AUTHOR NOTE: si Caius ulit yung nasa taas. Walang Nicole na pic kase nakakaselos char HAHAHAH.Just imagine your self as Nicole. So you can have a special gift once in a lifetime.
======
Kanina pa natapos ang klase namin kaya kanina pa ko nakahilata dito sa kama ko, trying to get some peace of mind. Pero walang katahimikan ang buhay ko. Bakit? Kase yung magaling kong BEST FRIEND eh kanina padin ako pinepeste."Dali na kase Nicole! Magsisimula na yung laro nila Rai oh! Anong oras na. Ikaw tong nagsabing kailangan ng suporta ng kambal mo tapos ayaw mong tumayo diyan!" Sigaw niya nanaman. Hinihintay ko talagang mamalat siya kaso mukhang hindi mangyayare yon.
Can somebody told her what's i'm up to? Kinakailangan ko umiwas at dahil sa kanya hindi ko magawa. Rumurupok na nga ako paparupukin pa lalo.
Bumuntong hininga ako at nag ready para sa pag bulyaw sakanya. "Oo na tatayo na! Letche ka talaga!" Inis kong sigaw at siniguro kong mas malakas sa sigaw niya yon.
"Yown! Buti naman. Bilisan mo ha! After five minutes tas hindi ka pa din bummababa don aakyatin ulit kita dito!" Kumaway pa siya sabay labas ng kwarto ko. Napairap nalang ako.
What can I do? She's psychopath.
Nagbihis nalang ako ng matinong pambahay tsaka lumabas ng kwarto. Ayoko ng umakyat si Cristine don. Parang dinaanan ng bagyo yung kwarto ko kada papasok siya eh. Ihagis ba naman sakin lahat ng libro ko don para lang tumayo ako.
"Tara na dali!" Kinaladkad niya agad ako. "Ayan tuloy maglalakad lang tayo! Ang bagal mo kaseng magbihis nagpapilit ka pa naiwan tuloy tayo nila Rai." Reklamo niya habang naglalakad kame. Nagreklamo pa eh naglalakad din naman. Laki ng problema nito pwede namang pumara kame ng masasakyan.
"Ang sabihin mo naiinis ka dahil hindi nating kasabay ngayon yang Rai mo at natatakot na baka makahanap ng chicks yon don!" Asar ko sakanya. Makaganti man lang kahit papaano.
"Hmmm talaga lang ha! Bakit ikaw hindi ka ba natatakot na ipagpalit ka ni Caius dahil diyan sa pagiwas mo?" Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. Kung ganon man ang mangyayare...
"Edi mas maganda para tigilan na niya ko!" Pero hindi yon ang gusto ko. Ayoko siyang makahanap ng iba. Ang akin ay akin. Pero ang tanong, akin ba siya? Wala naman siyang sinabe kaya siguro 'hindi' ang sagot don.
"Nako. Pag ikaw nagsisi diyan sa sagot mo. Hahagalpak ako ng tawa" inirapan ko lang siya tsaka kinaladkad ng mabilis.
"Dalian mo na nga lang diyan." Inis kong sabi. Rinig ko naman ang tawa niya sa likod ko.
"Paayaw ayaw ka pa diyang nalalaman eh excited ka naman pala. Kung makapagmadali to. Sus kung alam ko lang laman ng utak mo eh paniguradong gusto mo lang na si Caius ang mamilit sayong pumunta!" Hindi ko siya sinagot. Bahala siya diyan. "Sus pabebe ka na ngayon Nicole ha" patuloy niya. Hindi talaga to titigil eh no.
"Manahimik ka diyan napaka daldal mo!" Inis ko talagang sabe. Tawa lang naman siya ng tawa hanggang makarating kami sa kabilang bayan kung saan gaganapin ang laban.
Naghihiyawan na ang mga tao don kaya paniguradong nagsimula na din ang laro. Late nga kame. Pero who cares? Hindi naman kami yung maglalaro kaya bakit kailangan maaga? Kahit nga sa kalagitnaan ng game kami pumunta mananalo parin ang dapat manalo.
"Alam mo hindi naman ikaw ang maglalaro Cristine kaya wag ka ng magreklamk diyan" saway ko sa kanya habang naghahanap ng upuan. Kanina niya pa ko sinisisi at hindi daw namin naabutan ang umpisa ng laro.
"Kahit na! Eh sa gusto ko silang mapanood magumpisa eh" inirapan ko nalang siya at hindi pinatulan. Puputok ang litid ko sa pagintindi sa kanya.
"Woah ang gwapo mo kuya!"
"Shet kuya ngiti ka naman diyan!"
"Pogi one pipti!"
Napangiwi ako sa mga naririnig. Minsan lang ata nabiyayaan ng gwapo ang mga mata ng mga babae't binabae dito eh.
"Sino kayang pogi yon?" Tanong ni Cristine habang nililibot ang tingin sa court. Na curious din ako kaya nilibot ko din ang tingin ko. Pansinin agad si Caius dahil sa mga babaeng nakatingin sakanya.
Napakunot ang noo ko. Magseselos na sana ko kung hindi lang busangot ang mukha ng grim reaper na to eh. "May regla ba ngayon si Caius?" Bulong ko din sa katabi ko. Bulong dahil di na kami magkarinigan.
Tinignan ko ulit si Caius at nakaharap na sakin ang mokong. Tinaasan ko siya ng kilay at pinanindigan ng husto ang kaartehan at katarayan ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. At dahil nga pustahan lang tong larong to hindi na siya nagabalang mag jersey. Naka black t-shirt lang siya at---- damn it all black paden hanggang laro?
Binalik ko sakanya ang tingin ko at naka ngising aso na siya sakin ngayon.
"Omaygad ang gwapo niya!"
"Hihimatayin ako girl sapuhin mo ko!"
"Hala beh sagot ko na pampaaral mo! Halika dito sakin ka!"
Napairap nalang ako sa mga naririnig. Baka ikaw pa pagaralin niyan. Humalukipkip ako at hinanap si Nico.
Siya ang dapat kong tignan dahil siya naman ang ipinunta ko dito. Busy ako sa paghahanap sa kapatid ko pero isang garapatang may lahing linta ang nahagip ng mata ko. What the what? Ito yung babae ni Caius ah! Anong ginagawa niya dito?
Nangunot ang noo ko nung makita ko siyang isinisigaw ang pangalan ni Caius habang may hawak pang banner. "Cristine sumasama ang pakiramdam ko dahil nakakita ako ng lintang nag anyong tao. Uuwi na ko" paalam ko. May sasabihin pa sana siya kaso iniwan ko na siya don.
Nilakad ko ang kalsadang tinahak din namin kanina. Wala na halos tao dito dahil nasa court lahat. Payapa akong nakauwi pero hindi maalis ng kapayapaan na yon yung sakit na nararamdaman ko. Bwisit lang! Kakasabi ko lang kanina na mas mabuting makahanap siya ng iba tapos ngayon nagmumukmok ako.
"Oh anak! Ang bilis mo namang nakabalik? Kakaalis mo lang ah. May problema ba? May pinapakuha ba ang kambal mo sayo?" Bungad sakin ni mommy na hindi ko alam kung sang lupalop nanaman ng bahay nanggaleng.
"Wala po. Sumama lang po kase yung pakiramdam ko kaya umuwi na po ako" magalang kong sabi habang nakangiti sakanya. I don't want my mom to worry so I just keep it to my self. And beside, she doesn't know about my plan.
"Hey are you okay sweetheart?" Masinsinan niya akong hinawakan at ginaya sa sofa. Umupo siya don at tinapik ang tabi niya. Sa halip na umupo ay humiga ako don at pinatong ang ulo sa binti niya.
Hindi ko na napigilan at bumuhos ang luha ko. Nalabas ko lahat ng sakit sa pamamagitan ng pagiyak at alam kong ramdam ni mom yon. She just look at me and let me cry.
I was thankful because she understand my situation.
=========
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Aventura"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...