Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung nawala si lola samin. Wala kaming ginawa buong lamay niya kundi umiyak. Andami ding nakiramay samin, halos lahat ng napasaya at natulungang tao ni lola ay nandon. Pagtapos ng libing ay nanatili lang kami sa bahay. Andaming nagbago. Hindi lumalabas ng kwarto si mommy tanging si dad lang ang kinakausap niya.
Si kuya naman laging laseng, umuuwi siya na laging wala sa ayos. Si ate laging tulala. Yung kambal ko naman hindi na umiimik at lagi nalang nakatulala. Gusto ko sanang umiyak nalang ng umiyak kaso pano ang pamilya ko? Wala na silang makakapitan at kaylangan din naming umusad.
Dali dali akong tumayo ng tumunog ang doorbell. Hindi pa kami nakakatanggap ng bisita kaya nilamon ako ng pagtataka. Pero kahit ganon ay tinungo ko ang pintuan at binuksan yon. Nagulat ako nang pagbukas ko si Caius ang tumambad sakin. Sa lahat ng tao siya ang pinaka hindi ko inaasahan.
Dont get me wrong. Hindi ako galit sa kanya or what. Trabaho niya ang pagsundo sa mga yumao na. Siya ang mapaparusahan kung hindi niya gagawin yon.
Ewan para kaseng mas nalulungkot ako pag nakikita ko siya. Naaalala ko yung pagsundo niya kay lola. Bukod don natatakot din ako dahil alam na ni ate kung sino ba talaga siya.
"Kakausapin ko siya" walang ka emosyon na sabi niya. Nagulat naman ako dahil alam kong si ate yon.
"H-ha? Wag na ako nang bahala kay ate sige na bye! " sinarado ko na yung pinto para hindi na kami magtalo.
Hindi maganda kung kakausapin niya ngayon si ate. Baka magaway lang sila. Pinuntahan ko nalang si ate sa kwarto niya susubukan ko siyang kausapin baka sakaling gumaan ang loob niya.
Kumatok ako ng tatlong beses nung marating ko ang pinto ng kwarto niya "ate..." hindi siya sumagot pero alam kong bukas ang pinto ng kwarto niya kaya pumasok na ko. "Pasok na ko ha" dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Ate pwede po ba tayong magusap?" Umupo ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakatalikod sakin. Hindi pa din siya sumasagot kaya naman niyakap ko na lang siya.
Maaring hindi niya pa maintindihan pero I e explain ko pa din kahit tulog man siya. Atleast nasabi ko padin ang laman ng utak ko.
"Ate alam kong alam mo na kung ano ba talaga si Caius. O baka nalilito ka pa. Isa siyang,isa siyang grim reaper." Bumuntong hininga ako at nagpatuloy. "Dati din siyang tao... minsan na kong dinala ng panaginip ko sakanyang nakaraan. Pinatay niya ang sarili niya para sa tagumpay ng kuya niya... ilang beses ko na siyang nakasama sa pag ta time travel ko." Huminga ako ng malalim hindi nila alam ang tungkol dito pero ayoko nang itago sa kanila.
"Tama ang rinig mo ate time traveler ako... pero may hangganan pwede akong bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap kaso nga lang hindi sa mga panahon na kasama ko kayo." Im so sad to know that I cant talk to grandma using my special gift from above.
Kahit balikan man lang ang nakaraan na kasama siya hindi ko magawa. I try it so many times but I end up being a pathetic girl.
"Si Nico naman... kaya niyang mag lucid dream. Masaya ako sakanya dahil natutupad niya ang pangarap niya sa panaginip" naiinggit ako sakanya.
Nico can talk to grandma in his dream. He can hug her, kiss her,talk to her, he can comfort his self using his special gift. But still i'm happy for him at the same time scared. Im scared that he choose to live in his dream than to wake up and live with us.
"How about you ate,do you have a special gift? What the feeling of being natural?" I want to feel it sometimes.
Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil sa kaalam kong tulog siya tatayo na sana ako nang bigla siyang nagsalita "yes..." napahinto ako sa pagtayo. Hindi lang pala kami ni Nico ang may tinatago. Humarap ako sakanya at naghintay sa iduduktong niya.
"I can see ghost." Those words explain everything. Our family is extra ordinary people.
I hug her tight "go back ate,go back she doesn't want us to be like this she left us with a smile. She's okay now." Tumango sakin si ate. Maybe she became broken but she still the same ate that I have. At first she seem like weak but still, she can fight and that's what lola teach her.
"Lets talk to Nico im really worry" this time ako naman ang tumayo. Im glad ate is okay now. Kahit papaano may makakausap na ko ng matino.
Pinuntahan namin ni ate ang kwarto ni Nico na katapat ng kwarto ni kuya Nick. I realize na para palang sa the loud house yung bahay namin sa gitna naman yung kwarto nila mommy na naging dead end ng hallway ng second floor.
Hindi na kumatok si ate dahil alam na niya na hindi siya pagbubuksan ni Nico. Kahit kami lang ni Nico ang kambal kabisado padin kami ng mga kapatid namin. Kasama din namin sila palagi na parang apat kaming sabay sabay inire ni mommy.
"Cole. He's sleeping" tinignan ko naman ang kambal ko na mahimbing na natutulog. Kinakabahan ako na baka piliin niyang tumira sa panaginip niya.
"We should wake him up" sinimulan ng gisingin ni ate si Nico hanggang sa may narinig kaming ingay sa baba.
"Wake him up ate ako na pong bahala sa baba" hindi ko na siya hinintay sumagot dahil tumakbo na ko sa hagdan halos talunin ko nadin yon sa pagmamadali.
"Kuya!" Nagulat ako dahil si kuya pala yung lumagapak sa sahig lasing na lasing ito na akala mo alak na ang ginawang pagkain sa isang araw. Pero mas nagulat ako nung makita ang mukha ni Caius na akala mo apeng ape.
"Lagi nalang ako nasasangkot sa gulo ng pamilya niyo." Nahiya naman ako sa sinabi niya. Totoo naman kase lagi nalang siyang nadadamay.
"Sorry..." yun nalang ang magagawa ko sa ngayon dahil natutulog na si kuya sa lapag. Bubuhatin ko na sana si kuya nang pigilan ako ni Caius at siya ang bumuhat dito.
"Ako ng bahala sa kanya magpahinga ka muna" nginitian ko siya ng ngiting pasasalamat.
Babawi ako sa lalaking to. He deserve to know his own story and I give him what he deserve.
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Aventura"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...