"NO!" Pagtutol ko. "No please no!" Wala na kong ibang magawa kundi ang umiyak."GAWIN MO NA!" Sigaw ni Caius na siyang tinututulan ko.
"Wag---!! CAIUS!" Kasabay ng sigaw ko ay ang siyang putok ng baril na saktong tumama sa dibdib ni Caius.
"Tapos na ang misyon natin dito. Halika na" umalis siya at alam kong wala siyang balak tulungan kaming makaalis dito para madala si Caius sa ospital. Sumunod ang mga kasama niya at sa wakas ay binitawan na nila ako.
Kalayaan...
Kapalit ng kalayaan ay ang buhay ni Caius. Kung... kung hindi ba ako dumating sa buhay niya, mangyayare pa ba ang lahat ng ito? Hindi siguro. Kung hindi niya ako minahal ay hindi sana siya napahamak. Kung hindi lang sana nagtagpo ang landas namin ay hindi babalik ang alaala niya. Kung wala sanang ako dito sa mundo ay buhay pa sana siya!
Ngayon ay gusto kong kwestyunin ang muli kong pagkabuhay sa mundong ito. Bakit nga ba? Para pahirapan ulit at ipakitang hinding hindi ko maaring makasama sa saya ang lalaking ito? Bakit?
"N-Ni-cole.." natauhan ako at mabilis na lumapit sa kanya. Nasusula na siya ng dugo. Gusto kong mabuhayan ng loob dahil kahit sa puso ang tama ay may malay padin siya ngunit agad din yong nawawala pag nanaisip kong nasa gitna kami ng kawalan.
"Shhh Caius wag ka ng magsalita please. A-ayoko na Caius. Ayoko na!" Pagsuko ko habang magkasalukop ang dalawa naming mga kamay. "Sasama na ko sayo ayoko na please. A-ayoko ng mabuhay. Dahil sa pangalawang pagkakataon, sa pangalawang pagkakataon ay puro sakit lang ang ipinaramdam sakin ng mundo!" Humagulgol ako ng iyak. Lahat ng mahal ko ay kinukuha saakin.
Sinong sunod? Si mommy? Si Nico? Sino pa ba ha? Parang awa naman kung pe pwede ay ako na. Kase, kase hindi ko na talaga kaya. Parang binuhay ako ulit para lang maulit lahat ng nailibing ng mga alaala.
"Caius kung hindi mo na kayang lumaban pwede bang sumama nalang ako sayo? Ansakit na kase eh" alam kong may gusto siyang sabihin pero nagpatuloy ako. "You know what? I just realize that what ever I do, I would never win my happiness" I said "I would never win you or my family."
"Nicole.. I.. I g-give up my li-fe for y-you. So li-ve for it.." pakiusap yon. "Promise me.. mabubuhay k-ka"
"Caius..." ayoko "samahan mo kong mabuhay please"
"H-hindi.. ko na kaya" pumikit siya. No! no! You can't just leave me Caius!
" open your eyes! Open your fuckin eyes Caius!" Inalog alog ko siya ngunit wala iyong ipekto. "Caius please. Tell me you will open your eyes when I told you I love you" pakiusap ko. Humiga ako sa dibdib niya at doon inunan ang ulo ko.
"Iniwan mo ulit ako" bulong ko sa kanya at pinikit din ang aking mata.
-----------
Unti unti kong minulat ang mata at unang tumama sakin ang kulay puting kinsame.
"GISING NA SI NICOLE!" Nabingi ako sa sigaw na yon. Pamilyar ang boses na halos kapareho lang ng akin.
"Oh my gosh Nicole! Thanks god!"
"Shit whuooo!"
"Sa wakas anak!"
Rinig ko pa ang mga boses nila ngunit wala akong inintindi maski isa don. Maski ang iyak nila ay hindi ako nabagabag.
Ayokong magpaka tanga. Alam ko... alam kong wala na siya. Wala na Caius. Iniwan niya ako. Dapat hindi ako napanatag sa pangako niya. Dapat ay gumawa ako ng paraan upang mapigilan siya.
Bakit kailangang sagadin ako?
"Hala Nicole wag kang umiyak! Baka makasama sayo yan!" Rinig ko ang boses ni Cristine na may halong pagaalala. Ngunit sa halip na tumigil ay humagulgol ako.
Tila sinakluban ako ng langit at lupa. Gumising nanaman ako ng panibagong araw at bawas nanaman ang mga taong mahahalaga sakin. Bakit ganto sila sakin? Ano ba talagang kasalanan ko at pinarurusahan ako ng ganito?
Nagkamali ba sila ng pagbuhay sa akin at pinipilit nila akong isauli ang buhay na to sa pamamagitan ng sakit?
Tumigil ang paghikbi ko nung masilayan ko ang isang pamilyar na babae.
"Masaya ka na ba?" Walang ka emo emosyong sabi niya. "Masaya kana? Napatay mo na si Caius. Wala na siya. At dahil yon sayo!" Bigla ay lumabas lahat ng galit at sakit sa mata niya. "Kung hindi ka sana naging makasarili ay hindi mangyayare to! Ikaw ang pumatay sakanya Nicole! Ikaw!" Nangibabaw yon sa loob ng kwarto at naiwan sa tenga ko bago siya maglaho ng parang bula.
Tuluyang huminto ang pagiyak ko. Pinatay ko nga ba siya? Ako ba? Ako ba talaga ang may kasalanan?
Natulala ako ng wala sa oras. Ang mga isinigaw nalang niya ang bukod tanging salitang pumasok sa tenga ko at paulit ulit na nag re replay.
Para na kong mababaliw sa sobrang sakit. Gusto kong tumigil ang utak ko. Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa semento dahil parang sirang plakang naguulit ulit sa tenga ko ang mga sinabi niya.
"Matulog ka muna Nicole" hindi ko pinansin ang lalakeng nagsalita sa gilid ko. Unti unti ay nakakaramdam ako ng antok. Pumipikit ang talukap ng mata ko at tuluyan ng tinangay ng antok.
--------
"AYOKO SINABE NIYAN! Hindi ko kayo kailangan! Lahat kayo! Umalis na kayo!" Pinagtatapon ko ang pagkaing nakahain sa harap ko at pinagsisigawan lahat ng nandito.
"Nicole ano ba! Kailangan mong kumain! Kailangan mo ng lakas! Paano ka makakalabas sa ospital na to kung ganyan ka!" Sigaw sakin ni ate Nica. Mukhang hindi na siya nakapag timpi pa. Hinagod ni mom ang likod niya upang kumalma.
"Hayaan muna natin ang kapatid mo Nica. Lumabad na muna tayo." Ginaya ni mommy lahat ng nasa loob ng kwarto papalabas. Siya ang huli at bago niya sinarado ay malungkot siyang ngumiti sakin.
Buti pa siya. Buti pa siya ay nakakaya pang ngumiti kahit malungkot. Ako? Tangina ni ang magpanggap na masaya ay hindi ko magawa.
Ang katotohanan na ako ang nagdala kay Caius sa kamay ni kamatayan ay ang paulit ulit na pumapatay sakin.
Paano ako makakakain kung hindi ito tinatanggap ng sikmura ko? Paano ko sila mahaharap kung maski sarili ko ay hindi ko magawang harapin? Paano ako makakangiti kung hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko?
Paano na nga ba ako mabubuhay neto?
======
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Pertualangan"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...