Chapter 42" sigurado ka ba iha? " tanong ng doktor kay ellie. Isang Mapait na ngiti ang naisagot ni ellie . Napabuga ng mabigat na hangin na lamang ang doktor dahil sa naging buong desisyon nito.
" alright, basta huwag mong kalimutan na kapag may sumakit sa ulo mo magpadala agad sa hospital and.... kung may iba ka pang nararamdaman magsabi agad okay? " pagkatapos nila magusap ng pribado ay umalis na ang doktor. nang makalabas na ito Kasabay ay ang pagpasok ng magulang ni ellie. Napangiti na lamang sila ngunit lihim na kinakabahan dahil sa request ng doktor na kakausapin ng masinsinan ang kanilang anak.
Sinalubong sila ni ellie nang magandang ngiti habang nakaupo sa kama " are you ready?" tanong ng kanyang ina.
Habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang bahay, ramdam ni enrico at maggie ang pananahimik ni ellie. Magmula ng magising sya mula sa halos isang buwan na pagka coma ay malaki ang pinagbago nito.
Naging tahimik, magalang at mas gustong mapagisa, kung iisipin parang ibang katauhan na ang nagising at malayong malayo sa masayahing ellie. Naiintindihan naman nila ito dahil sa aksidente at trahedyang naranasan ni ellie. Meron na rin ang pagiging bugnutin dahil sa paralisa ang kanyang kaliwang paa.
Hindi pa rin bumabalik ang alala nito bagamat unti unti pinapaalala ng kanyang magulang ang mga nakaraan, mga magagandang nakaraan lamang.
" pwede po ba natin daanan ang puntod sa sinasabi nyong naging asawa ko " basag sa katahimikan ni ellie. Napatingin naman sakanya sa rear mirror ng sasakyan ang kanyang ama, ang kanyang ina naman ay nanatiling tahimik.
" maybe next time ellie.. medyo komplikado pa at... " sandali napahinto ang kanyang ama na parang may maling nasabi " i mean, pag maayos na ang pakiramdam mo "
" okay " mabilis na tugon ni ellie at hindi na nakipagtalo pa at muling bumalik ng tingin sa labas ng sasakyan. Nagkatinginan ang dating magasawa, nanibago sa inakto ng anak, masasanay rin siguro sila o hindi kaya ay unti unti rin babalik ang dating madaldal at makulit na ellie.
Nang makarating ay agad na nagtungo sa kwarto si ellie upang makapagpahinga na. Alalay sya ng kanyang ama sa pagakyat habang nasa kabilang parte ang saklay upang maging gabay sa paglalakad.
" okay na ako dito dad " malamig na tugon nito at sinarado na ang pinto ng kwarto. Napabuntong hininga na lamang ang kanyang ama at umalis na rin.
Kinagabihan habang nagbabasa ng libro sa kama si ellie ay kumatok ang kanyang ina, hindi na sya nagsalita at hinayaang makapasok na ang ina sa loob. " may bisita ka anak " sambit nito habang nakasilip
" sino po? " tanong ni ellie habang nakatutok pa rin sa libro " si zion"" zion? " tanong nya
" yung lalaking dumalaw sayo sa hospital " nang maalala ni ellie ay tumango lamang sya, at muli nagtanong ang kanyang ina
" pa aakyatin ko ba sya? O gusto mo alalayan kita---" mabilis nya pinutol ang sinasabi nito." pa akyatin nyo na lang po.... mukhang hindi rin naman sya magtatagal " pormal na sagot ni ellie. Tumango tango na lamang si maggie at sinarado na ulit ang pinto. Muling bumalik sa pagbabasa si ellie.
Laking gulat na lamang nya ng may makitang umaakyat sa bintana nya. Hanggang sa bumungad sa harapan nya ang lalaking ngiting ngiti.... si zion
" a-anong... paano ka nakapasok?" Takang tanong ni ellie sa lalaking estranghero sa paningin nya. Inayos muna ni zion ang damit at sinuklay paitaas gamit ang daliri ang kimping buhok.
" dinadalaw ka " sahit nito. " bakit dyan ka dumaan sa bintana? "
" dito naman talaga ako dumadaan... noon pa " nakatingin lang sakanya si ellie habang sya ay feel na feel na naglalakad sa loob ng kanyang kwarto. Pinagmamasdan nya ang kabuuan nito na parang nasa museo. Nang maramdaman ni zion na nakatitig lamang sakanya si ellie ay huminto sya sa harap nito at nakikipagtitigan na rin.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...