Chapter 29

42 3 1
                                    


Chapter 29

" saan ka galing " ang seryoso at malaking boses ng binata ang tanging maririnig sa loob ng kwarto.

Halos mapako sa pagkakatayo at hindi makapagsalita si ellie ng makitang matalim at madilim ang muka ng tumitig sakanya ang binata.

Dumagdag pa ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na balkonahe at tanging ilaw lang sa labas ang nagbibigay liwanag upang maaninag nya ang kabuuan ni jay.

Nakailang lunok ito bago makapagsalita " s-sa labas n-nagpahangin lang " hindi maitago ni ellie ang kaba dahil sa nauutal ito sa bawat salitang kanyang binibigkas. Napatingin na rin sya sa nagkalat na mga basyo ng alak sa sahig senyales na kanina pa naglalasing si jay.

Binaba nito ang hawak na baso at dahan dahan lumapit kay ellie, napatingala na lang sya sa sobrang lapit nito. Halos maamoy na rin nya ang alak mula sa kanyang hininga. iniwas nya ang muka sa binata
" m-matutulog na ako... Hmmmmp!!" hindi na natapos  ni ellie ang sasabihin dahil mabilis syang hinalikan ni jay.

Napahawak si ellie sa braso ng binata dahil sa higpit na nakahawak ito sakanyang mukha. Halos kapusin na sya ng hininga at nangangapal na ang kanyang labi dahil sa diin ng pagkakahalik nito.

" ano ba jay bitawan mo ako " sigaw ni ellie habang pilit na tinutulak ang binata .hindi na rin nya alam kung saan  ibabaling ang muka dahil ayaw sya tigilan nito kakahalik

" nasasaktan ako " kasabay nito ang pag diin lalo sa kanyang panga, napapapikit at napapangiwi na sya na parang madudurog na ang kanyang nguso sa higpit ng hawak ni jay.

Halos kilabutan na si ellie dahil nandidilim na ang paningin nito sakanya at hindi nya makilala si jay, ito ang unang beses na makita nyang magalit ng sobra ang binata. Nasanay syang malambing ito at laging mapagpasensya.

" akala mo ba hindi ko nakita ang paghatid nya sayo? At sya ang kasama mo buong gabi. " halos manlamig si ellie sa sinabi ni jay. Hindi nya  akalain na malalaman at makikita sila ni zion.

" hindi ako tanga krys! Hindi ako tanga!! Sino ang lalaki mo! Sino! " napapikit na lang si ellie sa sobrang lakas ng sigaw sakanya ni jay. Pero lihim syang nagpasalamat dahil hindi nakilala ni jay na si zion ang kasama nito.

Taas baba na ang dibdib ng binata sa sobrang galit at napapaigting na ang panga nito dahilan para lalo matakot si ellie.

" w-wala akong iba! Wala akong lala--" hindi na natapos ni ellie ang sasabihin dahil agad sya sinampal nito. Nasubsob sa sahig si ellie at nalasahan ang dugo sakanyang labi. Matalim na tinitigan niya ang binata dahil sa pananakit nito sakanya.

" anong nangyayari--" napahinto si mr.villaverde sa pinto ng kwarto ni jay ng makitang nagaaway ang dalawa habang nasa sahig si ellie. Naka robe na lang ang matanda at mukang naalimpungatan mula sa pagkakatulog. Maging ang mga katulong ay nakisilip na rin at nakiusyoso.

" walang mangengealam lumabas kayo! " sigaw ni jay sa mga ito. Dali daling nagsikilos paalis ang mga katulong habang ang ama nito ay napailing  na lang habang nakatitig sa anak.

" jay, ayoko ng gulo dito sa pamamahay ko. Ayusin mo ang away nyong dalawa. Ayoko magdala ng kahihiyan ang babaeng yan dito " sabay alis ng matanda. Hindi naman alam ni ellie ang mararamdaman dahil sa narinig nito. Hindi nya akalain na pagsasalitaan sya ng ganoon ng matanda. Bagamat nakakatakot ang boses nito, naging magiliw ito sakanya noong una. Ngunit pakiramdam nya na isa rin itong panalabas na asal lamang.

Napasinghap si ellie ng bigla syang haklatin patayo ni jay. Pilit sya nagpupumiglas sa pagkakahawak nito. Sa galit nya Tinapakan nito ang paa ni jay at tinuhuran sa harap. Sa sakit nabitawan nya si ellie at napahawak sa masakit na bahagi.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon