Hindi padin ako makapaniwala sa batang yon. Ang loko ko namang kambal sinakyan pa kaya eto ako ngayon,nanggagalaiti sa inis.
"Daddy san po tayo bukas?" Baling ko kay dad. Kakatapos lang namin kumain at naupo kami sa sala.
"Dubai mall muna kaya?" Suggest ni ate at sangayon ako don. Yun din kase ang plano ko.
"Matulog na kayo para maaga tayong makaalis" singit ni mom galing kusina.
"Hoy kayong tatlong ugok tabi tabi kayo matulog kami ni ate magsasama!" Sigaw ko sa dalawa kong kapatid pati nadin kay Caius. "Lika na ate antok na ko" hinila kp na siya paakyat.
"Ako man eh tara"
Binitbit nadin namin yung bag namin papunta sa isa sa mga kwarto sa taas. Pagod kong hiniga ang katawan ko at hindi na pinag tuunan ng pansin ang mga gamit ko.
"Hindi ka muna ba magaayos ng gamit?" Tanong ni ate habang nakasalampak sa sahig at inaayos ang maleta niya.
"Pahinga muna ko saglit pagising nalang ako pag tapos ka na"
"Sige umidlip ka muna"
Hindi ko na siya sinagot at ipinikit nalang ang mata ko. Hindi naglaon nakatulog din ako.
--------
"Nicole gising na magayos ka na" mahinang tapik sakin ni ate.
Tumayo na ako at siya naman ang humiga sa kama. Paniguradong nakapag linis na din siya ng katawan dahil ang presko na niya kung titignan.
Masyadong gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi ako nakapag time travel. Ganon kasi ang nangyayare sakin kapag sobrang pagod ko. Ang abilidad ko na ang nagu adjust para sakin.
Pasalampak akong umupo at sinipat ang maleta ko. Napabuntong hininga ko dahil di ko pa man nauumpisahan sinapian na agad ako ng katamaran. "Hoy ikaw,wag mo kong pahihirapan masyado ibabalibag kita palabas ng bahay na to" pagbabanta ko sa maleta ko.
'Nyeta nababaliw na ata ako'
Nagbuntong hininga ulit ako tsaka ko inisa isa ang gamit ko. Ilang oras din ang tinagal non kaya naligo nadin ako para magbibihis nalang ako mamaya.
Hindi ko na pinansin ang paligid ko at pagod na nahiga sa tabi ni ate. Nilamon ulit ako ng antok.
------
"Mga anak gising na!" Sabi ni mom habang niyuyugyog kami ni ate. Tamad akong tumayo dahil sa totoo lang gusto kong matulog magdamag. Bugbog na bugbog ang katawan ko sa byahe.
"Morning mom" bati ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.
"Good morning baby. Bumaba ka na don gigisingin ko pa ate mo" nakangiting sabi niya sakin sabay baling kay ate. "Nica giseng!!!" Malakas na sigaw niya kaya napabaligwas pabangon si ate.
"Ha anong nangyare?! Nasan ako?!" Tarantang tanong niya kaya napahalakhak ako ng todo.
"HAHAHAHA seriously?" Sabi ko pa habang tumatawa. "Bolang!" Pangaasar ko sakanya sabay alis sa kwartong yon.
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Adventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...