Ilang minuto din kaming naupo sa sahig at nagpapa kiramdaman. Gusto kong malaman ang iniisip niya pero ayaw ko diyang pilitin. Kung gusto niya talagang malaman ko yon hindi niya na kailangan magpanggap na walang alam.
"Oy kayong dalawa diyan. Sabi ni mommy punta na daw tayo don malapit nadaw tayong sumakay sa bangka!" Ani ni Nico. Hindi na din niya kami hinintay at parang tangang kumaripas ng takbo papunta kela daddy.
Iniabot niya sakin yung kamay "Tara?" Nakangiti ko yung tinanggap.
"Thanks" kahit papaano gusto ko munang kalimutan lahat. Kahit ngayon lang siguro.
Napapangiti akong pumunta sa pwesto nila. Dun ginaganap ang dancing fountain. Sa labas yon ng Dubai Mall. Kung tatansyahin hanggang tuhod lang ang tubig non. Sobrang blue at napakasarap titigan.
Napatingin naman ako sa mismong mall. Ang alam ko kung ikukumpara sa soccer field ay 50 field ang laki non. 12 million square feet. Ito din ang pinaka malaking mall sa mundo.
Kaya naman kung tutuosin sobrang sulit ang pagpunta dito dahil bawing bawi ang lahat ng pagod mo."Oh anak halika na kayo dito sasakay na tayo" masayang sabi ni dad at sinuklian ko naman siya ng ngiti.
"Taray mo ngayon kapatid ha. Ano pangiti ngiti lang walang balak magsalita baka mapanis laway mo niyan!" Pangaasar ni ate at nginitian ko lang siya "hmmp papanindigan mo talaga paguging pipe eh no" dun na ko tuluyan natawa.
"Ikaw naman bawasan mo ang daldal mo. Kaya kase ko tumatahimik baka sakaling mahawa ka!" Bumusangot lang siya at tawa lang ako ng tawa.
"Okay okay babies tayo na!" Natigilan ako at nakumpurmang kami na nga ang sasakay. Isa isa kaming sumakay don at hinintay ang pag andar non.
"Galit ka ba?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Caius non.
"Bakit naman?" Takang tanong ko. Napatitig muna siya sakin bago siya ngumiti.
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Adventure"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...