=ELEVEN=

127 16 0
                                    

Nasa kalagitnaan kami nang klase nila Nico nang sunduin kami nila dad at sinabing pupuntahan namin si grandma.

"Really?" Tanong ko at nagmadaling pumasok sa loob ng kotse.

First I feel so exited because we will meet each other again after a long time pero agad ding napalitan ng kaba at lungkot nung malamang konti nalang ang natitirang oras niya dito sa mundo.

"What do you mean dad? Na hindi na natin makakasama si lola ng matagal? Bakit?!" Pareho na kami ni Nico na hindi mapakali. I just want to get out here and go to lola.

"She's sick.." natahimik kaming lahat at hinintay nalang ang pagdating namin sa ospital. Kumakarera ang takbo ng puso ko nung matanaw ang nasabing ospital. Agaran akong bumaba kahit hindi pa nakaka park ang sasakyan.

I don't care about anything. I just want to see my grandma's smile to be contented. Patakbo ko nang inakyat yung hagdan sa ospital para lang mapuntahan siya puno ang elevator kaya hindi na ko naghintay. Inakyat ko na ang hagdan kaysa himatayin sa kaba. Alam ko na din ang room niya kaya tinakbo ko na.


Hingal na hingal akong hinanap ang kwarto ni lola Emelia nang mahanap ko yon saktong pagbukas ng pinto ang pagtulo ng luha sa mata ko. Dahil sa pagod at kaba. Ni hindi ko manlang hinabol muna ang hininga ko dahil dumiretso agad ako sa kama niya.

"Lola..." umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya. Kami lang dalawa dahil hindi ko na hinintay siya mommy. "I miss you po" tumulo ang luha ko pero pinanatili ko ang ngiti ko.

Hinang hina na si lola kaya mas lalo akong naiyak. Gusto ko pa siyang lumabat, Gustong gusto. Siya ang naging kalaro namin ni Nico. Siya ang tagapag tanggol namin.

"I love you lola ko. M-mami miss po kita ng sobra kaya po wag niyo kaming iiwan ha" masyado akong selfish pero ayoko talaga siyang mawala. Kung alam ko lang edi sana huminto muna ko ng pag aaral para nasulit ko na kasama siya.

"A-apo k-ko" nahihirapan na si lolang magsalita alam kong gusto na niya magpahinga. Nginitian ko siya. Yung pinaka matamis at pinaka totoong ngiting maibibigay ko. "Halika nga dito" sumunod ako at nahiga sa tabi niya nakababa padin ang paa ko sa tiles. Agad ko siyang niyakap at pumukit. "Dalaga ka na ah... parang kaylan lang gusgusin pa kayo ni Nico. Hay... kung,kung kaya ko pa sanang magtagal... alam mo namang pipiliin kong manatili diba?" Tanong niya.

"Bakit po? Hindi niyo na po ba kaya? Pano po niyo nasabing aalis na kayo? Wala naman pong kasiguraduhan yon diba po?" Tanong ko din na tinawanan lang niya.

"Ikaw talaga oo! Apo ko,kailangan mong maintindihan na... tuma tanda na ang lola mo. Hindi naman pwedeng habang buhay ako nandito sa lupa hindi ba?" Tinitigan ko siya.

Kita ko ang saya sa mata niya. Those eyes telling me that everything will be okay and we all need to accept that, that she already accept it.

"Mahal ko po kayo lagi niyo po akong babantayan ha wag po niyo akong pababayaan" ngumiti naman siya sakin. Yung ngiting alam mong masaya siya.

"Hmm.." pumikit na siya kaya naman natakot ako. Kaya ko ba? Pero siya kaya pa ba niya?

Hindi ko pa man napoproseso sa utak ko o maski masagot ang bawat tanong ko ay bumitaw na siya.

Nabingi ako sa tunog ng monitor kaya napatulala nalang ako habang tuloy tuloy na tumutulo ang luha ko. May yumakap mula sa likod ko at alam kong si Nico yon. Niyakap ko din siya at sabay kaming umiyak.

She will be fine right? Pero pano naman kame? Hindi namin kaya.

"H-hindi ko man lang siya naabutan" humahagulgol lang siya sa balikat ko habang hinahagod ko yung likod niya alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon. "H-hindi man lang niya ko hinintay"

Kaylangan niya ko. Kaylangan ako ng kambal ko. "Hindi na siya mahihirapan Nico,masaya na siya ngayon" iling lang siya ng iling kaya mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya. "Babantayan niya tayo hindi siya mawawala sa tabi natin. Tahan na Nico please" mas lalo lang lumakas ang iyak niya ganon din sila mommy.


Nilibot ko ang paningin ko at naawa sa lagay ng pamilya ko. Si daddy inaalo si mommy habang si mommy iyak ng iyak habang nakayakap kay lola. Tinignan ko si kuya at nakatulala lang siya tila wala sa sarili. Si ate hindi ko alam kung nasaan.

"N-nico sandale nasan si ate?si ate ha?" Umiiling lang siya kaya inupo ko muna siya at binigyan ng tubig. Kinakabahan ako sa aming lahat si ate ang pinaka naligaw ng landas kaya naman si lola ang lagi niyang tagapagtanggol. Siya ang pinaka emosyonal at natatakot ako sa pwede niyang gawin.

"Teka lang ha hahanapin ko si ate" hinawakan ko yung mukha niya tsaka siya hinalikan sa noo.

Patakbo akong lumabas ng room na yon at hinanap si ate. Takbo ako ng takbo habang umiiyak hindi siya pwedeng mawala. Baka kung anong mangyare sakanya.

"Ate!" Napasigaw ako nung nakita ko siya, nakadapa siya habang humahagulgol na nakatingin sa langit sa labas ng malaking salamin.

Tumakbo agad ako papunta sa kanya at dinaluhan siya. "Nicole, nakita ko si lola Nicole! Nakita ko siya, nandito lang siya kanina eh" iyak ng iyak si ate habang nililibot niya yung buong paligid hinarap ko siya sakin tsaka ako umiling. "T-teka tulungan mo ko! Nakita ko si lola eh. Asan na ba kase yon!"

"Wala na siya ate...wala na" pinilit niyang tanggalin yung hawak ko sakanya pero mas lalo ko lang hinigpitan.

"Hinde!NAKITA KO SIYA NICOLE ANO BA BAT AYAW MONG MANIWALA SAKIN BUHAY PA SIYA" iling lang ako ng iling kaya naman napadausdos nalang siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Bakit,bakit!" Niyakap ko lang siya ng mas mahigpit. Napatulala nalang ako nang makita ko si Caius

Kasama si lola...

Walang emosyon akong tinitignan ni Caius habang malungkot na nakangiti si lola.

Nginitian ko din siya kahit sobra na din akong nadudurog. Nginitian ko siya kahit ang totoo'y gusto ko nang humagulgol ng iyak.

Nagsalita ako nang walang boses pero sinigurado kong maririnig niya.magiingat ka...

Tumango siya kaya naging komportable ako kahit papano. Unti unti nang hinihila ni Caius si lola at bawat hakbang niya ay ang hikbi namin ni ate.

"WAG WAG MUNA,LOLA!!" Nagulat ako nung kumawala si ate habang papunta sa dereksyon nila lola.

Ibig sabihin nakikita niya din si Caius.

"Wag mo munang kunin ang lola ko" umiiyak siya habang nakaluhod sa harap ni Caius. Malungkot ko siyang tinignan na may halong pagmamakaawa. Inilingan niya lang ako.

"Oras na niya." Yun lang ang sinabi niya at iniwan niya kami ni ateng luhaan. Hindi na namin sila nagawang pigilan sa sobrang pagka bigla.

"Lola!" Dinaluhan ko si ate at niyakap. "Baket!" Sobra ng naninikip ang dibdib ko to the point na nahihirapan na kong huminga.

Napaangat ang tingin ko ng may mga brasong yumapos samin. Then I see Nico and kuya, crying with us.

======

«Nhorilize»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon