Chapter 3Habang nasa kotse ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Nice may nauto ako dami kong token. Mehehe
" Huy Ellie, bakit pangiti ngiti ka jan. Kumain kana " agad ako tumalima at sunod sunod na sinubo ang fries na hawak ko. Nakakahiya nahuli ako nila mommy na nag de-daydreaming.
Tahimik lang kami sa byahe dahil busy sa pagkain. Nag take out na lang kasi kami ng jollibee at sa kotse na kami kumain. Napapangiti pa ako at sinasabayan ng asar tuwing susubuan ng burger ni mami ang dadi.
Sweet talaga sila sa isat isa. Sana balang araw ako din makahanap ako ng katulad ni dadi. Para kasi sakin perfect guy ang dadi kahit hindi kagwapuhan char! Syempre gwapo tatay ko. Tatay ko yan e. Parehas lang kami kinapos sa height.
Ala singko na kami nakarating sa bahay. Si mami ay diretsyo sa kusina para ayusin ang pinamili, sumunod naman ang daddy sa kanya upang tumulong sa pag-aayos. Ako naman ay diretsyo sa kwarto, dala ng pagod ay agad na humilata kahit hindi pa nagpapalit ng damit.
Pumikit ako para makatulog pero hindi ako dinadalaw ng antok dahil naalala ko ang muka ng lalaking yon. Napatakip ako ng unan sa mukha. Maya maya ay nagring ang cellphone ko. Wala sa mood ko itong sinagot.
" Hello ?"
" Hoy kanina pa ako chat nang chat sayo wala man lang seen " sigaw sakin ni Jana sa kabilang linya.
" Gaga, malamang hindi ako naka online tsaka kakarating lang namin galing sm " sagot ko
" Tss. Ano sasama kaba? " napabalikwas ako ng upo
," saan? "
" Ano ba yan! May pa battle of the bands si kap ngayon. Alam mo na palakas para sa darating na botohan " sabay tawa nya na parang pang mangkukulam.
" Anong oras ba? "
" Ang tanong papayagan kaba?"
" Oo andito ang dadi kaya makakagala ako " Kumpyansa kong sagot. Rinig ko ang pagsigaw nya. Sinabi nya sa akin kung ano oras kami magkikita at saan. Pero sinabi ko na sunduin ako at sya ang magpaalam sakin. Hehehe matalino kaya ako. Kailangan ipagpaalam ako para payagan. At syempre wala sya nagawa.
Seven pm na ng dumating sa bahay si Jana. Ngiting tagumpay ako samantala sya e nakabusangot ang mukha. Lihim akong natatawa nang ipag paalam nya ako. Nanginginig ang kamay nya pati ang boses akala mo may nagawang kasalanan sa mami para makiusap.
" Salamat po tita, promise uuwi din po kami. Papasama lang po ako para mapanood si kuya lumaban " sabay tango nya. Nang makalabas na ay kinurot kurot nya ako. Ako naman ay tawa nang tawa na parang kinikiliti nya.
" Walangya ka talaga, inalay moko kay tita Maggie alam mo naman takot ako dun, okay lang kay tito Enrico kasi papayag agad yun, si tita jusko kahit mag laslas ako malabo pa sa sabaw ng pusit pumayag. " sabay kurot ulit sakin.
Napatigil kami sa harutan ng may narinig kaming grupo ng maiingay sa aming likod. Napatingin naman kami don. Nakita namin ang kaaway naming grupo. Sila yung nakatira sa kabilang kanto kaya di namin ka close. Inirapan lang kami naman kami ng mga babaeng hito. Syempre ako di papayag kaya gumanti ako ng irap sakanila . Aba eskinita namin to kaya wag nila ako tarayan.
Napa angat ulit ako ng kilay ng makita ang babaeng kinapos sa tela ang damit. Diba kapatid to ni.... Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang lalaking mala anghel ang muka. Shuta muntik na ako matawa sa pormahan nya. Naka jeans sya na maluwag at kapos pa, sweater na stripe green and yellow green tapos naka converse.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...