Hindi na kami naghintay pa ng matagal dahil dumating agad si daddy kasama na si tito Clark.
Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ba ang nararamdaman ko. Feeling ko anytime mababaklas na sa pagkakakabet tong puso ko eh! Daig pa ang tinambol sa sobrang bilis.
"Hi dad! Happy birthday!" Bati ko sabay mano at halik sa pisngi niya.
"Hahaha thank you iha" niyakap ako ni dad ng mahigpit tsaka ginulo ang buhok ko. Bumaling naman siya kay Nico dahil ito ang sunod na bumate.
"Hi tito!" Ngiti ko at tsaka nagmano. Ngumiti naman pabalik si tito tsaka bumati. Ng matapos ang palitan ng bati ay nag aya na si mommy na kumain.
"Halika na! Nako! Tinulungan ako ng mga bata sa pag aayos niyan! Maski ang pagkain ay tinulungan nila ko s a pag gawa." Pagmamalaki ni mom samin. Syempre tamang arte lang na nahihiya. Alam nila tito at dad yon kaya nagtawanan sila.
"Nako! Pare mukhang may hihilingin ata ang mga yan ah" sabi ni tito habang umuupo. Agad namang tumalima si Nico.
"Tito ha! Syempre wala. Birthday gift to no" nagtawanan kami dahil dito.
"Talaga lang ha. Siguraduhin niyong walang kakatok sa kwarto ko para humingi ng suhol ha!" Biro ni dad kaya alanganin silang tumawa lalo na si kuya Nick.
"Walang ganunan daddy" hindi na kami makahinga kakatawa.
Suddenly biglang humupa ang tawanan at sinakop na ng seryosong awra ang buong paligid. Ang paligid man na kay ganda ay hindi nagawang pahupain ang tensyon na nabubuo.
"Sa tingin ko..." panimula ni daddy na siyang bumasag sa katahimikan. Natuon naming lahag ang paningin sakanya. "Sa tingin ko deserve niyong lahat yung katotohanan." Napabuntong hininga siya habang nakatulala sa hapag. "Alam ko lahat kayo may,may nabubuo ng--- idea kumbaga." Tinignan niya kami isa isa at nahinto kay mommy ang tingin niya.
"Ito" turo niya kay mom. "Ito ang nagiisang babaeng ipinaglaban ko kay kamatayan" lahat kami ay nanlaki ang mga mata at dinapuan ng kaba. Naglakas loob akong magsalita.
"Pwede niyo po bang.. sabihin samin.. lahat.." pahina ng pahina ang boses ko. Sobra ang pagaalinlangan ko sa pag tanong dahil ang lahat ng nasa hapag ay walang lakas ng loob magsalita.
"Oo naman,bakit hindi" tumawa siya at matamis ang ngiting humarap kay mommy. "Ang mommy niyo ang anghel sa buhay natin. Alam kong alam niyo na yon pero... isa siyang literal na" bumuntong hininga ulit siya. "Literal na anghel"
"Po?!"
"Daddy? Mom? Ano po bang sinasabi niyo?" Tumatawang sabi ni ate Nica.
"Tsk dad naman wag kayong mang good time! Alam naman po naming umaapaw sa kabaitan si mommy pero---- aish" sabi ni kuya Nick.
"Mukha ba kong nagbibiro?" Seryosong tanong niya. Kakuntikan na kong mahulog sa upuan ko nung bigla bigla siyang humarap sakin. "Maari mo bang ibahagi kung saan mo ko nakita" tanong niya sakin. Madiin akong napapikit. Bakit ako?! Eh maiihi na nga ako sa kaba dito tapos ako nanaman.
"S-sa, sa nakaraan" mahina kong sabi. Nagsinghapan naman silang lahat. Kanya kanya sila ng bigay ng komento kaya napanguso ako. Wala akong inintindi maski isa dahil ako din naman ay nalilito na.
"Gaya ni Caius isa din akong tagasundo ng patay. Nagkataong lagi kaming magkasama. Ito namang kapatid niya ay malakas ang magnet kay Caius. Minsan niya na kong nakita" paliwanag niya. Buti nalang nagpaliwanag siya. Sa sobrang reklamador ng mga kapatid ko wala na kong naintindihan sa kanila ni isa. Sabay sabay silang nagsasalita at kay tutulin pa.
"Ngayon, para mas malinaw. Ang lola niyo ay hindi niyo talaga kaano ano. Isa siyang normal na tao na may... mabuting puso. Kinupkop niya kamo at inalagaan. Tinuring na parang tunay na anak. " tumingin siya kay tito na noo'y nginitian siya. "Biyaya din ang isang kapatid na tinuring kaming parang kadugo narin. Minahal nila kami't binihisan."
Wala ng nakapagsalita pa. Lahat kami may sari sariling mundo. Pare parehad nagiisip pero wala namang laman ang isip. Sa madaling salita tulala.
"Malapit na kong umalis. Malapit ko na kayong iwan" muling sabi niya.
Ngayon ko hiniling na sana hindi nalang binigyan ng kasagutan lahat ng tanong ko. Dahil hindi ko pala kaya. Ansakit isipin ng katotohanan gayong mas gusto kong paniwalaan ang kasinungalingan.
Gusto kong tanggapin lahat ng buong puso ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilang masaktan. Gusto kong lumuhod at humingi pa ng konting oras para makasama ang ama ko ngunit alam kong wala na. Wala ng magahawa yon.
Nangibabay ang iyakan dahil alam na naming lahat ang ibig sabihin non. Aalis na siya. At hinding hindi na babalik pa...
"Gusto ko ng masayang wakas. Hanggat maari ay wala sanang iiyak. Malinaw ba?" Hiling ni daddy. Kaya naman mukha kaming mga tangang pinigilan ang luha namin at uhog na tumulo.
Hindi tuloy namin napigilang matawa sa isat isa.
"Daddy. Mahal na mahal po kita. Gusto ko pong malaman niyo na... gagawin ko pong lahat ng ikasasaya niyo. Po protektahan ko po ang pamilyang ito at higit sa lahat. Magtitino na po ako" sabi ni kuya kaya nagsipagtawanan kami. "Seryoso ako! Magtitino na po ako bilang pasasalamat dahil binigay kayo samin. Sobrang swerte ko po dahil kayo ang daddy ko"
Tumayo si kuya at humalik kay daddy. Matagal silang nagyakap hanggang sa tumayo nadin si ate. Niyakap niya din si daddy at umiyak sa balikat nito. "Promise po magiging doctor ako dad! Gagawin ko yon para sayo. Panoodin mo ko ha!" Iyak ng iyak si ate kaya naman tinahan na siya ni mom.
Napatingin silang lahat samin ni Nico. "Any last words?" Tanong nila pero sabay kaming umiling. "Why?!" Sabay padin nilang tanong.
"Kase po alam niyo naman ang laman ng puso't isip namin. Alam niyo po kung gano namin kayo kamahal. At tsaka lagi ko pong babalikan ang nakaraan niyo. Ike kwento ko po sainyo lagi na ako ang anak niyo!" Biro ko kaya gumaan ang hangin.
"Ako man po, papasakayin kita sa lahat ng kotseng nasa panaginip ko. Maaring imahinasyon pero sobrang linaw non. Pwede niyong hawakan tsaka paandarin" biro din ni Nico.
"Wag kayong mag alala. Dadalaw ako sa lahat ng posibleng paraan. Tandaan niyo yan. Sa ngayon, kailangan muna nating magpaalam ha"
Sabay sabay naming tinapos ang pagkain. Ginawang napaka perpekto ng oras nayon sa abot ng aming makakaya.
Sa ganong paraan nawala ang sakit o maski lungkot. Pangungulila ang nangingibabay sa damdamin ngunit may dulot na saya dahil pinagbigyan kami ng may kapal na magpaalam kahit sandali lang.
=========
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Aventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...