CHAPTER 1

176 4 0
                                    

Chapter 1


Ellie

Nagmumukmok ako sa aking kwarto dahil di ako pinayagan ng mommy magpunta sa plaza, pyesta kasi sa amin kaya may paganap si mayor. Gabi kasi ito gaganapin kaya ayaw ako payagan. Kung nandito lang siguro si daddy malamang kanina pa ako nasa galaan. Wala naman ako ka inte- interes sa mga ganyang bagay, gusto ko lang pumunta dahil andon ang bandang eraserheads na paboritong paborito ko syempre pati na rin ng Daddy ko. Kaya nga Ellie ang pangalan ko.

" Nakakainis " aniko sabay talukbong sa aking kumot.

Ilang oras na ako nagpagulong gulong sa kama. Sa sobrang bagot ko ay nagpatugtog na lang ako ng radyo. Babalik na sana ako ng higaan ng tumunog ang aking cellphone.

Jana:

Girl, dito ako sa labas nyo silip ka sa bintana.

Pagkabasa ay agad ako bumangon at nagtungo sa aking bintana. Nakita ko naman agad ang kaibigan ko na abot langit ang ngiti with matching pagkaway pa. Bumusangot lang ako. Minuwestra ko ang aking kamay senyales na hintayin nya ako. Kaso mukhang hindi na gets ng gaga, kaya kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa.

" antayin moko sa tindahan sa kanto, tyi-tyempo lang ako tumakas. Sent "

Agad nya naman ito nabasa at tumungo na sa aming pagkikitaan. Tinanaw ko sya hanggang mawala sa paningin ko. Aalis na sana ako mula sa pagkakasilip nang may nakita akong grupo ng mga kalalakihan. Agaw pansin naman sakin ang lalaking nasa bandang unahan, natawa ako kasi muka syang emong banosa kanyang pormahan.

Yung mga kasama nya kasi halos malalaki ang damit at short, taas-taas ang buhok rin ng mga ito. Samantala sya ay may bangs at fitted na pantalon. Somehow ang cute nya lalo na pag ngumiti sya lumalabas ang dimple nya. Yung pormahan naman nya hindi mukang pangmahirap, dami nya ngang blingbling sa kamay kaya tingin ko nakakaluwag luwag sya.

" and our next play list is from sitti:
Parequest po ako ng close to you dj papi, kanta ko po ito para sa matagal ko ng krass na hanggang tanaw lang sa bintana lang ang kaya kong gawin. More power "

Napatingin ako sa radyo nang marinig ang sinabi ng Dj. wtf ako ba yun?

Playing close to you

Bumalik ako ng tingin sa labas. Namilog ang aking mata ng makita kong nakatingin na sa akin ang lalaking emong pinagkakatitigan ko kanina. Lalo ako hindi magkamayaw nang kumuway sya sa akin at ngumiti. Shit! Why so cute?

Maya-maya ay biglang may tumawag sa kanya, kaya napatingin sya sa mga babaeng papalapit sa kanilang grupo. Inakbayan nya ang isang babaeng kinulang na nga sa height, kinulang pa sa tela ang damit. Tss  ma pulmunya ka sana.. makalingkis kala mo jowa.

Eh baka nga jowa kaya ganun ?

Bumalik ako sa kama at humiga ng padabog. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan bakit ako bigla nabadtrip sa nakita ko eh mga hindi ko naman kilala yung mga yun.

Hinayaan ko na lang at hindi pinansin. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito

Jana calling

" Hello? "

" Oy te! anong petsa na naguumpisa na yung program baka patapos na yun bago ka pumunta!!! " nilayo ko sa aking tenga ang cp ko dahil sa tining at lakas ng bunganga ng kaibigan ko. Walang ano-ano ay agad ko ito binaba. Bahala sya dyan magalit. Sumilip muna ako sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko namang patay na ang mga ilaw, inayos ko ang higaan ko nilagay ang unan sa gitna  hinugis ko itong tao at saka nilagyan ng kumot.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon