=FORTY TWO=

64 5 0
                                    


"C-Caius.." nanlalaki ang mga mata, natitigilan kong bigkas sa pangalan niya. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat at natulala nalang sa balikat niya.

Si Caius.. may tama ng bala si Caius.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako patayo. "Takbo Nicole!" Natauhan ako sa sigaw niya at doon lang naramdaman ang mga taong papalapit sa pwesto namin. "Damn it! Nandito na sila" paulit ulit siyang nagmura habang iniiwasan lahat ng bala. Nanginig ako sa takot.

"Ano ng gagawin natin?!" Natataranta na ko. Hindi ko na malaman kung anong gagawin. Pwedeng ito na din ang wakas ng lahat. Lahat maski ang aming mga buhay. May tumutulong likido sa balikat niya pababa sa kamay naming magkahawak. "Caius.." ang tono ng boses ko ay nahaluan ng takot kahit hindi ko sinasadya.

Ito na ba? Ito na ba ang kapalit ng lahat ng paghihirap namin? Grabe gusto kong matawa! Bakit lahat ng tao ay may kalayaan pero kame wala?

"Parang awa mo na Nicole wag kang titigil!" Nagsusumamo niyang sabi. Nababakas ko ang takot sa kanya. Bakit Caius? Bakit ka takot? Takot na pwedeng mangyare o takot dahil sa katotohanang matagal mo ng alam?

"Ahh!" Napatigil ako sa pagtakbo at ganon din siya dahil hawak ko ang kamay niya. Sobrang sakit ng tumama sa binti ko to the point na unti unti ko ng hindi nararamdaman to.

Nicole naman! Wag kang duwag please! Wag kang manghina ngayon. Kahit ngayon lang!

"Nicole! Nicole! Shit!" Tarantang sabi niya. Naka luhod na siya sa harap ko at hawak ang dalawa kong balikat. Bakas na bakas ang emosyon sa mata niya.

Lahat yon pagaalala

Wala na yung takot. Maski galit ay wala. Puro pagaalala na alam kong dahil nanaman sakin.

Tinignan ko siya diretso sa mata. Pwede bang kahit ngayon lang wag ako ang isipin mo? Pwedeng kahit ngayon lang ay tumakbo ka papalayo sakin?

Alam kong naririnig niya ang pagsusumamo ko dahil hinahayaan kong dumaloy palabas sa aking isip lahat ng laman nito.

"Nicole mahal kita. Mahal na mahal na tipong kaya kong sumama sayo sa kamatayan kahit pa may tyansa pa kong makatakas. Mahal kita eh,sa pangalawang pagkakataon ay kaya kong patayin ang sarili ko para lamang sa kaligtasan mo." Sa bawat bigkas niya ng mga letra ay siyang latigo sa puso ko dahil ang bawat isa ay nagtataglay ng luha sa mga mata niya. "Ayokong iwan kang muli. Kung iiwan man kita sisiguraduhin kong ligtas ka at mabubuhay ng payapa. Pero ang iwan ka kay kamatayan ay siyang hindi ko magagawa" dugtong niya. "Alam kong masama akong tao. Hindi ako nararapat sa pagmamahal mo dahil wala akong ginawa kundi iwan ka at saktan. Pero ang mamatay na may kasigaraduhang buhay ka, kaya ko ulit ulitin ang pagkakamaling nagawa ko para sayo" nanlake ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Caius ano bang sinasabi mo!" Tuluyan ko na ngang nakalimutan ang tama ng bala sa binti ko dahil umaapaw ang kaba,galit,puot at takot sa puso ko.

Pero ang takot na yon ay hindi na dahil sa kalagayan namin ngayon. Takot dahil baka sa pangalawang pagkakataon, mauwi ulit kami sa trahedyang pagiwan sa isa't isa.

"Caius ikaw lang ang minahal ko. Noon,paulit ulit kong hinihiling ibalik ka sakin ng may kapal. Halos araw araw akong humihingi ng himala sa kanya para lang buhayin ka. Namatay akong hinihintay ang hiling na yon at akala ko'y hindi a matutupad. Pero ngayon, ngayong naibigay na satin. Pakiusap naman Caius mabuhay ka. Wag mo kong iwan ulit at mabuhay ka kasama ko." Umiling ako at pilit siyang kinumbinsi. Alam ko ang namomoong plano sa utak niya. "Ikaw ang dahilan ng pagbalik ko sa mundo. Pakiusap wag mo akong biguin" pagsusumamo ko.

Pero tila gumuho ang mundo ko ng may mga kamay na naghiwalay saamin. Lahat sila ay armado at malalaki ang katawan.

"Ingatan mo siya!" Sigaw ni Caius na nagpupumilit kumawala sa lalaking may hawak sa kanya. Napa aray nalang ako sa sakit dahil sa pilit na pag tayo sakin ng lalaking may hawak sa mga braso ko. "Pakiusap ingatan mo ang babaeng iyan!" Puno ng pagsusumamo niyang sabi ngunit tila isang bingi ang taong may hawak sakin.

"Hindi na dapat pang iniingatan ang mga hangal na katulad niyo. Mga traydor na tumalikod sa tungkulin para lamang sa pagibig. Alam niyo ba ang kapakit nito?" Panimula nung parang pinaka pinuno nila. Masamang tingin lamang ang ibinato ni Caius sa kanya.

"Kahit kaylan ay hindi kahangalan o maski katraydoran ang pagibig." Sabi niya habang deretsong nakatingin sa mata ng lalake.

"Ngunit ang tulad mong makasalanan ay tinanggalan na ng karapatang umibig pa. Nakakalimutan mo ata. Hindi bat naglakbay ka na pabalik sa iyong nakaraan kasama ang babaeng ito?" Gusto kong manginig sa takot. Hindi tulad ng mga simpleng taong may masamang balak. Hindi siya nakakaloko kung magsalita. Ni ngisi ay hindi mo mahahagilap sa kanyang mukha. Tanging seryoso lamang at tila gurong pinapaintindi samin ang kasalanang aming nagawa.

Kasalanan nga ba? Kasalanan ba talagang mahalin ang taong kumitil sa kanyang buhay para lamang sa kapakanan ng karamihan? Kasalanan na ba ito kung matatawag?

Kung ganon. Handa akong magkasala muli alang alang sa lalaking nasa harap ko ngayon. Handa akong magbayad kahit pa ang kapalit nito ay buhay ko. Dahil ang mahalin siya ay ang pinaka tamang nagawa ko para saakin.

Nginitian ko siya. Ngiting sobrang gaan na akala mo walang problema. Yung ngiting totoo at buong buo. Dahil masaya ako. Masaya ako dahil hanggang sa huli ay parehas kaming lumalaban. Masaya ako dahil nagawa niya akong piliin sa dami ng tao sa mundo.

Ang pagmamahal niya ang isa sa mga biyayang dumaying na lubos kong ipinagpapasalamat. "Anong kabayadan ba ang iyong tinutukoy?" Tanong ko sa lalake ngunit ang mga mata'y nasa lalaking pinaka mamahal ko. Kita ko ang pagkabigla don at muli,gusto kong matawa dahil sa lakas ng ipekto ko sakanya.

Baliw na nga siguro ako at nagagawa ko pang maging masaya sa kabila ng nalalapit kong kamatayan.

"Ang taong katulad mo ay may kakaibang abilidad. Mabuhay ka man ngayon o hindi, kaylan man ay hindi ka na muli pang makakagamit sa ano mang abilidad yan" gusto kong manlumo. Kahit kaylan ay hindi ko naisip na mawawala sakin ang bagay nayon. Ang akala ko ay dadalin ko na yon hanggang sa kamatayan o di kaya ay doon na ko mamamatay. Mukhang malas nga talaga ako. "Yun ay kung mabubuhay ka pa" muli, nanlumo ako.

"Pakiusap, hayaan mo siyang mabuhay. Ako, ako lamang ang pinagbawalang umibig at bigyan ng alaala. Ako lamang ang nagkasala kaya hayaan mo akong akuhin ang kamatayan naming dalawa." Ngayon ay ako naman ang nagulat kay Caius.

"Ano bang sinasabi mo?! Makakaalis tayo ng buhay dito!" Nagsimula na ulit tumulo ang luha ko. Ito ang ayaw kong paghandaan sa lahat. Kaya kong isuko ang ano mang abilidad na hawak ko. Ngunit hindi si Caius.

Lumunok siya at iniwas nga tingin sakin. Hinarap niya ang lalaking pinaka kinamumuhian ko sa balat ng lupa. "Buhay ko kapalit ng kaligtasan ni Nicole."

"Masusunod."

========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon