Chapter 24Krys
Isang simpleng welcomeback celebration ang inihatag kay jay. Hindi naman kasi sya mahilig sa bonggang party na malulula ka sa mahal. Tanging mga malalapit lang na kaibigan nya at piling pamilya lang ang naimbitahan.
Katulad ko at ni lola norbeng, balita ko ay nandoon din ang tatay nya at ang iba pang kasosyo sa negosyo nito.
Siguro kaya hindi na rin ako nahiya dahil bilang lang sa kamay ang imbitado.
Habang papasok ng lounge ay agad bumungad ang slow jazz instrumental music. Ang lahat ay busy sa kanya kanyang kausap. Para akong tanga na hindi alam kung saan agad pupunta.
Bahagya pa akong nagulat ng may isang waiter na nagalok sa akin ng champagne. Pilit ako ngumiti at kinuha ang baso. Nagpalinga linga ako baka sakaling makita si jay.
Napatingin ako sa matandang akay akay ni ate rosa
"krys, apo mabuti dumating ka..." sabay yakap sakin ni lola norbeng. Niyakap ko rin sya ng mahigpit dahil ilang araw din kami hindi nagkita. Naka Filipinianan sya na color flesh at nakaayos ang buhok. Bagamat matanda na umangat naman lalo ang ganda nya at ang kaputian nito.
Siguro maganda rin ang nanay ni Jay dahil gwapo sya at maganda si lola norbeng, kaya siguro nagkagusto ang tatay nya sa dating kasamabahay nila at sya ang naging bunga. Bumalik ako sa realidad ng magsalita si lola.
" ang ganda ganda talaga ng mapapangasawa ng jay ko " sabay pasada nya sa kabuuan ko. napayuko na lang ako dahil sa hiya at kita ang pamumula ng muka ko. Ganito lang ang nagiging reaksyon ko tuwing binibiro ako ni lola.
" si jay po lola nasan? " pag iiba ko nang usapan, tumalikod naman si lola na parang may hinahanap sabay turo nya sa grupo ng kalalakihan na nasa bandang dulo.
" ay ayun si jay kausap ang ama nya... at ang kapatid nya " napatingin naman ako kung saan ang tinuturo nya.
Kapatid? May kapatid si jay?.. wala naman syang nabanggit sakin.. sabagay hindi naman namin napapagusapan masyado ang tungkol sa pamilya nya.
Kumuway ako ng makita nya kami. Tumaas naman ang kamay nya at ngumiti sa akin. Nagiba ang awra ni jay, lalo syang gumwapo at nagmatured ang muka na bumagay naman sakanya. Muka syang kagalang galang na sa muka nyang agaw pansin sa lahat ng makakita. ang buhok nya ay ganun pa rin, ngunit may ilan ilan ng bigote at ang tindig nya ay lalong kumisig
Dahil sa nakatingin sya sakin ay napadako na rin ang tingin ng kasama nya sa lamesa sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng kaba at hiya, pero bago pa makaiwas ng tingin ay nahagip ng paningin ko ang isang taong hindi ko inaasahang makita.
Ang kasabikan at kasiyahan na nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng kaba at gulat ng lumingon ang isang lalaki.
Nang magtama ang mata namin ay parang binuhusan ako ng napakadaming yelo at naapula ang init na meron sa katawan ko.
" hindi pala nabaggit sayo ni jay na may kapatid sya sa ama nya,
si Zion " napahawak ako sa lamesa dahil pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko.
napatingin ako kay lola norbeng, gusto ko sana sya tanungin about sa kapatid ni jay, pero umurong ang dila ko at walang kahit anong salita ang lumabas sa dila ko.
Hindi naman siguro iisang zion lang ang kilala namin. Marami pa naman sigurong zion sa mundo. Bulong ko sa sarili.
Nagpatinuod na lang ako kay lola papunta sa isang lamesa. Mula kanina ay hindi na ako mapakali, naiihi na ewan. parang gusto ko na umuwi.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...