AUTHOR (walang kwentang) NOTE:
Ayan na po si Nicole kaso nga lang nakatalikod HAHAHAHA. Ikenat talaga.=======
"Para kang tanga alam mo yon?" Seryosong tanong niya sakin. Lahat tuloy ng awkwardness ko sa katawan ay napalitan ng inis.
"Ano?!" Sigaw ko sakanya.
"Mukha kang tanga diyan. Anong nangyayare sayo. Ang oa mo masyado nagising ka lang kung makahawak ka sa dibdib mo para kang hinulog." Panlalait niya pero irap lang ang ginawa ko. Pesteng yawa.
"Kanina ka pa ba diyan?" Pagiiba ko ng isapan. Wala naman kase siyang alam kung pano nahulog yung puso ko dahil sa letcheng tapik sa balikat na yon.
"Oo. Simula pagtulog mo hanggang sa magmukha kang tanga pag gising" paliwanag niya na may halong pangiinsulto.
"Lumayas ka nga dito punyeta ka!" Binato ko siya ng unan. Sa sobrang gigil ko sakanya kakuntikan ko na ding ibato yung librong nahawakan ko kung hindi ko lang naalalang masyado kong mahal ang librong to.
Wohhh safe!
"Lagi mo nalang akong pinapaales" reklamo niya na parang bata. Umirap ako.
"Pano lagi kading lumilitaw!" Pumikit ako ng madiin at pagdilat ko sobrang laput na ng mukha niya sa mukha ko at halos maduling ako sa distansya. "Ano ba!" Tinulak ko siya pero parang pader tong lalaking to, di manlang gumalaw.
"What's the matter miss?" Nginitian niya ako ng pag kaaaaa tamis tamis. Sa sobrang tamis gusto ko siyang I head bang!
"Matter matter pinagsasabi mo diyan! Lumayas ka at masama ang gising ko!" Nung hindi ko siya magawang matulak ay sinapok ko ang mukha niya.
"Hey tell me! May nagutos ba sayong iwasan ako?" Sigaw niya na patanong.
"Bakit mo ba ko sinisigawan!" Sigaw ko din sa mismong mukha niya. Kita ko na ang iritasyon niya at konti nalang ay matitiris na niya ko sa inis.
"Sagutin mo ang tanong ko meron ba?!" Sigaw niya ulit. Naiinis ako na may halong taranta kaya hindi ako makapagisip ng mabuti.
"Oo! Oo na! Meron nga! Ano ngayon? Nasasakin na yon kung susundin ko o hindi. Sa madaling salita disisyon ko yon!" Sigaw ko ng dire diretso at ngayon ko lang na realize na nakatitig lang pala siya sakin at hindi nakikinig.
"Bakit ka umiwas?" Mahinahong sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Taeng to. I record nalang kaya niya! Paulit ulit siya.
"Ang kulit mo kakasabi ko lang at sinabi ko na noon alin don ang gusto mong ilutin ko?!" Napasuklay nalang ako ng buhok dahil sa inis pero dahil nagkanda buhol buhol ko sa pagtulog hindi ko masuklay ng daliri kaya mas lalo ko nalang ginulo.
Pesteng buhay to!
"Sabi mo may sarili kang desisyon. At iyon ang desisyon mo,ang gusto kong malaman ay kung anong dahilan mo para umiwas" mahinahon niya pading sabi.
At nakakatanga lang dahil na se sexy han ako sa boses niya kahit nasa ganto kaming posisyon.
"Kase nga duwag ako! Hindi kita kayang ipaglaban sa lahat! Hindi ko kayang manatili sa tabi mo kase naduduwag ako!" Nakapikit kong sabe. "Ano okay ka na? Pwede ka ng umalis?"
Ayoko man pero yun yung totoo. Ayokong maliitin ang sarili ko dahil lumaki akong ma pride na taon sobrang sakit sa ego ng pag aming naduduwag ako para samin.
"Did you know that the weak person is the most dangerous at all" seryoso siya. Nagtaka naman ako.
"Ang point mo is?"
"You. Are. Weak" binatukan ko siya ng malakas. At don lang din nagka distansya sa harap naming dalawa.
"Ewan ko sayo!" Iniwan ko na siya don. Ang sabi ko naduduwag ako pero hindi ibig sabihin non mahina na ko.
"Why? Alam mo ba kung bakit sila delikado?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Bakit mister tatalino?" Sarkastiko kong sabe.
Nagkibit balikat siya habang nakanguso. "Di ko din alam" mas lalo lang akong nainis kaya iniwan ko na siya don.
Dumiretso ako sa kusina dahil naamoy ko na yung hapunan namin. Malay ko ba kung anong tawag don. Nagiimbento kase madalas si mommy ng foods. Buti nalang masarap lahat ng yon.
"Mom?" Tawag pansin ko sakanya.
"Oh anak! Nagising ka na pala ni Caius. Maluluto na to, saglit nalang okay?" Tumango ako at lumabas sa garden. Gabi na kaya hindi kita ang bulaklak pero tumuloy padin ako sa gitna kung saan walang ilaw. Hanggang tuhod ang mga bulaklak namin dito kaya naman natutuwa ako. Umupo ako sa pinaka gitna.
Ang sariwang hangin ay nahahaluan ng amoy ng bulaklak. Sakto din na nagliliwanag ang langit dahil sa mga bituin at buwan na wala pa sa kalahati.
"Hey girl" ramdam kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Maiistress pang ako. "I have offer for you" hindi ko padin siya sinagod kaya tinusok tusok niya ang balikat ko.
Nitong mga nakaraan. Pakulit ng pakulit si Caius. Pabata ata ang utak nito eh.
"Tsk! Nicole!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Okay! Why don't you..." binitin niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Run with me" tsk. Di naman yon humihingi ng kooperasyon! Tunog nag uutos siya eh.
"Ikaw nalang tumakbo magisa. Bat sasama mo pa ko. Napapagod na nga ako kakaiwas sayo patatakbuhin mo pa ko" reklamo ko.
"Tsk! Stupid! What I mean is run with me and let's escape from them" paliwanag niya na parang ubos na ang pasensya sakin.
"Tsk HAHAHA kaya ba natin yon? Muntanga lang. Wala tayong laban!" Mapait kong sabi. Yun ang katotohanan at sa aming dalawa. Siya dapat ang mas nakakaalam non.
"We will try" umiling nalang ako. Nahihibang na siya. "Have some faith Nicole" napabuntong hininga ako at napatango nalang.
"At pag hindi tayo nagtagumpay?" Tanong ko.
"We will try and try until I die" seryoso siya. Yan ang masasabi ko. Sadya nga yatang hibang ang taong to. Sinusubukan ko siyang tulungang mabuhay pero pinapatay naman niya ang sarili niya.
"Mahal kita" seryoso ang tono ko. Mas seryoso pa sa kanya. "Kaya hindi kita hahayaang mamatay nalang ulit. Kung gusto mong tumakas ay takasan natin ang ibang bagay pero wag ito. Napagalaman kong walang sulusyon para dito Caius. Kahit pa idahilan natin sa nakakataas na mahal natin ang isa't isa, wala pading mangyayare"
Desidido ako. Desidido akong pigilan ang pagtakas niya. Kung hibang na siya ako hindi pa.
Nakipagtitigan siya kaya hindi ako nagpatalo. Pero laking gulat ko ng sakupin ng kamay niya ang pisngi ko at halikan ako.
Hindi lang basta halik. Matagal yon at nakakalasing.
Hahalik na sana ako pabalik kaso lang tumigil siya. "Tatakas tayo." Desisyon niya.
=======
Ano guys? Sama tayo. Tara takas!HAHAHAH.
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Adventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...