=FORTY ONE=

60 7 0
                                    

Wala kaming inaksayang oras ni Caius. Tinakbo namin ang gubat. Oo gubat. Kung hindi gumagana ang pagtakbo sa dagat ng tao,susubukan naming tumakbo sa dagat ng hayop.

"T-teka Caius" bumitaw ako sa kanya at yumuko. Inihawak ko ang kamay ko sa tuhod at ang isa ay sa dibdib.

Sobrang bilis ng takbo ng puso ko at unti unti ko ng nararamdaman ang kanina ko pang pagod. Napaupo ako dahil bumigay na ang tuhod ko. Si Caius naman na parang hindi nakakaramdam ng pagod ay pinantayan ako at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Sorry Nicole" natigilan ako sa paghabol ng paghinga ko dahil sa sinabi niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Para saan?" Naguguluhan kong tanong.

"Alam ko kaseng pagod ka na" kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya. Sa sobrong haba ng panahon naming dalawa sa mundo. Mapa Casandra pa yan o Nicole. Hindi nakakatakas sakin ang ano mang reaksyon ng mga mata niya. Pero tila isang palaisipan sakin ang lahat ng mga yon.

"Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig niya. Parang sinasabi niya saking pinagsisisihan niya ang paglaban para samin.

"Sorry kase kesa puro pagmamahal ang binibigay ko sayo ay puro sakit ang nararandaman mo. Sorry kase kesa nasa bahay tayo at masayang namamahinga ay nandito tayo sa gubat para takasan lahat ng may pangamba sa dibdib. Sorry dahil sa pangalawang pagkakataon ay nabigo kita at sakit nanaman ang nadadala ko sayo hindi ang mga bagay na deserve mo." emosyonal niyang turan. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ko. Akala ko pagod na siyang lumaban. Pero hindi pala. Hindi siya napapagod. Hindi niya ako sinusukuan.

"Caius kahit gaanong kadaming problema yan sasamahan kita ha? Mali ako nung pinili kong umiwas dahil natakot akong mawala ka ng tuluyan sa mundong ito. Pero Caius, nung oras na sumama ako sayong tumakbo papalayo sa lahat, ipinangako ko na sa sarili kong sasamahan kita, na sasaluhin ko maski bala para sayo, na hahayaan kong parusahan ako ng lahat para lang makasama ka kase Caius nung oras na nawala ka sakin daig panon lahat ng tama ng bala o maski lahat ng problema. Kase ikaw yung lalaking gusto kong makasama habang buhay. Mahal kita Caius. Mahal na mahal kita" sinigurado kong bawat bigkas ng letra ay mararamdaman niya ang emosyon ko. Sinisigurado kong mararating niya hindi lang ang laman ng isip ko kundi pati nadin ang puso.

Mula sa pagkakahawak niya sa balikat ko ay umangat yon sa pisngi ko. Sobrang rahan non na halos makiliti ako sa sobrang gaan ng kamay niya. "Ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko Nicole. Ikaw lang. Mahal na mahal din kita na kaya kong pakusapan si kamatayan para lang makasama ka" pinagdikit niya ang mga noo namin tsaka siya pumikit. Pumikit din ako dahil malapit na kong maduling sa sobrang lapit niya. "You did well Nicole. Fighting with you is the most dangerous yet graceful for me" hinalikan niya ang noo ko tsaka niya ako iginaya papahiga sa dibdib niyan "magpahinga ka muna"

Tiningala ko siya at tinignan sa mata na puno ng pangamba "pero Caius---!" Pinutol niya ang dapat kong sasabihin sa pamamagitan ng hintuturo niya.

"Magpahinga ka na" nakipagsukatan siya ng tingin sa akin at sa huli ay ako ang sumuko. Kahit takot ako ay hinayaan kong tangayin ako ng antok.

_·_·_·_·_·_·_·_·_

Hindi katulad ng nakasanayan, napunta agad ako sa isang lugar. Parang ganto din yung nangyare nung dalin ako ng panahon sa alaala ni Caius.

Agad akong ginapang ng takot. Pano kung ganon nga ulit ang mangyare? Malalaman ni Caius ang nasa isip ko! Kailangan kong gumising.

Pumikit ako at pilit binabalik ang kaluluwa ko sa aking katawan ngunit hindi ko magawa! "Wag ngayon!" Pinilit ko pang saktan ang sarili pero walang nangyayare. Napasabunot nalang ako sa sarili. Anong gagawin ko?

Ilang minuto akong tumayo lang don at hindi gumalaw kahit na cu curious na ko sa paligid ko. Ayoko maski ang tignan ang paligid. Pero halos mapabalikwas ako nung may humawak sa balikat ko.

"Binibini?" Tanong ng batang humawak sakin. Tila tinatanong niya kung bakit mukha akong baliw na naka upo sa gitna ng kainitan habang nakasabunot sa sarili. "Ikaw ba ay ayos lamang?" Tanong ulit niya. Tinitigan ko lang siya at iniisip kung saan ko siya nakita.

Kalaunan ay napabalikwas ako ng tayo at umatras ng may takot sa mga mata. "Hindi!" Halos dumausdos na ko sa lupa dahil sa pag atras ko.

Ang nasa harap ko... ay ang batang bersyon ni Caius!

"Binibini ayos ka lamang ba?" Lumapit siya ng isang hakbang pero humakbang ulit ako papalayo. "Hindi po kita sasaktan binibini. Wag ka pong matakot" tinaas niya pa ang dalawang kamay na tila pinapakalma ako pero hindi yon epektibo.

Humahakbang siya palapit kaya paatras ako ng paatras hanggang sa bumangga ako sa isang bagay. Hinarap ko kung ano man ang nabangga ko at laking gulat ko ng makita ko si Caius na seryosong nakatingin samin. Unti unti siyang ngumiti. Nagunahan magsituluan ang mga luha ko.

'Alam na niya'

"Caius.." basag ang boses ko sa pagbigkas ng pangalan niya. Tuloy tuloy ang pagluha ko lalo na ngayong nakikita ko na ang pagtulo ng luha mula sa mata niya ngunit nakangiti padin siya.

"Ganon... ganon pala talaga akong kasama sa nakaraan ko no?" Lumunok siya at muling ngumiti tsaka nagpatuloy. "Nagawa kitang iwan para patayin ang sarili ko alang alang sa kasiyahan ng kapatid ko" nanatili akong tahimik. Patuloy ang luha ko habang nakatingin lang sakanya. Inalis niya sakin ang paningin at inilipat iyon sa batang bersyon niya. "Caius ang iyong ngalan hindi ba?" Lumuhod siya upang pantayan ang batang lalake.

Kahit nalilito ay tumango ang bata. "Paano niyo po nalaman ang aking ngalan ginoo?" Gusto kong matawa dahil sa sobrang ka cutan ng batang Caius. Kung titignan mo siya ay masasabi mo nalang na ang sarap mabuhay.

Para siyang anghel na sobrang inusente ng mukha. Aakalain mong walang problema ang buhay dahil sakanya.

Hindi ko matanggap na ang batang ito ay mabubuhay sa mundong napakadamot sa kalayaan. Ang sakit isipin na mamamatay siya dahil sa pananakal ng tao maski ng mundo sakanya.

"Makinig kang mabuti. Gawin mo ang lahat upang mabuhay. Gaano mang kasama ang mundo sayo ay wag kang kikitil ng buhay,lalong lalo na ang sarili mong buhay. Diyos ang nagbigay sayo niya kaya diyos din ang babawi" hinawakan niya ang balikat ng bata at nginitian ito. Ngiting nakakahawa dahil bakas dito ang tuwa. "Magpakatatag ka ha. Kailangan na naming umalis"

Tumayo siya at lumapit sakin. Sinenyasan niya ang bata na umalis at sinunod ito ng bata.

"Bumalik na tayo" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

_·_·_·_·_·_·_·_

Nagising ako habang naghahabol ng hininga at ganon din si Caius. Agad ko siyang tinignan at bakas padin ang luha sa kanyang mata dun ko lang namalayan na umiiyak padin pala ako.

Umupo siya at inilapit ang ulo ko sa labi niya at hinalikan ako don. "Caius pano na tayo? Kukunin ka na ba nila? Caius hindi ka pwedeng mawala! Hindi mo na ako pwedeng iwan!" Napahagulgol ako ng iyak.

Ito ang ikinakatakot ko. Sa pangalawang pagkakataon. Kukunin niyo po ba ulit siya sakin? Hindi niyo po ba kami bibigyan ng pagkakataon para maging masaya o di kaya ay magkaroon ng supling?

Bakit parang ang hirap para sa kanila ang ibigay ang kalayaan naming dalawa.

"Shhh Nicole mahal kita. Naiintindihan mo? Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan" itinapat niya sa dibdib ko ang kamay naming magkasalikop. "Dito. Lagi akong nandito ha"

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang luha niya sa balikat ko maski ang yakap niyang ramdam ko ang takot.

=========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon