"Nicole dali na dangkupad mo ma le late na tayo oh!" nagmadali naman akong magbihes. Kagabi pa nakaayos ang mga dadalin ko para ngayon pero tinanghali naman ako ng giseng. Amp wala din!
Ngayon namin napagdesisyonang magbakasyon. Dubai ang napili naming puntahan. Yun kase ang paborito naming pamilya.
"Tapos na!" Dali dali akong bumaba dala ang maliit kong bag. Nasa sasakyan na lahat ng bagahe namen. Hahatid kami ni tito Clark sa airport.
"Dali sakay!" Nagmadali naman akong umupo sa tabi ni Nico.
Tahimik lang kame buong byahe dahil halos lahat sila ay tulog tanging si tito Clark lang at ako ang gising. Napansin ata ni tito na gising pa ako kaya naman nagsalita siya. "Di ka matutulog Nicole?" Ngumiti lang ako at umiling.
Wala ako sa mood magsalita tatlong oras lang ang tulog ko pero kahit ganon hindi padin ako dinadalaw ng antok. Gusto ko lang tumunganga. Napabuntong hininga ako. I think pagdating sa Dubai aayusin ko muna ang sarili ko. Kakalimutan ko muna lahat ng iniisip ko at Ie enjoy ko ang bakasyon.
Nakaraan ang ilang minuto ay nakadating din kami sa airport. Gising nadin silang lahat at naguumpisa ng magayos. Syempre katulad ng simpleng pamilya hindi mawawala ang mga paalala ni mama.
"Yung mga passport niyo? Mga gamit na importante nadala niyo ba wala nabang naiwan?" Tanong ni mommy na dino double check ang mga gamit niya.
"Wala po" sagot namin nung masigurong walang naiwan na importante. Nakapag park na yung sasakyan kaya nung makababa ako naginat agad ako. Shems sarap ng hangin. Parang mas gusto kong mag stay dito sa airport kesa sa bahay eh.
"Dalin niyo na mga gamit niyo"
Kanya kanya naman kami ng kuha ng maleta. Kokonting damit lang ang dinala ko baka sakaling mapagtripan kong maguwi ng buhangin eh.
Matapos ang matagal na paghihintay at ang nakakahilong pagkuha ng ticket naka sakay din sa eroplano sa wakas. Binalak ko ng matulog aba dai! kaylangan ko mag charge ano. Dubai mall ang una kong papasyalan don. Gustong gusto ko talaga pag tinitingala ko yung burj khalifa gastog parang mababali yung leeg ko eh. Love na love ko din yung dancing fountain dun tuwing gabe di ko nga lang maintindihan yung kinakanta. Pero masaya naman pwede kapang humiga sa lapag don sobrang lines eh.
Ang ayaw ko lang don yung mga sanga ng puno. Nako wag ka lang didikit sobrang sakit sa balat non. Parang niliha eh. Pwede ng gamiting pang opera.
Maya maya din ay tinawag na kami. "Dali na ng makaupo na tayo!" Sigaw ni ate Nica. Napabusangot naman ako habang nakatingin sakanya. "Oh bat nakabusangot ka? Ayaw mo atang sumakay eh!" Lalo pa kong bumusangot.
"Eh kase naman kakatayo nga lang natin galing sa pagkakaupo tapos magrereklamo ka pa! Hay nako ate ha hindi halatang excited kang bruha ka!" Natawa naman sila mommy samen.
"Oo nga naman tatlong oras tayong nakaupo ah. Nako nako Nica anak baka naman may kikitain ka don?" Pang aasar ni mommy.
Napapadyak naman si ate na parang bata "mommy ha ikaw kung ano anong iniisip mo! G-gusto ko lang talagang makaupo na" si ate habang namumula ang mukha.
"HAHAHAHA utot mo Nica mabaho! Wag kame ha!" Gatong ni kuya kaya lalong nainis si ate.
"Mga baliw talaga to lika na nga kambal mahawa pa tayo sa mga yan. Kita mo pinagtitinginan sila. Umarte tayo kunware di natin sila kilala" bulong sakin ni Nico. Bumulong din ako sakanya.
"Sige tara una na tayo" pasimple namin silang iniwan ni Nico.
Nagtuloy tuloy kami sa pagpasok hanggang sa bukana ng eroplano dirediretso ako at hindi ko na namalayang huminto si Nico.
Nilingon ko naman siya "hoy!ginagawa mo?" Sigaw ko. Pano ba naman kase nakatunganga habang nakatingin sa flight attendant. Hindi naman siya natinag kaya bumalik ako para kaladkadin siya papasok.
"Ano ba nauulul ka nanaman!" Pabulong na sigaw ko sakanya.
"E-eh kase anduga! Bat mas matangkad pa sakin yung babae? Tas kung tumingin siya akala mo may ibig sabihin!" Reklamo niya habang pumapadyak na parang bata.
Hindi ko siya nilingon dahil hinahanap ko yung upuan namin.
"Pano ba kase siya tumingin?!"
"Parang sinasabi niya na 'hoy pandak mas matangkad ako sayo maingget ka!' Ganon Nicole!" Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
"HAHAHAHA buset ka Nico yon lang? Aba eh dang lakas nga talaga ng saltik mo ano!" Tatawa tawa ako hanggang sa mahanap ko ang seat number namin. "Umupo ka na nga lang diyan baka matuluyan ka niyan, kesa sa Dubai eh sa mental ka matuloy!" Sabi ko sabay tulak sakanya paupo. Pinabayaan ko ng siya ang sa dulo para makita niya yung labas.
Naupo ako sa tabi niya at inayos ang mga gamit ko pati ang kanya. Nine hours din ang byahe kaya sasakto din sa tulog ko. Pumikit ako para sana matulog kaso kingina napabalikwas ako ng may padabog na umupo sa tabi ko.
"Ano ba ate! Magdahan dahan ka nga!" Sigaw ko kay ate Nica na nakakunot pa ang noo akala mo ay may kaaway.
"Pano ba naman kase yang si Nick sarap itulak palabas ng eroplano eh." Natawa naman ako sakanya.
"Ewan ko sainyo dito pa talaga kayo nag away!" Di ko na siya pinansen at hinilig ang ulo ko kay Nico.
------
Nasira ang masarap kong tulog nung may kumalabit sakin. "Hoy Nicole kumain kana!"
Napa ayos naman ako ng upo dahil sa naaamoy ko. Ambango shete nagutom ata ako bigla.
"Sino nag order saken?" Tanong ko sakanilang dalawa.
"Si ate. Baka daw kase ibalibag mo kame pababa pag hindi ka namin kinuha ng pagkain." Si Nico.
"Hehe buti alam niyo."
Masarap ang pagkain nila dito lalo nat walang bayad hehe. Ninamnam ko lang ang pagkain ko at hindi sila pinansin.
"Ilang oras na tayo dito?" Tanong ko nung matapos akong kumain. Tumingin ako sa tablet na nasa harap ko at namili ng papanoorin.
"Five hours palang may apat na oras ka pa para manood" si ate habang naghahanap din ng panonoorin.
"Weh? Five Hours palang tayo dito? Anak ng putcha akala ko isang araw na eh!" Gulat na tanong ni Nico. Napatingin naman ako sakanya.
"Natulog kaba?" Takang tanong ko.
"Hinde bakit?" Takang sagot niya din.
"Anak ng teteng gising ka naman pala bat di mo alam ang oras?!"
"Eh malay ko ba wala naman kaseng wall clock dine eh!" Binusangutan ko naman siya. Masyado siyang mainipin eh siya din naman tong makupad.
Namili nalang ako ng papanoodin at sinaksak ang earphone sa tenga ko. Pinili ko yung kay Daniel at Kath.
Dun ko nalang binuhos ang natitirang oras namin sa panonood.
=======
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Aventura"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...