=THIRTY ONE=

68 5 0
                                    

Hindi ako halos nakatulog kagabi dahil gusto kong pigilan ang pagusbong ng bagong umaga sa takot na mangyare. Pero wala akong nagawa. Unti unti ng pumapasok ang liwanag sa kwarto ko.

Bumangon ako at inayos ang sarili. Kung ano man ang mangyare,nagdesisyon na kong tanggapin nalang lahat. Dahil alam kong yun din ang gustong gawin ni daddy,ang tanggapin nalang.

Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nagulat pa ko nung makita ko si kuya Nick. "Oh!" Gulat kong sabi sabay turo sakanya. Nagulat din siya sakin. Napatalon pa,bakla ata to eh! "Aga mo ah!" Nagkamot naman siya ng ulo at napabuntong hininga.

"Nicole may sasabihin ako" nangunot ang noo ko dahil may bahid ng panlulumo at lungkot ang boses niya. Pinag krus ko ang mga braso ko at sumandal sa pader ganon din ang ginawa niya. "Hindi ko nakikita ang oras ng pamilya natin at sobrang weird talaga non!" Sabi niya na a akalain mo talagang malaking problema.

"Sira ba tuktok mo ha! Ediba nga kuya simula pagkabata ganon naman na talaga? Eh bat ngayon mo lang pinoblema?" Tanong ko pero napabuntong hininga nalang siya ulit. Nasabi niya na kasi to samin noon. Nakita niya ang time of death ni lola namin pero ang samin ay hindi. Na wirduhan din ako dahil kamaganak namin si lola kaso bat sakanya lang ang nakita?

"Naiisip ko lang na..." hindi niya tinuloy at pumostura siya na parang nagiisip.

"Na?" Tanong ko dahil napakatagal niyang dugtungan yon. May pabitin epek pa.

"Na baka.." naningkit pa ang mga mata niya at napahawak sa labi.

"Anak ng kagang ano nga?!" Napapadyak nalang ako sa inis. Napaka tagal nito eh kulang nalang dagdagan niya ng 'abangan sa susunod na kabanata'

"Na baka hindi talaga mamamatay ang pamilya natin! Kase diba wala tayong time of death so ibig sabihin hindi tayo mawawala dito sa mundo!" Nangingiti pa siya sa katangahan niya at pinaglaruan ang labi.

"Sira ka talaga! Gutom lang yan kuya ikain mo" nauna na kong bumaba. Sumasagi kasi sa utak ko yung pinagusapan namin ni daddy kagabe. Eh mukha ngang namamaalam yung tatay namin.tsk.

Pagbaba ko ng hagdan agad na sumalubong sakin ang mga tao sa bahay. Abala silang lahat sa paghahanda para kay dad habang ako dinadalaw na ng antok.

"Oh anak!" Si mommy ang unang nakapansin sakin. "Tulungan mo akong mag bake! Dali na para to sa daddy mo." Nakangiti siyang inihahanda lahat ng ingredients na gagamitin.

Hindi ko maiwasang ngumiti. Dumalo na ako kela mommy at tumulong nadin. "Mommy dito lang po ba tayo sa bahay? Pano po ang mga kaibigan ni dad, pupunta po ba?" Tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya. Busy ako sa pag tangkal ng harinang gagimitin.

"Hindi anak, ang gusto ng daddy mo yung simple lang. Tsaka tayo tayo lang daw para mas matutukan natin ang isa't isa" anang mommy.

"Asus! Pabor samin yon mom! Para iwas urungin den" singit ni kuya na ngayon palang ata natauhan. Sana naman hindi na niya ipilit yang tumatakbo sa utak niya kanina ano. Papaliguan ko na siya ng harina.

"Hoy kuya maduga ka! Tumulong ka dito!" Sigaw ni ate na siyang nagbubuhat ng lamesa ngayon. Kasunod naman niya si Nico na sobrang pawisan.

"Oo nga naman! Tsaka, kung makapag reklamo ka parang ikaw naghuhugas ah! Lagi ka ngang tumatakas para samin maiwan lahat ng gawain mo!" Natawa kami ni ate tsaka sumulsol kay Nico. Kaya ang ending? Hinampas ng spatula ni mommy si kuya.

"Aray naman my! Hindi totoo yon naniwala ka naman agad!" Sabi ni kuya pero hindi yon pinansin ni mommy.

"Ikaw bata ka napakatamad mo talaga. Pag ikaw nagdala ng babae dito nako! Ike kwento ko lahat ng katamadan mo!" Natawa kame lalo dahil parang imposible yon. Si kuya? Magtitino? Aba eh kung totoo man paniguradong malayo pa yon.

"My asan nga po pala si daddy?" Tanong ko. Tapos ko ng haluin lahat ng sangkap kaya naman sinasalin na naming dalawa yon sa lalagyanan.

"Dahan dahan, opps" si mom. "Eh, sinundo yung tito Clark mo at bumili nadin ng alak" napatango naman ako at umupo sa upuang mataas.

Si tito Clark ang nagiisang kapatid ni mom. Wala siyang asawa lalong lalo na ng anak. Si daddy naman ay hindi na namin nakilaal ang parents wala din daw siyang kapatid.

"Wow Nicole! Ano yan puro pasarap lang! Upo upo ka lang diyan, aba ineng tumulang ka kaya rine!" Sigaw ni Nico sakin. Inirapan ko siya kase stress na stress na siya kung titignan pero wala pa namang natatapos. Naguumpisa pa nga lang eh.

"Eto na po sinyoritong dang kupad kumilos" sabi ko nalang tsaka tumulong sa kanila. Sa garden gaganapin ang kainan kaya naman kinakailangan pang dumaan sa front door bago makarating don. Nasa gilid kase ng bahay namen eh yung harap puro garahe kaya ayan,walang madaanan.

Ako nalang ang nag decorate ng hapag para hindi na makapag buhat. Wala na nga akong tulog pagbubuhatin pa nila ako. Aba bigyan ko sila black eye.

"Bilisan niyo diyan mga anak padating na ang daddy niyo!" Sigaw samin ni mom kaya minadali na namin ang pag aayos.

Tuwang kami ni ate sa pag lipat ng mga pagkain. Habang si kuya Nick at Nico ay tuwang sa pag lalagay ng kubyertos sa hapag. Kung titignan sobrang ganda at payapa ng lugar. Puro puno ang gilid at isang mahabang lupain na puno ng mga bulaklak. Makukulay at malalago lahat ng ito kaya ang sarap singhutin ng hangin.

"My maliligo na ko ha!" Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tumakbo na paakyat ng kwarto. Tinawagan ko si Cristine. Tuwing gabe lagi kaming nagtatawagan at nag ke kwentuhan tungkol sa pangaraw araw naming buhay. Kasama namin si Nico at Caius sa pag uusap. Oo pati si Nico kahit magkatabi lang ang kwaryo namin.

Nakailang ring muna yon bago niya sagutin. "Oh hello?! Ano na miss na miss mo ko no? Grabe Nicole ha, hindi tayo talo sinasabi ko sayo!" Bungad niya. Napairap nalang ako.

"Wag kang mag alala dahil alam ko naman kung kanino na yang maharot mong puso. Malamang kay Rai!" Pangaasar ko. Paniguradong banas to, mabanggit lang ang pangalan non eh nagaalburo na to eh.

Pero napawi ang ngisi ko at napalitan ng gulat dahil sa sagot niya. "Aba! Buti alam mo! So back off. Taken na ko!" Sinundan niya pa yon ng tawa. Hindi niya napansin ang pananahimik ko dahil sa gulat.

Alam kong may feeling sila sa isa't isa pero lagi nilang tinatanggi yon dahil lagi silang nasusuka sa pareho nilang mukha pero first time! First time niya lang yon inamin at kahit tunog biro lang yon, tha fact na sinabi niyang taken na siya. Haleluyah what's happening! Hindi ako updated!

"Hoy ikaw bruha ka umamin ka nga! Kayo na ba ni Rai? Ha? Bakit wala akong alam? Aba, bigyan mo ko ng magandang dahilan baka makipag fo ako sayo sige ka!" Sigaw ko sakanya pero tumatawa padin siya sa kabilang linya.

"Ano ba kaseng saysay ng pagtanggw kung alam niyo nadin naman diba? Tsaka hindi pa kame no. Eh daig pang pangong non sa sobrang kupad eh HAHA" tawa siya ng tawa. Hindi maka get over ang bruha.

"Baka in denial lang. Hayaan mo na, bawas daw yon sa kahanginan niya" natawa kaming pareho don.

"Siya sige! Birthday ni daddy at may family dinner kami ngayon! Maghahanda lang ako!" Paalam ko pero ang totoo namimili na agad ako ng damit bago pa ko magpaalam.

"Paki sabe happy birthday. Labyu Nicole bye!" Sigaw niya. Oo sigaw. Tarages sira ang eardrums ko sa babaitang yon ah.

========

««Nhorilize»»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon