NICOLE's POV.
"Eto pa,tsaka eto, pati narin to! Ah ayun ayun maganda yun!" Turo ni daddy sa damit niya. Ewan ko ba dito,lahat ata ng gamit niya gusto niyang ipamigay eh.
"Daddy baka wala ka na pong damit na masoot nyan. Eh pinamigay mo na po lahat eh!" Reklamo ko. Natigil naman siya. Nandito kaming lahat sa kwarto nila ni mommy dahil nagpapatulong si dad sa pagpili ng mga damit na trip na daw niyang ipamigay.
"Oo nga po dad. Baka mamaya pati bahay natin ipamigay mo na" sulsol ni Nico. Natawa naman kaming lahat.
"Ano po ba kasing trip yan dad?" Tanong ni ate. Napapatango naman kaming lahat. Yun din kase yung tanong namin eh. Hindi naman sa nagdadamot kami ha, pero biglaan din kase yung pag aaya ni dad na tumulong ni hindi pa nga kami nakakapag pahinga ng ayos galing sa byahe.
"Wala naman. Feeling ko kase pumapayat ako kaya papamigay ko na lahat to. HAHAHA" nagsipag halakhakan kaming lahat. Imposible ang sinasabi niya. Dumadaan ang taon na hindi manlang nababawasan o nadadagdagan ang timbang niya.
"Matcho ka na po dad?" Lumapit si kuya Nick kay daddy tsaka tinaas yung damit niya. "Aba'y oo nga ano!" Hindi mataba si daddy pero hindi siya matcho. Katamtaman lang kung baga.
"Kayo talagang mga bata kayo oo. Tigilan niyo na ang daddy niyo diyan. Mas mabuting magpahinga na kayo. Samahan niyo kami bukas" sabi ni mom. Nagsipagtayuan na kaming lahat para humalik sa kanila.
"Goodnight angels!" Paalam ni daddy.
"Goodnight handsome!" Syempre hindi mawawala ang pambobola namin. Palihim kaming nagsipag hikhikan.
"Goodnight babies!" Si mommy habang isa isa kaming hinahalikan.
"Goodnight goddess" papalabas na sana kaming lahat ng biglang sumigaw si dad.
"Anduga bat sakanya goddess bat sakin handsome lang?!" Reklamo ni daddy nagsipagtawanan ulit kami. Mapupuno talaga kami ng tawanan dahil pare pareho kaming pilyo. Lahat ba naman kami ay magmana kay daddy eh.
I'm a girl. Should I call my self pilya? Yeah I think that's right. Im a pilya HAHA.
"Tigilan mo na sila Arthur. Sige na sige na! Magsipagtulugan na kayo." Nagsipagtanguan naman kami at sabay sabay pumunta sa kani kanilang kwarto. Kanya kanya kami ng paalam.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag dive sa kama. Napatulala nalang ako sa dingdeng at pumasok lahat sa utak ko ang mga ala ala. Nasagip ng mata ko ang cellphone kong nakabukas. Nakabalandara don ang petsa at oras.
10:42
September 03,2020Dun ko lang naalalang lagpas na pala ang kaarawan ko! Hanep yan at ngayon ko lang din pala naalalang malapit na din mag pasko! Ngayon lang sumagi sa utak ko ang lintik. Di ako makapaniwala grabe! Masyado atang nasakop ng kung anong bagay ang utak ko kaya maski sarili kong kaarawan hindi ko na namalayan. Nasapo ko nalang ang noo ko.
"Jusmiyo rudeng!"
Na stress ako dun ah. Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang veranda. Nung buksan ko ang pinto ay siyang hampas ng malamig na hangin sa balat ko. Napapikit nalang ako sa sarap ng pakiramdam. Para kong hinampas ng katotohanan.
Feeling ko ang tagal ko ng hindi nag re relax ng ganto. Kaya naman gusto ko ng lubos lubosin ang pagkakataon. Parang gusto ko nalang tumayo dito hanggang magumaga.
"Hindi ka pa matutulog?" Napatalon ako sa gulat dahil sa boses na yon. Agad kong nilingon ang kabilang veranda at dun ko nakita si daddy. Huminga ako ng malalim at natawa na.
"Nagulat naman ako sayo dad. Hindi pa po ako dinadalaw ng antok. Ngayon lang po kase sumagi sa isip ko na lagpas na ang kaarawan ko." Natawa ako dahil nanlalaki na ang mga mata niya. "Hindi po natin namalayang lahat. Grabe nakakatawa! Pwede pala yun?" Natawa na din siya at bakas padin ang gulat sa mukha. Ganyan din ang reaksyon ko kanina.
'Ano kayang pinag gagawa ni Nico. Bakit hindi niya naalala?'
"Pasensya na anak ha. Nakalimutan ng papa eh. Masyado akong nabigla sa pagkawala ng lola mo" tumango tango ako at pinagkatitigan ang mga ilaw sa mga kalsada. Mataas ang pinagtayuan ng bahay namin kaya nakikita ang city dito.
"Bukas na po ang kaarawan niyo dad... anong plano?" Maya't mayang tanong ko. Dun ko lang din naalala ang kaarawan ng ama ko. Hindi ko alam kung anong memorya meron ang pamilya ko at parang pumupurol ata.
"Malapit nadin ang kaarawan ni Caius. Magkasunod lang kami" nagulat ako sa sinabi ni dad. Hindi dahil kaarawan na din ni Caius sa susunod na araw. Dahil nagawa niyang sabihin yon na walang pagaalinlangan. Kung hindi niya sinabi saming grim reaper siya malamang sa malamang ay wala na siyang balak aminin pa pero bakit hindi ata siya nagiingat?
"Daddy may nalalaman po ako" napabuntong hininga ako sa inamin. Kung sila ay kaya nilang maglihim ako naman ay hindi. "Daddy hindi ako sa paraiso ng panaginip napupunta.. sa past,sa past ako dinadala kada hihimbing ang tulog ko. Hindi ko malaman kung pano kita nagawang bisitahin sa nakaraan pero nagawa ko! Alam kong bawal akong makakita ng taong kakilala ko sa pag ta travel pero nakita kita! Nakita kitang kasama si Caius at sumusundo ng mga yumao!" Sinabi kong lahat yon habang nakatingin sa mga ilaw ng syudad. Naguguluhan ako pero alam ko ang sagot.
"Alam ko. Nagpakita ka sakin sa nakaraan hindi ba?" Nanlalaki ang mata ko. Naalala niya."hindi ako tao anak, kaya naman,kayang kaya mo akong balikan sa nakaraan.." napatitig lang ako sa kanya. Parang may gusto siyang iparating sa simple niyang salita kahit alam ko namang sinasabi niya lang ang maaring sagot sa nalaman ko. "Ano sa tingin mo ang mangyayare bukas?" Natatawa niyang sabi.
Napailing ako at hindi na sinubukan pang magisip. "Daddy ipag be bake ko po kayo bukas" wala sa sarili kong sabi. Pilit kong winawala ang mga nabubuo sa utak ko.
Hindi dapat ako ma paranoid ng ganito. "Anak ang bawat nilalang sa mundo ay may kaakibat na rensponsibilidad" napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang pagngiti niya sa kawalan. "Lahat din ng nilalang ay may hantungan" humarap siya sakit at nagkatitigan kami. "Hindi tayo habang buhay na mananatili sa mundong ibabaw" natulala na ko ng tuluyan sa kanya. "Kayo ang misyon ko. Kayo ang misyon na ipinagkaloob ng may kapal sakin. Hindi ang pagsundo ng patay,hindi ang kilalanin ang nakaraan kundi kayo. Misyon kong ipaglaban kayo at nagtagumpay ako"
"Daddy I don't get it" ngumiti ako pero tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Why do you need to say that?"
Umayos siya ng tayo at nagmartsa papuntang pinto nila. "Dahil iyon ang huling misyon ko. Natapos ko na lahat anak. Wala ng susunod"
Tuluyan siyang pumasok at tuluyang nasagot ang mga haka haka ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang maiyak.
'This can't be'
=======
««Nhorilize»»
BINABASA MO ANG
Time Travel With My Grim Reaper.
Avventura"We treasure our first so much but having a second chance is rare. Can you afford having it even if the story will repeat it self?" Sindy Nicole Agape is a time traveler and also a beautiful 'binibini' in the past. Traveling miles and miles away is...