=EIGHT=

151 17 0
                                    

"Nasan ba ko?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Nagtatalinan at naghahabulan ang mga hayop pero hindi naman nila kami sinusugod. Mas mabuti na yon at kahit papano kumalma ako.

Nagkibit balikat siya "ewan" hinampas ko siya sa sobrang inis.

"Panong hindi mo alam eh ikaw ang nagdala sakin dito!" Napapadyak nalang ako sa inis dahilsn kung bakit umuga ang bangka.

"Wag ka ngang malikot, mahuhulog tayo" suway niya sakin pero nagpatuloy ako. "Tumigil ka sabe!"

"Ibaba mo na kase ko!" Tinigil ko na ang pagpadyak sa takot na mahulog. Masyadong madaming isda baka lamunin ako ng buhay niyan.

"Alam mo ba kung pano makababa dito?" Tanong niya. Napairap nalang ako.

"Malamang hinde!" Naiirita ako sa kanya. Konti nalang ihuhulog ko na siya.

"Ako man eh"

"Ano?!" Nahampas ko siya ng sobrang lakas pero kesa masaktan ay humagalpak siya ng tawa. "Ano ka ba! Isang isa ka nalang sakin ha!" Hindi padin siya natitigil sa pagtawa kaya lumayo na ko ng todo sa kanya. Pumunta ko sa kanina kong kunakaupuan pero hindi ako huminto. Nilagpasan ko lang yon at dumiretso sa dulo.

Tinignan ko nalang yung mga isda sa baba. Pag namatay ako dito magigising na ko. Ibig sabihin ligtas padin ako. "Alam mo, tapos na ko sayo. Bye!" Sabi ko ng walang lingunan sabay talon. Pinigilan kong huminga hanggang lamunin ako ng tubig. Nakapikit ako at hinihintay ang pagkagat ng isda saken pero wala.

Dinilat ko ang mata ko at napatili sa ilalim ng tubig. Pilit akong umahon  at umubo ng umubo. Wala ng mga isda! Pati mga hayop wala na!

"Pano yon?" Wala sa sariling sabi ko.

"Galing ah" napaharap ako sa gilid kung saan kami galing kanina. Naka squat na don si Caius at pinapanood ako.

"Bwiset ka! May araw ka din sakin!" Nginitian niya lang ako. Hindi na ko nakapagreklamo dahil nagigising na ang diwa ko.

_·_·_·_·_·_·_

Minulat ko ang mata ko at kung visible man ang ekspresyon ko malamang isang malaking question mark ang mukha ko.

Ano ba kasing pinag gagawa ni raper. Trip niya talagang bigyan ako ng problema.

Bumangon nalang ako para kumain sa baba. Dito sa bahay hindi uso ang diet. Buti nalang walang lumolobo samin. Sexy padin kame. Masyadong masarap ang mga hinahanda ni mommy araw araw kaya hindi na kami nakakahindi.

Umupo na ko sa tapat ni Nico. Tinignan ko naman siya ng 'ano tinitingin tingin mo diyan look' dahil titig na titig siya sakin.

Bat parang ang weird ng mga nilalang ngayon. Mapa tao o ingkanto ang we weird. Wag naman sana ako madamay sa kanila.

"Ano nga!" Sinigaw ko na sakanya kase hanggang ngayon di padin niya ko tinitigilan ng tingin. Naka hithit yata to ng katol eh.

"W-wala,wala sige" yun lang yung sinabi niya at iniwan na niya yung pagkain niya na hindi pa ata nakakalahati. Parang may tinatago ata siya sakin ngayon. Iba to ah. Ngayon lang siya umasta ng ganyan.

Sinundan ko siya dahil hindi ako mapakale. Hindi na niya sinasabi sakin yung mga bagay bagay lalo na sa pag lu lucid dream niya kaya alam kong may problema. Ayaw kong maglihim siya sakin.

"Nico sandali!" Hindi siya huminto at nag dire diretso siya sa kwarto niya pinihit ko yon kaso naka lock. Nak ng teteng. Umupo ako sa ilalim ng pinto wala lang iimote lang.

Bigla naman akong may naisip kaya napatayo ako agad "kala mo ha wala kang takas,patay ka sakin ngayon" bulong ko sa sarili ko habang tumatawa. Mukha akong baliw dito pero wala akong pake.

Bumaba ako ng bahay at pumunta sa likod kung saan nandon ang veranda ni Nico. Hindi niyo natatanong may lahi akong unggoy. Kaya kong akyatin yan kahit ganong kataas.

Sinimulan ko ng akyatin yon at good thing is bato bato ang design ng bahay namin kaya may makakapitan ako. Malapit na ko sa taas nung mapatingin ako sa baba. Mahabaging embre wag naman sana akong malaglag kukutusan ako ng tatay ko.

Dinahan dahan ko yung pag akyat baka kasi makita ako ni Nico tas pagsarahan niya ko aba sayang ang pagiging unggoy ko pag nagkataon. Masyado ng mataas ang naakyat ko.

Sinampa ko yung isa kong binti sa para makatawid na ko jusmiyo rudeng masyado akong pinapahirapan nung kupal nayon. Patay talaga siya sakin pag di siya nagsabe.

Nung maka tawid na ko binuksan ko yung pinto at halos tumalon na ko pababa sa sobrang tuwa dahil bukas yung pinto. Binuksan ko yon at halos mapatili naman ang kambal kong naka boxer lang.

"Ano ba Cole!" Kinuha naman niya yung unan at ipinangtakip niya sa katawan niya. Napairap ako at bahagyang natawa

"Arte neto nakita ko naman na lahat yan" irap ko sakanya at prenteng humiga sa kama niya.

"Ano bang kaylangan mo" sabi niya ng pagalit habang nagsosoot ng short. Basa ang bohok niya kaya alam kong kakaligo lang niya. Antagal ko naman atang umakyat kung ganon.

"Ikaw anong problema mo" balik tanong ko sakanya. Humarap naman siya sakin pero naglakad din papuntang salamin. "Hindi ka naman ganyan umasta date ah"

"Wala akong problema kaya umalis kana" sinong niloloko niya eh kilalang kilala ko na siya.

"Wag ako Nico sabihin mo sakin dahil alam kong meron" tinignan niya ako at nagbuntong hininga.

Umupo naman siya sa tabi ko "nitong mga nakaraan..hindi na ko nakakapag lucid dream" mahinahong sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano! bakit?anong nangyari bat nagkaganon?!" Bulyaw ko sakanya dahil sa gulat. Sabi na may weird na nangyayare sa kakambal ko eh.

"Bukod don, n-napapaginipan kita" oh ako nanaman nyemas ano nanamang kasalanan ko. Pansin ko lang ha, lagi nalang akong nasasali sa gulo.

"Baka naman gandang ganda kalang talaga sakin kaya ganon" biro ko sakanya para pagaanin ang naninikip ko ng dibdib dahil sa kaba. Hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan. "O kaya baka masyado kang nagpapagod kaya wala ka ng lakas sa pag lu lucid dream mo" pagbibigay ko ng idea dahil minsan ganyan din ang nangyayare sakin.

"Hindi eh nakita kita noon na naglalakad habang naka barot saya may kasintahan ka at tinatawag ka niyang Casandra" paliwanag niya na parang maluluha na. "Ikaw yon! Alam kong ikaw yon" napabuntong hininga siya at napaupo nadin sa tabi ko.

"Baka naman gusto mo lang talaga kong magka boyfriend kaya na nananaginip ng ganyan" pagdadahilan ko kase ayaw kong mag over think. Pwede namang nagkakamali lang siya eh.

"Hindi ganon yon Nicole" sinabunutan na niya ang sarili niya kaya hinawakan ko na ang kamay niya. Napaayos naman siya at parang may naalala. "Pero kanina lang napaginipan ulit kita habang nagaagaw buhay dahil may tama ka ng spada sa tagiliran mo!" natigilan ako sa sinabi niya. A-anong ibig sabihin non.

Kinabahan ako bigla at hindi na nakapag salita.

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon