= THIRTY NINE=

60 6 0
                                    


AUTHOR NOTE: yeah so. Almost there. Wanna finish it sooner coz i'm gonna take some break and hope to be back soon to do the series two. So yeah enjoy!

And oh! Correct me if my grammar is suck HAHAHA.

===============

Kanina pa siya pasok ng pasok ng damit sa maleta at hindi siya matapos tapos dahil ilang beses ko din yong binabalik sa kama ko.

"Damn it! Caius stop it. I don't want to run from this problem. If we gonna loose each other so be it! To tired of this shit so stop it!" Bulyaw ko sabay tapon ng damit ko sa kama. Malapit na talagang masira yung mga damit. Kung nakakasigaw lang siguro sila kanina pa kame nabulyawan.

"Okay I think you give me better idea" pagsuko niya. Sa wakas hindi na niya ulit binalik yung mga damit ko sa maleta. One more shit and I will kick him hard.

"Oh my! Thanks g!" Sigaw ko sabay higa sa kama. Napagod ako don. I thought we gonna do that all over again.

Kaso wala pang sampong sigundo yung pagkakahiga ko hinatak na niya agad ako patayo. Oh no! Don't tell me he's not yet done? Oh my! Give me some break!

"What the what Caius!" Tinatanggal ko yung kamay niya sa kamay ko para makabalik sa pagkakahiga. "Stop it please" pagmamakaawa ko. Para na talaga kong maiiyak sa sobrang pagod. Imagine limang oras kaming nag talo at guess what! Ala una na ng madaling araw hindi padin kami tapos!

"No. Way. So stand the hell up and we gonna go now" utos niya. Yup at wala akong magawa kundi tumayo. Padabog ko yong ginawa para dama niya. "Stop it Nicole. We don't have enough time. So please?" Pakiusap niya habang sinosoot sakin ang hoodie ko.

"Pero Caius kung wala kang balak matulog pwede naman siguro tayong kumain pagkaalis dito no?" Tanong ko sa kanya. Nagpapa cute. Kingina nagutom ako sa pakikipag away sa kanya and yet hindi padin ako nanalo.

Tinawanan naman ako  nitong pesteng to. "Yes we will"

Huminga nalang ako ng malalim. Ayoko talaga promise. Pero mukhang wala na talagang ibang paraan kundi ako tumakas. Hindi namin pwedeng sukuan ni Caius ang isa't isa pero ang gagawin namin ngayon ay ang pinaka mabigat na paraan. Lumalabas na nag ta traydor kame.

Pinatatag ko na ang sarili at inalis ang kaba sa sistema. Si Caius ang isa sa mga mahahalaga sa buhay ko. Nawala na ang dalawa at ayoko ng mawala pa ang isa. Kaya naman lalaban ako kahit anong mangyare. Kahit ang ibig sabihin non ay ang magtaksil sa mga nakakataas.

'Sorry po kasalanan niyo din. Pinag tagpo niyo kame'

"Iwasan mo ang magisip. Hanggang mamare ay isarado mo ang isipan mo para hindi nila tayo matunton" napatingin ako sakanya. Mind reader nga pala ang isang to.

"Pano ko naman gagawin yon? Abnormal ka ba?" Hindi ko maiwasang bulyawan siya. Ang hirap non! Para akong nagpipigil ng tae!

"Hindi mahirap yon. Hindi ka lang talaga sanay isarado ang isip mo. Kaya lahat ng kalokohan mo nalalaman ko." Napasimangot nalang ako. Ang tagal ko ng parang tanga sa harap niya eh may paraan naman pala para mapigilan yon.

"Bakit hindi mo sinabe agad?!"

"Bakit ko sasabihin?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko din siya.

"Syempre! Ang tagal kong nagmumukhang tanga sa harap mo eh meron naman palang paraan para maiwasan yon" pagalit kong sabi. Hindi talaga ako makapaniwala sa utak ng lalakeng to!

"Kaya nga hindi ko sinabe sayo para alam ko laman niyang kokote mo" napairap ako sa walang kwenta niyang dahilan. Magsasalita na sana ako kaso isinubsob niya sa bibig ko yung hintuturo niya. " at isa pa, hindi ka naman nagtanong kaya bakit ko sasabihin?"

Binalibag ko yung kamay niya para makapag salita ako "Para magkaroon ako ng privacy!"

"Tsk hindi naman lahat ng bagay pinapakealaman ko ah! Yang isip mo lang!" Napairap ulit ako. Isip lang? Wow ha rh lahat ng galaw ko nakakonekta sa isip!

"Yun na nga eh! Importante din yon!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ang matinong lalaking to ay inirapan lang ako.

"Importante eh puro nga kadaldalan ang laman!" Lalong sumama ang timpla ko. Wala kase akong masagot!

"Sumosobra ka na ah! Baka gusto mong tumakas magisa!" Pambawi ko nalang. Tsk masyadong matabas ang dila neto.

"Tsk pikon!" Kinaladkad na niya ako palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan niya.

Habang nagmamaneho ay ipinapaliwanag niya sakin kung pano ko masasarado ang isip ko. Malaking bagay nga iyon dahil matutunton agad nila kame sa pamamagitan ng utak namin. Hindi din kami nagdala ng kahit ano maliban sa pera at sasakyan ni Caius. Pero iiwan din namin to pag nakarating na kame sa dagat ng tao.

Mahihirapan silang hanapin kame kung napapalibutan kame ng mga kaluluwa. Useless ang pagpunta sa ibang bansa dahil wala pang isang minuto matutunton na nila kame.

"Hoy! Hindi halatang planado mo to ah" pangaasar ko sakanya. Inaantok na kase ako pero ayokong matulog. Paniguradong mabubuksan ang isip ko at matutunton ng nakakataas.

"Oo" sabay niya sakin. Malalim ang iniisip niya sigurado ako don. Masyadong seryoso ang boses niya to the point na kinabahan agad ako. "Hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila. Gumagawa na sila ng paraan para ilayo ako sayo. Ang pagbalik ng alaala ko ay masyadong ipinagbabawal at ang makasama ka ang susi para mangyare yon"

Napabuntong hininga ako. "A-anong gagawin natin?" Nanginginig ang boses ko gawa ng pangamba. "Caius mawawala at mawawa  ka padin sakin kahit anong desisyon ang piliin ko." Nilingon naman niya ko.

"Lalaban tayo Nicole" nawawalan ako ng pagasa pero magtitiwala ako sa kanya. "Gagawin ko ang lahat para hindi ako mawala okay?" Tumango ako.

'Mahirap ang isang yon Caius.. lalo na at hindi mo maipangako'

Huminto ang sasakyan. Alastres na ng madaling araw pero mukhang walang tulugan ang mga tao dito. Puno padin ng ingay ang lugar at bukas lahat ng bahay at tindahan.

"Nasan tayo Caius?" Tanong ko nung parehas kaming makababa.  Lumapit naman siya sakin at hinawakan ng mabuti ang kamay ko.

"Hindi ko alam sa totoo lang. Nadiskubre ko lang ang lugar na to nung may sinundo akong patay. Ito ang naalala ko kaya diyo kita dinala." Paliwanag niya. Nagsimula kaming lumakad sa dagat ng tao.

Madaming tindera ang hindi magkaatubiling magbigay ng pagkain sa mga taong bumibili. Hindi sinasadyang kumulo ang sikmura ko.

Napatigil sa paglalakad si Caius at hinarap ako. "Gutom na ko" I pout while holding my tummy.

He smile at me and walk again. "Okay" naglakad pa siya ng ilang hakbang habang tumitingin sa mga tindahan. Halos puno na lahat ng yon kaya hindi ko alam kung pano mapupunan ang sikmura ko. "Dito tayo" agad akong napasugod sa tindahang walang masadong tao.

"Oh hi sir,maam, ano pong order nila?" Agad na lumapit samin ang waiter at nagtanong.

"Sisig po ate tatlo!" Sigaw ko dahil sa sobrang ingay sa labas maski sa mga table dito.

"Sige po maam" umalis agad siya para kunin ang order ko.

Nagtataka namang umupo sa harap ko si Caius. "Bakit tatlo? Dalawa lang tayo. Masyado ka atang puyat at di ka na nakapag bilang ng ayos" sabi niya pero ngumiti lang ako sa sobrang tuwa dahil sa mga oras na to makakakain na ko.

"Tatlo tayo Caius. Ikaw,ako tapos yung bulate sa tiyan ko" napailing nalang siya at prenteng umupo sa harap ko.

Ngayon, hindi ko muna iisipin ang mga mangyayare ang impirtante makakakain na ko.

======

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon