Chapter 38Ellie
" mam, hindi mo ba sasabihin kay sir jay?" Napatingin ako kay tessa habang pinagsasandok ako nang agahan. Paguwi kasi galing sa check up tahimik lang ako. Ramdam din siguro nya sa pananahimik ko na ayoko pagusapan ang tungkol sa naging resulta ko sa sangkaterbang test na ginawa sa akin.
" ayoko kumain, timplahan mo ako ng kape " malamig kong utos.
" pero mam baka bawal sayo, kagabi pa po kayo hindi kumakain " tinitigan ko sya ng masama
" ang sabi ko itimpla mo ako ng kape " maitoridad kong ulit. agad naman sya tumalima dahil sa pagtataray ko.
Buong maghapon ay nakatambay lamang ako sa balkonahe ng kwarto. Nakakailang kaha ng yosi na ang nauubos ko. I hate this feeling, parang nagiisa ako, pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko kahit wala naman dapat ikalungkot.
Hindi naman ako kapos tulad ng dati para mamroblema sa buhay, para isipin kung saan kukuha ng pagkain para sa darating na bukas.
Tapos na ako sa yugtong yon, mga panahong magisa ako at nakaya ko lahat. Pero bakit hindi ko maramdaman ang tunay na kaligayahan. At palaging gumugulo sa utak ko kung bakit nararamdaman ko ang ganito. MALUNGKOT
parang may kulang na hindi ko maintindihan, may hinahanap na hindi ko makita kita. Hindi ko namalayan na bigla na lang may tumulong luha sa akin. Taka akong pinunasan ito, hanggang sa sunod sunod na ang pagdaloy nito. Naiinis ako sa sarili dahil hindi ko mapigilan ang sarili na hindi lumuha. Para akong tanga nang punas na punas at patuloy sa pagiyak.
Hanggang sa hindi ko na kinaya, tuluyan na akong nahagulgol. Tinago ang muka sa pagitan ng tuhod habang nakataas ang paa. Napayakap na lang ako sa aking binti at doon iniyak ang lahat.
" mam tumawag po si sir jay, gagabihin daw po sya ng uwi " tumango lamang ako bilang sagot sa kasambahay, habang nagsusuklay ng buhok. Napahinto ako at napatitig sa sarili sa harap ng salamin.
Napatanong ako sa aking sarili. Kailan ba ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko?
ME.JUST.ME
Me Time
mabilis ako tumayo at nagtungo sa walk in closet. 6pm pa lang bulong ko sa sarili.
Inisa isa ko ang nakasampay na mga dresses
Sinuot ko ang one shoulder satin dress in blue, black stiletto at hinayaang nakalugay ang buhok. Naglagay din ako ng make up
" smokey eye with a red lipstick "I pouted my lips after i put my lipstick on.
I smiled when i saw my own reflection at the mirror " gosh! I miss you " aniko sa sarili at proud sa nakikita.
Mabilis ako umalis ng bahay. Sinakto ko na kumakain ng hapunan ang mga guards para makatakas ako at walang makakita sa pagalis ko. Nag taxi na lang din ako.
Nagpahatid na lang ako sa pinakamalapit na club para mabilis na lang din ako makauwi at hindi maabutan ni jay.
Pagkababa na pagkababa ng paa ko, agad umakyat ang kaba sa dibdib ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa tuwa at excited. Ang tagal kong hindi nakapunta sa ganito, ang tagal kong hindi nagawa ito.
Nagbayad ako sa taxi ng 2000 hindi na katulad ng dati na makikipaglandian pa sa mga taxi driver para lang pagbigyan ang kulang na binayad.
" keep the change " saad ko sa taxi driver. Syempre hindi pa rin mawawala ang aking nakaka akit na kindat.
Sa labas pa lang ay hindi ko na mapigilan na mapasigaw, napapatingin na sa akin ang ibang pumapasok na akala mo first time ko makapasok sa ganito.
Pag pasok bumungad agad ang nakakabinging tugtog, hindi pa man ako nakakainom ngunit nalasing na ako sa ilaw at naamoy ko sa loob.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...