Wala kaming teacher ngayon sa di malamang dahilan at nakakapagtakang hindi din kami pwedeng lumabas. At dahil don hinihintay ko ang chismis ng magagaling kong kaklase.
"Oy dali ano ng nangyayare?" Tanong ko at nakikisilip nadin sa kanila.
Hindi kayo mabibigo dito dahil bihasa sa chismisan to.Nasa top pa nga kung sakali eh.Hindi ako naghintay ng matagal dahil dali dali kaming pinaikot ng upo ng leader ng mga chismosa at mukhang alam na ang nangyayare. Nice sila talaga ang pinaka inaasahan namin sa larangan na to. Nasa klase namin ang mga matatalino pero nasa klase din namin ang halos lahat ng chismosa sa school.
Pero nakakapagtaka dahil parang namamawis ito.Ganon na ba kalala ang nangyare para mamutla at mamawis siya?lalo tuloy umandar ang pagiging chismosa ko.
"Anong nangyare Clarisa bat ka namumutla?"nagpapanik na tanong ni Agnes yung nerd dito samin. Dun ko lang din napansin na halos lahat kabado at desedidong marinig ang sasabihing balita.
"S-si Flora yung grade 11 student nakita ko siyang nakahandusay sa baba ng building nila duguan!M-marami ding mga pulis."ani ni Clarisa na labis naming ikinagulat.Narinig ko nadin ang angalan nila at pinaulanan ng tanong si Clarise tsk tsk kawawang chismosa ma ho hot seat ngayon.
Habang abala sila sa pag kukumpulan at pagbato ng tanong kay Clarisa pumunta naman ako sa may bintana at tinanaw ang nangyayare.Ganto ako kabatil kahit naka bukas ang aircon todo bukas padin ng bintana.
Nakatitig lang ako sa kumpulan ng mga pulis tama nga ang leader ng mga chismosa.Pero may napansin akong kakaiba.Nanlaki ang mata ko at nabaksak ang gamit sa lamesa. Naghulugan lahat ng libro ko pati nadin ang gamit ng kaklase ko pero hindi ko padin maalis ang paningin ko sa labas.
Hindi ako maaring magkamali siya yon siya yung nakatayo sa tuktok ng building! "r-raper".Oo siya nakatayo siya don at parang may hinihintay. Napatitig nalang ako at halos mapatalon nung makitang dumiretso sakin ang tingin niya!
Ilang saglit pa nakita ko na sa tabi niya si Flora."halikaw!" tinignan ko ng mabuti yung katawan niya sa baba at nakumpirmang kaluluwa ni Flora ang kasama ni raper ngayon.Bata palang ako ay nakakakita na ako ng multo.Ngunit hindi ko maiwasamg magulat lalo nat sumasama siya kay raper.Ibig sabihin nakikita rin siya ni raper? Hala... gage sino ba kasi siya?
Napatayo na ako sa sobrang gulat.Nagsimula na silang maglakad hanggang sa nakarating sila sa harap ko naka eye to eye ko si raper habang Flora ay parang wala sa sarili niya. Sinundan ko sila at gustong gusto kong tawagin si Flora kaso hindi ko magawa.
Nilagpasan na nila ako kaya hindi ko naiwasang sumigaw "raper sandale!" hindi nila ako pinakinggan at tuloy tuloy lang sa paglakad.Kainis!
Napatigil ako saglit. Bagamat hindi ko nakuha ang atensyon nila para patigilin alam ko namang nasakin na ang atensyon ng lahat ng kaklase ko.Patay na. Kainis talaga! this time napapikit na ko para pigilan ang sarili. Hindi ko na malaman kung anong gagawin. Gusto ko silang pigilan pero hindi ko malaman kung para saan.
"Cole sinong kausap mo?" ani ni Nico,shoot buti nalang nandito siya. Kung may makakaligtas man sakin sa kahihiyan si Nico na yon. Alam niya na nakakakita ako ng multo. Well hindi lang naman basta multo ang nakikita ko. O mas magandang sabihing hindi multo ang nakikita ko.
Lumapit ako sa kanya para bulungan"nakakita ako ng multo"napasinghap naman siya sa narinig. Alam kong naiisip niyang sira nanaman ang ulo ko pero kahit ganon hindi niya ako nilalaglag.
"Cole anong nangyare may tinatawag ka ba?" tanong ng kaybigan ni Clarisa na halos kaugali niya lalo na sa pagiging chismosa. Nagkatinginan kami ni Nico kaya naman napabuntong hininga nalang siya.
"wala yon,akala daw niya kakilala niya yung pulis na dumaan" palusot ni Nico na mukhang pinaniwalaan naman nila. Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang uto uto mga to.
"alam niyo ba...may nababasa at napapanood ako tungkol sa mga grim reaper!at ang sabi don ang mga taong kumikitil sa sarili nilang buhay ay magiging isang grim reaper o tika kulekta ng mga kaluluwa para daw malaman nila ang kahalagahan ng buhay" naagaw ni Gerome ang atensyon naming lahat isa siyang book worm at the same time k drama lover at mahilig siya sa mga ganyan. Uto uto kaming lahat kaya naniniwala kami sa trivia niya.
"eh, ano namang itsura ng grim reaper?"tanong ni Aries na ka lalaking tao pero napaka chismoso.
"hindi sila nakikita ng mga tao hanggat naka itim sila ayon sa nabasa ko kung anong edad sila namatay mag ste stay ng 9000 years na ganon ang mukha nila"kung ganon ang gwapo naman pala ni raper nung namatay siya.Bakit naman kaya siya nagpakamatay? Well i'm not sure kung grim reaper ba siya pero tun ang gusto kong paniwalaan.
Nanatili ang tanong nayon sa utak ko hanggang sa pauwiin kami.Napagod ako masyado kaya pagdating sa bahay humilata na ako sa sofa at dun natulog.
_·_·_·_·_·_Nasa mahimbing na tulog ang katawan ko pero hindi ko alam kung nasan ako.Nakakapagtaka na wala sa harap ko ang gintong pintuan. Nakakaramdam ako ng kung ano ano pero pinipigilan ko. Baka namsn kase na traffic yung train o may gumagamit pa nung gintong pinto. Yun nalang ang paniniwalaan ko kase magisip ng kung ano ano.
Napahiyaw ako dahil may pwersang humigop sa akin.Bigla nalang akong napaluhod dahil sa sakit ng ulo.Ito ang hirap sa kakayanan ko eh.Nakakaramdam ako ng sakit. Pakshet pwede bang minus nila yon!
Nung umayos na ang paningin ko nilibot ko ang mata ko wari ko ay napunta ako sa past dahil hindi moderno ang silid na ito pero mukhang pangmayaman. Nakakapag taka dahil ngayon lang talaga nangyare to.
"isa lang ang karapat dapat na mabuhay saatin kapatid"napalingon naman ako sa dalawang taong may hawak na balisong,omg magpapatayan ba sila? Bakit dapat kasali ako? Di ko nga kilala to eh.
Umiikot sila habang nakatingin sa isa't isa kaya naman laking gulat ko ng makita ang mukha ng isa pang lalake.
"raper?anong ginagawa mo!"hindi niya ako pinansin na para bang hindi niya ako naririnig maski yung isa pang lalaki. Jusko naman! Pipigilan ko ba o mag chi cheer ako?
"gusto mo ba talagang mapasayo ang trono Taddius?" Sabi ni raper. Napangisi naman yung isa na sa palagay ko ay mas matanda.Teka magpapatayan nga ba talaga sila.Pero akala ko ba magkapatid sila?pambihira! Mga may sapak ata to eh!
"kung ganon"tumayo siya ng tuwid at ngumisi.Napahiyaw ako ng malakas ng isaksak niya sa tapat ng dibdib niya yung balisong. Hala gage! Baliw ba siya. Bat niya sinaksak yung sarili niya. Duling ba siya eh nasa harap ang kalaban niya!
"CAIUS" sinapo niya ang nagaagaw buhay na si raper.Hindi dapat may gawin ako. Hindi ko siya pwedeng pabayaan mamatay. Aba baka mamaya kaya ako pinadala dito para iligtas siya.
Tumakbo ako papalapit sa kanya. Papalapit kay Caius. Pero bago ko siya mahawakan may humigop ulit saking pwersa at bumalik ang sakin ng ulo.
"WAG!WAG MUNA!" pero huli na ang lahat. Nawalan na ko ng ulirat.
_·_·_·_·_"CAIUS!" napaupo ako at napasabunot sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero...
walang katapusan ang pag agos ng luha ko
=======
«Nhorilize»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Adventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...