AUTHOR NOTE: si Caius po yung nasa taas just check it. Happy reading enjoy!
Dalawang linggo na ang nakakaraan at sinunod ko lahat ng payo ni Nico. Pero syempre hindi naging madali yon. Kung sana simpleng tao lang ang iiwasan ko edi sana tapos nadin ang ka praningan ko.
Isang malaking problema sakin ang abilidad ni Caius. Halos araw araw lumilitaw siya sa harap ko kahit anong tago ang gawin ko. Kinakailangan ko pang wag masyadong magisip para di niya malamang iniiwasan ko siya. Pero sinkng tanga naman ang maniniwala don. Kada nasa bahay siya naggagala ako pag naman nasa harap ko na siya iba't ibang mga dahilan ang sinasabi ko puro wala pang kwenta.
"Cristine dali na! Sainyo na nga tayo matulog!" Pangungulit ko sakanya. Ayae niya kasing pumayag. Gusto daw niya kaming magkatuluyan ni Caius kaya hindi niya ko tinutulungang umiwas sa halip ay binubuking niya pa ko. "Hoy babae! Papaalala ko lang sayo ha. AKO ang kaibigan mo! Hindi si Caius!" Sigaw ko pero wa epek.
Kadaldalan niya kase si Rai. Tinignan ko naman yung lalaking to. Baka sakaling may maitulong siya kahit papaano. Magsasalita palang sana ako kaso bumaling na agad siya kay Nico. "Alam mo pare, kailangan natin mag exercise. Tumataba ka na eh, laro tayo basketball mamaya ha!"
Napabusangot nalang ako dahil wala talaga siyang balak tumulong. Pero agad din akong napangiti sa naisip kong idea. Tama! May dahilan na ulit ako para tumakas. Sasabihin ko kay Caius manonood ako ng laro ni Nico.
"Oo nga! Alam niyo mukha na kayong lobo! Ang mabuti pa dumayo tayo sa kabilang bayan. Magagaling sila don." Sabat ko habang tumatango tango.
"Sige dayo tayo mamaya" sang ayon ni Nico sakin. Napapalakpak nalang ako sa tuwa. "Anyare sayo?" Tanong niya ulit.
"Nako Nico. Talagang siraulo yang kambal mo wag ka na magtaka." Sabi ni Cristine habang nakatingin sakin. Inirapan ko lang siya.
"Eh syempre. Hahayaan ko bang maglaro tong si Nico ng walang suportang nanggagaling sakin. No way kailangan nandon ako no!" Sabi ko sabay harap sa notebook ko. Nililista ko na kung ano anong mga dahilan ang gagawin ko para sa mga susunod na araw.
"Good!" Biglang sigaw ni Rai. Nagtaka naman ako. Akala ko pa naman eh kokontra nanaman silang dalawa. Himala ata na sumangayon sila sakin. Pero ayos na din yon kesa naman pahirapan pa nila ko. "Tawagan niyo na si Caius, laro kamo. Nako Nicole kailangan ka talaga don para ganahan si Caius. Wag kang mawawala ha!" Unti unting nanlaki ang mata ko. Omg! I will kill this damn man!
Humarap ako kay Nico. Tutal idea niya tong pagiwas na to. Dapat lang na tulungan niya ko! Pinanlakihan ko siya ng mata pero nagkibit balikat lang siya. "Arg! Bwiset!" Sigaw ko sabay walk out.
Bakit ba ko nagkaron ng tropa na napaka supportive. I swear, pag sila ang nagkaproblema di ko din sila tutulungan. Bahala siya sa buhay nila. "Ano ba kasing pinoproblema mo" napatalon ako ng literal sa sobrang gulat.
"Bat ka ba sulpot ng sulpot!" Bulyaw ko agad. Pinigilan ko ang pagiisip dahil ayokong mapasok niya ang utak ko.
"Hmmm hindi ka pa ba sanay" sabi niya ng naglalambing. Gusto ko siyang sapakin sa kilig pero tinignan ko lang siya ng seryoso.
"Kahit kaylan ay hindi ko sasanayin ang sarili kong mapalapit sayo. Dapat ganon kadin. Alam mo mabuti pa, lumayo ka sakin. Gusto ko ng maging normal. At hinding hindi ko yon maramdaman dahil lagi kang nasa paligid ko. Pwede bang bigyan mo ko ng katahimikan kahit saglit lang. Hindi mali, gawin mo ng pang habang buhay. Lumayo ka na at wag na wag ka ng magparamdam." Mataray pero lahat yan ay may diin.
Gusto ko ng maiyak pero nakakatulong ang hindi niya pagpapakita ng emosyon para hindi tumulo o maski mamuo ang mga luha ko.
"Gusto mo kong mawala?" Seryosong tanong niya. Napalunok ako. Gustong gusto kong umiling. Dahil sa totoo lang gusto ko lang siyang yakapin buong buhay at ang pag layo niyang ang pinaka ayaw ko.
"Oo" matigas kong sabi. Kung ito lang naman ang paraan para mabuhay siya. Bakit hindi?
"Hindi mo na ko mahal?" Tanong niya ulit. Seryoso.
"Oo" kumpara kanina, hindi ko na makayang patigasin pa ang pagkakasabi non.
"Hindi mo na ko mahal?" Pagulit niya. Bumuntong hininga ako at seryosong tinignan ang mga mata niya.
Ayoko ng ulitin pa kaya pinatatag ko na ang pundasyon ko. "Oo"
Tinitigan niya ako sa mata. Walang reaksyon tulad ng una naming pagkikita. Pag ganto ang pakikitungo niya sakin dun ko naalala lahat ng pagkakaiba namin. Kung papanong nakaapak kami sa parehong lupa pero magkaiba padin ang aming mundo.
"Mahal mo pa ko" seryoso niyang sabi sabay ngisi sa akin. Nakaramdam ako ng inis. Sobrang hirap saakin ang paulit uliting hindi ko siya mahal pero dahil sa kakulitan niya ay gagawin ko.
"Bingi ka ba o tanga? Ilang ulit ba dapat ha? Hindi mo ba maintindihan. Hindi. Na. Kita. Mahal. " paglilinaw ko habang dinuduro duro siya. Maramdaman niya sana letche siya.
"Ni hindi mo nga sinabi saking mahal mo ako eh tapos sasabihin mo sakin ngayon na hindi mo na ko mahal. Tsk think again. Dahil ang isang tulad ko ay sumpa. Sa oras na matuklaw ka ng kamandag nito hindi ka na makakawala" seryosong sabi niya at natigilan naman ako. Hindi ko ba nasabing mahal ko siya? Akala ko alam na niya yon.
Binalik ko ang kanina kong tindig at hindi nagpaapekto sa katangahan ko. "Pwes yang sumpang sinasabi mo ay hindi umubra sa isang Agape na tulad ko. Dahil ako? Hindi ako nabibilang sa mga babaeng napapaibig mo" pinagkrus ko ang dalawang braso ko at maarteng tumalikod sakanya. Pinapitik ko pa ang buhok ko.
"Bahala ka nga sa kahibangan mo. Kung umiiwas ka dahil sa katotohanang mahal mo na ko. Well sorry to hurt your ego but you need to accept it" mayabang niyang sabi kaya naman napaharap ako ng di oras sa kanya.
"Ang ya---" hindi ko na natuloy sa sobrang gulat. Sakto kasing pag harap ko sakanya ay ang paghalik niya sa noo ko.
"Hmmm, may sinasabi ka?" Nakangiti niyang tanong. Pero alam kong nangaasar yon.
Sinipa ko siya sa binti niya. "Gago ka talaga bahala ka diyan!" Bulyaw ko sabay talikod. Alam kong sobrang pula ko na ngayon. Tarages na yon. Sinabi na kasing umiwas ka na Nicole kinausap mo pa! Tanga!
========
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Pertualangan"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...