Pinigil ko ang mapaluha habang titig ma titig ako sa mukha ni Francis. Hindi ko alam kong galit siya sa akin dahil wala akong nababanaag na galit sa mata nito. Bagkus ay nawala ang ngisi nito sa labi at napalitan ng isang matamis na ngiti.
"F-Francis..." nauutal kong sambit sa kanyang pangalan. Nakapamulsa naman itong tumayo ng matuwid.
"Wala namang nakakatakot sa sinabi ko. Sabi kasi ng daddy mo dati ikaw ang nakalibing diyan sa puntod na 'yan. I believed him. Sino naman hindi? Your name engraved on it," tila balewalang sambit nito. Pinadaanan pa nito ng suklay ang magulo nitong buhok gamit ang mga daliri. "That was eleven years ago. Forget everything that happened in the past. I'm completely happy now with my son. At mas lalo akong naging masaya nang makita ulit kita, Tia."
"Stop pretending, Benedicto! Layuan mo na ang anak ko!" asik ni daddy dito.
"I'm sorry, Governor Alcantara. I'm not pretending to be happy seeing your daughter alive and kicking. I'm not like you, sir." may panunuya nitong sabat kay daddy. Nginisihan pa nito si daddy kaya nabahala ako. Ramdam ko na galit siya kay daddy. Pero bakit sa akin hindi? Ako ang ugat ng lahat ng nangyari labing isang taon na ang nakaraan.
"Please, Francis, not now. It's my sister death anniversary. Alam kong galit ka sa nangyari. At pinagdusahan ko na 'yon. Pero hindi sana huwag ngayon, please..." Naluluha kong pakiusap dito. Ilang saglit pang tumitig ito sa akin at walang imik na umalis.
Nang wala na ito sa aming harapan ay natahimik kaming lahat. Pati si Letisha ay walang imik. Nakaramdaman siguro ang tensiyon na nababalot sa amin.
Ilang sandali pa kaming nanatili sa sementeryo bago nagpasyang umuwi. Sa Alabang kami dumiretso. Doon kasi tutuloy ang aking mga magulang.
Malaki ang bahay ng mga magulang ko doon. Tatlong palapag siya at may malawak na hardin. Mayroon din itong swimming pool. Pero mas malaki ang bahay namin sa probinsiya. Doon kasi hindi na kailangan ang mga bagod para proteksiyon sa masasamang loob. At maraming tauhan ang daddy ko na paroo't parito sa paligid ng mansiyon.
Bumukas ang malaking gate na kulay berde nang bumusina ang driver ni Daddy. Convoy kami. Si Letisha sa kanila sumabay. Si Gianna nasa sarili rin niyang kotse. Uuwi kasi ito mamaya pagkatapos ng hapunan. Kami ng anak ko dito na matutulog. Wala naman kaming problema sa pamalit ng damit dahil may mga gamit naman kami ni Letisha dito.
"Magandang gabi mo, senyora Gorgia, handa na po ang mesa." salubong ng katiwala namin dito sa bahay sa Hillsborough Alabang, si Aling Carmen, nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay. Napatungo ako ng may maliit na kamay na humawak sa aking kaliwang kamay. Napangiti ako nang magsalubong ang mga mata namin mg aking anak.
"Are you okay, little girl?"
"Yes po, mama. Pero nagugutom na po ako." mahina nitong saad. Napahigikgik naman ako. Sadyang mahiyain talaga itong munting dalaga ko. Sinundot ko ang kanyag tiyan kaya napatili ito. Tawa naman ako nang tawa. Nang umangat ako ng tingin ay ang nakangito kong ama ang sumalubong sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiti ma iyon. Kahit hindi siya palasalita, ramdam ng puso ko masaya siya na nakikita akong masaya.
"Handa na pala ang hapunan, Gianna iha, ayain mo na ang mag-inang iyan na sumunod sa dining area." Napabaling ako kay mommy nang magsalita ito.
"They can hear you, tita." ani Gianna.
Tumawa lang naman si Mommy.
"Mukhang gutom na ang aking apo. Halika na sa dining, apo. I asked yaya Carmen to cook you tempura" aya pa nito kay Letisha na agad namang lumapit dito nang marinig ang pagkaing binanggit ni mommy.
Pagkatapos naming kumaen ay hinayaan ko muna si Letisha kasama ang aking mga magulang sa sala. Si Gianna naman ay agad ring umuwi dahil may tatapusin pa daw sa trabaho. Isa rin kasi itong manunulat sa J.I, at pagkakaalam ko ay may deadline ito sa susunod na linggo.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...