=FIVE=

176 19 0
                                    

Nagising nalang ako na nakatali na ang katawan ko. Pilit ko pang inalala ang nangyare at gusto kong sapakin yung patay nayon kidnap to ah! Kakasuhan ko siya.Pero hindi tulad sa movie na sa isang lugar dadalin dahil sa isang abandonadong perya ako dinala ni raper. Nyemas dito pa ko nakalagay sa ride ugh ano kaya gagawin sakin ng samalignong taong yon.

Ay di pala siya tao grim nga pala siya. Bat ba nakakalimutan ko pa ang bagay na yon. Dapat wala na kong koneksyon sa kanya nagugulo ang mga bagay na nakasanayan ko na. Kung ano anong pagbabago ang nangyayare sakin.

"buti gising kana" napaigtad ako sa gulat ng bigla siyang lumitaw sa harap ko.Gulatan talaga ang peg namin lage. Di man lang  kase magdahan dahan. Napairap nalang ako.

"asan ako?bat mo ko dinala dito?baka hinahanap na ako nila daddy"shems patay ako nito paniguradong bawas nanaman ang baon ko. Naalala kong saglit lang ang paalam ko.

"may mga bagay muna akong kukumpirmahin sayo" napansin ko na hawak niya yung bulaklak na binigay niya saakin kanina. Kupal to mukang pampatulog yon ah. Nabiktima niya pa ko. "una bakit mo ako nakikita?wag mong idahilang nakakakita ka ng multo dahil hindi pwede yon"ano? hindi pwede e bat ko siya nakikita kung ganon?ako ata ang namamaligno eh.

"aba malay ko,hindi ko din alam"siya ang grim reaper dito,tao lang ako dapat siya ang mas may alam diba. "Tsaka bat sakin ka nagtatanong? Mukha ba kong may alam" napa igting nalang ang panga niya sa inis.

"pano mo maipapaliwanag ang hindi mo pagtanda sa nagdaan na mga panahon"ha ako hindi tumanda wow sana nga. Kaso hindi naman ganon yon ah san niya nakuha yon?

"anong pinagsasabi mo?" kumuyom naman ang kamao niya at naramdaman ko ang biglang pag andar ng sinasakyan kong ride."ay tae ng kabayo!anong nangyayare?!itigil mo to baka maaksidente ako!"nyemas abandunado na to kaya siguradong marupok na. Pag talaga ako naaksidente lagot ka sakin!

"wag mo kong linlangen nakita kita ilanglibong taon na ang nakakaraan!" hindi ako makahagilap ng sagot kase nakikita ko na yung putol na parte nung riles.Jusko Cole magisip ka na!Bigla kong naalala ang una naming pagkikita.

"time traveler ako!"biglang huminto yung sinasakyan ko kaya halos dumausdos ako pababa kakuntikan pa ko mahulog. Nasa mataas na parte na kame at malapit na don sa sirang bahagi ng riles.

Lord magiging mabait na po ako promise po yun basta po makauwi lang ako ng ligtas ako na pong bahala sa bunganga ni mommy!

"time traveler"bulong niya na parang may iniisip.

"oo tama ang rinig mo time traveler nga ako kaya pwede ba raper i baba mo na ako dito,uuwi na ko!"sinamaan niya ako ng tingin kaya tinikom ko yung bibig ko.Tanga mo Cole nasa bingit ka na ng kamatayan naninigaw ka pa. Kung hindi ka ba naman tanga.

"hindi raper ang pangalan ko" tumagilid pa ang ulo niya habang nakakunot ang noo.

"edi Caius,ibalik mo na ko samin Caius!"natigilan siya kaya natigilan din ako.Bat siya natigilan?

"saan mo nalaman ang pangalan ko?"this time sinasakal na niya ako.Daddy help! Sayang ang ganda ko kung mamamatay ako agad.Sabi nga ni Nico ipapakalat ko muna ang maganda naming lahe. Naman eh! Ano ba kasing kasalanan ko!

Naririnig ko na ying pag crack ng riles.Sabi na marupok to eh!kasing rupok ng mga kaklase ko! Napapikit nalang ako at tahimik na nagdasal.

"na-napaginipan ko,h-hin-di k-ko din alam"hindi na kami nakapagusap at napatili nalang ako nung tuluyang bumagsak ang ride na to.

Nakapikit ako pero ramdam ko yung mga bisig na yumapos sa katawan ko.Kaya naman wala akong naramdamang sakit sa pagbagsak namin. Pero ramdam kong nasa lupa na ko! Sa wakas!

Kaso nyemas di ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak,kase…kase yung ano kase ano…

Magkadikit yung mga labi namin

my virgin lips omg omg omg nagmadali akong umupo pero dahil nakatali ako at nahihirapan sa hita niya ako napaupo kahit ganon wala pading makakapigil sa akin. Yung first kiss ko! Punyeta!

"ahh!!! hindi na ko virgin!daddy huhuhu hindi na ko virgin hinalikan niya ako!ahhh!!"nakatanggap ako ng batok sa kanya,aba siya na nga kumuha ng first kiss ko tas babatukan niya pa ko. Sira ulo talaga to kahit kaylan.

"tanga halik lang yon hindi ka mabubuntis!"oo nga no may punto siya,Pero kahit na! Halik padin yon! Iniingatan ko yon kung hindi ba naman siya bobo eh! Bat kase dito niya pa ko napagtripang dalin!

"first kiss ko padin yon!mahalaga yon para saming mga tao,palibhasa hindi ka tao eh maligno ka!maligno!"napapikit ako sa sobrang inis.Wala na may naka kiss na sa mga baby ko huhuhu. Sinusumpa ko talaga na nakilala ko tong baliw na to!

"magingat ka sa mga sinasabi mo babae kahit kaming mga grim reaper kayang gumawa ng supling!"supling?diba anak yon.Dali dali ko namang pinilit makalayo sa kandungan niya letche bat ba kase ginapos niya ko! Pahirapan talaga pag siya ang kasama ko eh.

"hoy raper na rapist tanggalin mo nga tong tali sa katawan ko.Para namang masasaktan kita eh ikaw tong may kayang pumatay sakin"sinamaan niya ako ng tingin tsaka padabog na kinalas yung tali. Lalo tuloy simakit yung katawan ko. "Uso mag dahan dahan letche!"

Pagkaalis niya ng tali ay dun ako nakakuha ng tsempo,sinapak ko siya ng malakas tas tinuhudan. Dun ako tumakbo para makatakas.

Bwiset! Bwiset! Bwiset!

Ano ba kasing kasalanan ko! Bilang pa sa daliri yung pagkikita namin pero lahat ng kamalasang dala niya lagpas na sa bilang!

Nakauwi ako sa bahay para lang salubungin ang pagbubunganga ni mommy.

"Saan ka galing bata ka?! Ha bakit hindi ka na bumalik don? Alalang alala kami ng daddy mo tapos nag lalakwatsa ka lang pala! Ang kuya mo nasaan? May pa saglit saglit pa kayong nalalaman hindi naman pala kayo babalik! Hay nako Nicole!" Hindi ako makasagot sa dami ng sinabi niya kaya tumunganga nalang ako.

"Saan ka ba galing? Hinahanap ka pa naman ng mga manliligaw mo" bulong sakin ni Nico pero nanatili akong tulala. Minsan ipapa kidnap ko tong lalaking to para malaman niya yung feeling. "Hindi natuloy yung kasunduan nila ate kase may tumawag sa kanya. Sakto pina loud speaker ni dad ayown HAHAHA!" Napatingin ako sakanya kase di niya tinapos. Tawang tawa siya at pulang pula na. Nangunot naman ang noo ko.

"Anyare?" Tumawa muna siya ng tumawa bago nagtuloy.

"Hello baby? Nasan ka?" Pagkasabi niya non ay humagalpak siya ng tawa. Gayang gaya niya pa yung pagsasalita dahil iniba niya ang tono ng boses niya.

Napabusangot nalang ako at iniwan siya don. Bahala kayo broken ako! Bwiset na first kiss yan.

=======

«Nhorilize»

Time Travel With My Grim Reaper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon