Nagising ako dahil sa marahas na pag uga sa balikat ko. Umiba lang ako ng pwesto kaysa tumayo. Ang bigat kase ng katawan ko at isa pa, unti unti ng sumasakit ng ulo ko."NICOLE GISING!" Iriyado akong napamulat at nagising ng tuluyan sa ingay ng babaeng to.
Nilibot ko ang mata at napansing hindi ako nakauwi kagabe dahil nandito padin ako sa bar na ininuman ko kahapon. Nahinto ako sa pagmamasid ng mamataan ko ang babaeng nasa harap ko ngayon.
Gusto kong magulat. Dahil sa loob ng dalawang linggong pagbabalik balik sa bar kung hindi si Cristine at Rai ang susundo saakin ay ang mga kapatid ko. Ngunit isa yata to sa pinaka malas na araw ko dahil ang grim reaper na si Angelica ang susundo sakin.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha!" Galit niya akong pinaharap sa kanya. Tinignan ko lang naman siya na parang bored na bored. "Ganto mo ba sasayangin ang buhay mo?! Namatay si Caius para isalba ka tapos ikaw ano? Nandito sa bar at nagpapakalaseng!" Sigaw niya.
Inirapan ko siya at hinawi ang kamay niyang halos bumaon na sa braso ko. "Pwede ba? Hindi mo ko mapipilit na maging malakas at okay sa loob lang ng dalawang linggo. Correction. NAMATAY SI CAIUS SA MISMONG HARAP KO" tumayo ako at nagpatuloy. "Hindi mo alam yung sakit na nararamdaman ko! Hindi mo alam kung paanong nagpaulit ulit sa utak ko yung unti unting pagkawala ng hininga niya. At higit sa lahat hindi mo alam kung paanong kasakit na mabuhay sa pangalawang pagkakataon para ulitin lahat ng pasakit at sakit sa nakaraan!" Tumulo ang mga luha ko.
Wala nanaman akong magawa kundi umiyak. Pero kahit anong iyak ko hindi na ako muling humiling na ibalik siya. Isa yong pagkakamale. Dahil paulit ulit lang siyang papatayin pagkatapos buhayin.
"Sa tingin mo ba natutuwa si Caius sa ginagawa mo?" Tila pagod ang tinig niya. Pagod na siguro sila sakin. Ako man eh.
"Hindi.." sagot ko habang umiiling "hindi kase madski ako hindi natutuwa!"
"Ayun naman pala eh! Bakit mo pa ginagawa?!"
"Dahil doon ako nakakalimot! Dun hindi ko nararamdaman lahat! Doon kahit saglit lang manhid ako!" Tumigil ako para punasan lahat ng luhang tumutulo dahil halos hindi na ako makakita. "Kase.. kase putang yan gusto kong saktan ng pisikal yung sarili ko para lang maibsan o mabawasan man lang yung sakit sa dibdib ko!" Sigaw ko. "Ayaw ni Caius yon diba? Ayaw niyang saktan ko ang sarili ko kaya naman dinaan ko sa inom. Pati ba naman yon bawal paden?! Anong gusto niyo maging tuod ako!"
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makasagot pa. Iniwan ko siya doon at dumiretso sa labas.
Nawala lahat ng sakit ng ulo ko. Sa loob ng dalawang linggo ay parang nasanay na ang sikmura maging ang ulo ko sa paulit ulit kong pag inom. Thanks to kuya Nick for introducing this bar to me.
I can't help but to cry. This is all my fault. If I didn't wish for second life with him. Maybe he'll naver die again.
What a stupid wish of yours Nicole.
--------
Kanina pa ko tulala dito sa loob ng kwarto ko. Iniiwasan kong magisip dahil baka kung ano pang magawa ko sa loob kwartong to.
Nakarinig ako ng katok ngunit hindi ko yon pinansin. Maya maya ay pumasok din ang may kagagawan non. Hindi ko na kailangang tanungin. Sigurado akong isa sa kanilang apat yan at pipilitin nanaman akong kumain. Hindi nila maintindihan na hindi kayang tanggapin ng sikmura ko ang kahit anong ihain nila.
"Anak" tawag pansin saakin ni mommy. Siya pala ang pumasok. Pagharap ko ay wala siyang dalang pagkain. Gusto ko yong ipagtaka pero kalauna'y ipinag kibit balikat ko nalang.
Baka nagsawa na sila.
"Anak pwede ba tayong magusap?" Hindi niya na hinintay ang sagot ko at umupo na siya sa tabi ko. "Alam mo anak walang permanente sa mundo" para siyang anghel na walang problemang dinadala. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay gagaan pa ang loob ko.
"Alam ko ho" natawa siya.
"Walang permanente maski ang buhay ng tao dito sa lupa. Kukunin at kukunin ka niya o di kaya ay ang mga mahal mo sa buhay pero anak, maski ang edad ay hindi permanente. Wag mong hayaang magsisi ka ulit dahil hindi mo nakamit lahat ng malapit mo ng maabot dahil sinusubok ka ng diyos" humiga siya sa tabi ko. "Okay lang masaktan. Natural yon. Ang hindi okay ay yung hihinto ka sa paglaban dahil lang nasasaktan ka."
Yumakap ako sa kanya at hinayaang tumulo muli ang mga luha ko. "Mommy ang sakit na po kase eh" para akong batang nagsusumbong sakanya. "Sa sobrang sakit po gusto ko nalang mamanhid. Para po akong binuhay para lang ikulong sa kalungkutan"
Ramdam ko ang pagganti niya ng yakap sakin. "Ikaw lang anak ang makakagawa ng paraan kung paano ka makakawala sa kulungang iyan. Isipin mong mabuti kung ano ang dapat mong gawin" tumango ako.
"Pwede po bang tabihan niyo akong matulog?" Natatawa siyang tumango at inihiga ako sa dibdib niya.
Ang dalawang linggong nagdaan ay tila mga taon ang katumbas. Para akong paulit ulit na sinasaksak ngunit hindi ginagamot. Nasa ospital ako ngunit ang nararamdaman ko ay hindi paggaling kundi pagdurusa.
Sa loob ng dalawang linggo na yon ay ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ginhawa. Hindi man nawala ang sakit, kahit papaano ay ramdam kong may natitira pa sakin.
Ngayon ay puno ng pangamba ang puso ko. Wag naman sanang kunin pati ang mommy ko. Tama na sana ang tatlong mahahalagang tao sa buhay ko ang nawala.
Nakatulog ako sa bisig ng aking ina.
------
Nagising ako at nadagdagan muli ang lungkot. Isa na kong normal na tao ngayon. Wala na kong kakayanan pang mag time travel.
Ang katotohanan na yon ay ang siyang nakakadagdag ng sama ng loob ko.
Ngunit ang lungkot na unti unting bumabalot saakin ay nawala ng parang bula. Ang dating kwartong napaka sikip para sakin na siyang nakakasakal ay tila kay luwag at payapa. Yakap ako ng aking ina habang nakangiting nakatingin sakin.
"Good morning anak" bati niya at hinalikan ako sa noo. "Halika na sa baba. Kumain na tayo." Hindi na ko nagalinlangang tumango.
Ngayon, masasabi kong kailangan ko ng magpakatatag at muling lumaban sa buhay. Hindi ang pagkakakulong sa kalungkutan ang sulusyon sa lahat.
Ang pagkakamaling iyon ang siyang pumatay saakin noon. Hindi ko hahayaang maulit pa yon ngayon.
==========
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Adventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...