=TWENTY=

87 9 25
                                    


Inis na inis ako kay Nico dahil ayaw niya ko pakinggan at inaya niya padin si Caius. Kaya sa napakaraming pagkakataon para ngayong araw,ginamit ko ulit ang utak ko.

Agad kong tinawagan si Tine "hello, nandiyan ba ngayon ate mo?" Bungad ko sakanya.

"Oo baket liligawan mo?" Napairap ako sa kawalan.

"Boba tatanong ko sana kung pwede ba siyang sumama mamaya?" Napangisi ako sa sinabi ko.

Nalayo ako sa phone nung sumigaw siya. "Oo sige ba!"

"Ingay mo parang ilang taon ka hindi nakapag salita nyemas ka. Bye na nga" pabiro kong sabi.

"HAHAHAHA labyu Nicole mwuah" binaba na niya yung tawag. Napangisi ako.

Unang kita palang ni Nico kay Jastine parang may something na. At dahil batil siya iinisin ko siya ngayon.

Naghanda na kame ni ate ng tutulugan namin mamaya maski si mommy nag luto at nag bake para sa kakainin namin. Sakto daw dahil may business trip daw sila ngayon. Sa sobrang tuwa namin ni ate dahil supportive ang parents namen. Tinulungan pa namin si mommy mag empake.

"Parang gustong gusto niyo talaga kaming umalis ah. Pinagmamadali niyo pa kami" biro ni daddy na kakapasok lang sa kwarto nila ni mom.

Natawa naman kami ni ate "ano ka ba dad, gusto lang namin kayo ni mommy mag bonding. Wag masyadong isipin ang trabaho ha enjoy niyo din."

Hinalikan naman kami sa ulo ni daddy. "Oy sali kami diyan. Anduga niyo!" Kunwari pang nagmamaktol si Nico. Binatukan naman siya ni kuya.

Ewan ko ba hindi ata kami mabubuhay ng isang araw habang hindi nambabatok. Mga sadista kase ang mga to manang mana kay daddy.

Isa isa na naming niyakap sila daddy at mommy. Hinatid nadin namin sila sa airport.

"Yung allowance niyo nakay ate ha. Wag papagutom. Magingat kayo babalik agad kame. Lagi kayong tumawag ha. Sige na I love you guys" niyakap ulit namin sila na akala mo tatagal ng isang linggo ang pag ka wala nila.

"Bye!"

-----

Kasalukuyan kaming nag babato batopik na apat nung tumunog ang doorbell. Tinakbo na ni Nico yon. Little didn't he know. I have something for him out door.

"Rai pare I miss you!" Nag apir pa sila. Nagsipagtawanan naman kame sa kabaklaan niya.

"Yuck pare nababakla ka nanaman sakin" arte ni Rai na kunwari ay nandidire.

"Hoy ako Nico hindi mo ba ko babatien? Pati si ate andito oh" natigilan naman sa pakikipagharutan si Nico nung makita niya si Jastine.

"Anong ginagawa mo dito?" Tulalang tanong niya habang nakaturo sa kausap. Tinaasan naman siya ng kilay ni Jastine.

"Ikaw!niwelcome kita nung kumain kayo samin. Tas ako hindi mo Iwe welcome!" Dinuro duro niya si Nico.

Palihim akong tumawa. Yan lagot kang bata ka. "S-sorry pero... aish!" Dali dali siyang umakyat sa kwarto niya.

"Anong problema non?" Nagkibit balikat lang kami sa tanong ni Jas. Tumayo ako at inakay sila papasok.

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon