pa ang kaligahayahan na aking nadarama, ngunit sa iglap lamang ay unti-unti itong napalitan ng sakit at pagkabigo.

Naninikip ang aking dibdib habang paulit-ulit kong binabsa ang sulat na iniwan ni Eloisa para kay Francis. May kalakip iyong litrato ng dalawang sanggol na nasa ibabaw ng kama. Napahikbi ako nang pinasadahan ko ito ng tingin. Si Letisha ang isa sa mga batang nasa litrato at ang isa ay nasisigurado kong si Asher.

Nangingig ang kamay na dinampot ko ang sulat na kumawala sa nanghihina kong mga kamay at nahulog sa sahig. Kahit punong-puno ng luha ang aking mata at hinagpis ang aking nadarama, muli ko iyong binasa dahil baka mali lamang ako sa pag-unawa.

Anthon,

Ipagpaumanhin mo sana kung sa mga oras na ito ay Asher na lamang at ang kanyang taga-pangalaga ang madadatnan mo sa aming apartment. Kasama ko si Letisha. Sorry kung umalis ako na dala-dala siya. Alam kong mahal mo ang kambal kaya nagpapasalamat ako dun kahit ang naging ina ng mga anak mo ay hindi ang babaeng iyong pinapangarap. Uuwi ako sa Pilipinas para harapin ang kasalanang nagawa ko sa aking mga magulang at kapatid. Hindi ko na kaya, Anthon. Hindi ko na kaya na itago sa kanila ang lahat. Mahal ko ang ate ko, ata alam kong mahal mo rin siya kaya ipagtatapat ko na sa kanya ang lahat. Malaki ang kasalanang nagawa ko sa inyong dalawa dahil akala ko ay makakatulong ang ginawa ko upang kahit papaano ay maibsan ang pangungulila mo sa aking kapatid. Pero kinain ako ng kosensiya ko nang magbunga ang isang gabing pakikipagniig ko sa iyo. Alam ko na wala kang naging kasalanan dahil lasing ka ng gabing iyon pero nagawa mo pa ring maging responsable sa nangyari. Pero pasensiya na, hindi ko na talaga kaya ang bigat na dala-dala ko sa aking dibdib. Ikaw na sana ang bahalang magpaliwanag kay Asher kung bakit nagawa ko siyang iwan. Sorry, Anthon..."

"Baby?"

Hindi ko mgawang lingunin si Francis. Hinang-hina ang aking pakiramdam.

"What took you so lo-what happened?!"

Lumuhod ito sa aking harapan at ginagap ang aking mga kamay.

"Baby?" muling untag nito nang walang nakuhang sagot mula sa akin.

Iwinaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa akin. Matalim kong itinitig dito ang luhaan kong mga mata.

"W-why, Francis? B-bakit si Eloisa pa?" napalakas ang aking hagulgol. Hindi matanggap ng aking puso na si Asher at Letisha ay anak nito kay Eloisa.

"W-what? I don't understand."

Kinuha ko ang sulat at ang litratong iniwan ni Eloisa para dito at inilahad sa kanyang harapan. Nanlalaki naman ang maya nito na tila hindi makapaniwala.

"N-auunawan mo na ang gusto kong sabihin? B-bakit sa lahat ng babae, b-bakit kailangang si Eloisa pa ang ina ni Asher? P-paano mo nagawa ito sa akin? Sa amin? I thought you love me. P-pero bakit mo nagawa 'yon? Bakit, Francis?" pinigil ko ang sarili kong sigawan siya dahil ayaw kong marinig kami ng mga bata.

"B-baby, let me explain." May pagsusumamo sa boses na saad nito.

Kahit nanghihina pinilit kong tumayo.

"Tia, please...hear me out..."

Hinamig ko ang aking sarili. Diniinan ng aking daliri ang mga mata ko upang maampat ang pagluha nito. Kailangan kong maging matatag sa pagkakataon na ito.

"Not now, Francis."

Humakbang ako patalikod at lumabas ng kuwarto.

"B-baby, please.." gumaralgal ang boses nito. Tanda ng malapit nang maiyak. Ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Dumiretso ako sa pool area at tinawag si Letisha.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon