=FORTY FIVE=

102 9 0
                                    

Two years.

Two years na ang nakakalipas at nagpatuloy lang ako sa buhay. Second year at collage.

When my mom said, I should fight and fight against pain and if I couldn't fight anymore,at least continue living.

Now I can tell to my self that I already moved on--- no. Moved forward.

Nagawa kong tanggapin. Hindi ko pinilit yung sarili kong tanggalin yung sakit sa halip ay pinili kong lumaban habang nasasaktan. Well look at me now. Good as hell. Kidding.

"Nico!" Tawag pansin ko sa kakambal ko pero parang bingi ang isang to. Hindi manlang ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Nico sandale!" Tatakbo na sana siya kaso hinatak ko siya pabalik.

"Ano ba----! Oy Nicole ikaw pala! Bat ka naman nanghihila pwede mo naman akong tawagin" ang plano niyang pagbulyaw ay napalitan ng ngiti.

Inirapan ko siya at binatukan. "Siraulo ka ba?! Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko pinapansin!" Isa pang irap. "Palibhasa nag break kayo ni Justine kaya ganyan ka maka asta eh!" Pangaasar ko. Oo sila na. Ay hindi male, break na pala sila.

"Ikaw nga iniwan tas di na binalikan." Nanlake ang mga mata niya sa sariling sinabi at napahawak pa sa bibig. Hindi niya yon sadya alam ko.

Ngumiti nalang ako sa kanya. "Nako Nico. Wag mo kong inaasar sa taong payapa na. Sige ka baka bumangon yon ikaw den" pananakot ko.

Ngayon na napag usapan siya hindi ko padin matanggal yung paet. Siya lang naman kase ang minahal ko simuls noon at kahit sinong lalake ang ireto sakin ng mga kapatid ko hindi padin siya maalis sa sistema ko. Hindi ko na din sinubukan pang pumasok sa isang relasyon. Namatay siya na ako lang ang babaeng minahal kaya gagawin ko din yon. Hindi dahil sa konsensya kundi dahil yun ang gusto ng puso ko.

"Nicole naman. Teka pala! Uuwi na ko may ibibigay daw sakin si mommy! Dito ka lang ha! Kunin mo kay Rj yung papel ko!" Bilin niya na para bang natataranta.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako?! Papel mo yon bakit ako pa ang kukuha?!"

"Eh pinapauwi na nga kase ako ni mom! Pasuyo lang baka kailangan ako ni mommy ngayon na! Sige na Nicole ha?! Bye labyu!" Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil kumaripas na siya ng takbo papalabas ng main gate.

"Sira ulong yon" bulong ko sa sarili habang nagkakamot ng ulo. Buti nalang talaga kilala ko yung Rj na yon.

Ang problema ko ngayon eh kung saan ko hahanapin si Rj. Hindi manlang nagsabi sakin si Nico kung saan sila magkikita. Pahamak talaga ang isang yon.

Nagsimula na akong maglakad. Lilibutin ko paba ang buong campus? Anak ng teteng buti nalang may one hour break ako kung hindi ay malilintikan talaga sakin si Nico.

Sinubukan kong hanapin si Rj sa canteen ngunit wala siya. Siguro nasa field yon ngayon. Tama duon ko hahanapin. Nagsimula na ulit akong maglakad. Napapagod na ko, wala na ngang pahinga ang utak ko pati ba naman yung paa ko?

Sisingilin ko talaga si Nico. Aba kailanganay bayad to no!

Hindi pa ko tuluyang nakakalapit sa open field ng school pero namataan ko agad si Rj na naglalakad sa gilid ng mga naglalaro.

"Rj!" Sigaw ko sa pangalan niya. Nakakailang habol na ba ko ngayong araw? Kanina kase bago maglabasan hinabol ko din yung matanda naming prof eh.

Thanks g at humarap naman agad siya sakin. Siya palang ang pinaka malinis ang tenga sa mga nakakausap ko ngayong araw. "Yes Nicole may kailangan ka?" Nakangiti niyang bungad sakin. Nakakahawa ang ngiti niya dahil masyadong maaliwalas yon.

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon