Chapter 18

54 4 1
                                    


Chapter 18

Pawis na pawis na ako habang hinahanap ang address ng sinasabing pinsan ko. Sya na lang ang naisip kong puntahan yung walang makakakilala sa akin.

Naalala ko nung binigay sakin to ni mommy nung panahong nagpunta kami ni jana sa school ng xavier. Baka daw mapadaan kami sa lugar na ito, ang balita nya kasi sa ibang kamag anak nila. Dito nakatira ang anak ng kapatid nya.

Dahil inuna namin ni jana ang lakwatsa hindi na anmin napuntahan ito.

Hindi ko alam kung anong itchura nya, tanging pangalan at address lang ang pinanghahawakan ko. Nandito ako ngayon malapit sa pasig. Dito kasi ako tinuro ng konduktor pagkababa ko ng cubao.

" ate alam nyo po ba san banda ang address na to? " sabay pakita ng papel na hawak ko. Tumango tango naman ito saka minwestra ang kamay.

"Malapit na yan dito ne, sakay ka jeep tapos pababa ka na lang sa pangalawang kanto "  sinundan ko ng tingin yung tinuro ng ale,

" salamat po " at nagsimula na ako naghanap ng jeep. Bumaba ako sa kanto at nilakad ang kahabaan ang street. Sa ilalim ng katirikan ng araw habang bitbit ang bagpack na puno ng gamit. Binaybay ko ang lugar para makipagsapalarang hanapin ang pinsan kong walang kasiguraduhan kung nandito nga ba.

Huminto ako sa isang bahay, akmang kakatok ako ng may umagaw sa atensyon ko sa kabilang bahay na parang nagtatalo.

" aling ising sige nanaman po pagbigyan nyo na ako, promise sa sa susunod na linggo pag nagpadala si mama babayaran ko na kayo. " pagmamakaawa ng isang magandang babae na mas matangkad sa akin.

Hindi ko na sana papansinin ito ng marinig ko ang tawag sakanya ng landlady.

" nako mary tigilan mo ako, isang buwan mo pa yan sinasabi, umalis kana dito kung hindi kana magbabayad " masungit na sabi ng mahaderang ale

" aling ising wala na po akong pupuntahan " pagmamakaawa ng babae habang tangan tangan nya ang mga gamit nyang nagkalat sa labas ng  boarding house. Pinagtitinginan na din sila ng mga kapitbahay nilang chismosa dahil sa lakas ng boses ng aleng nagmamaganda sa kapal ng mena sa muka.

Nanghindi na sya pinakinggan ng ale, sinarado nito ang gate na bulok at inismiran pa ang pinalayas. Wala nang nagawa ang dalaga at kinuha na lang ang nagkalat na gamit sa sahig.

Agad ko sya tinunlungan. Kitang kita ko  kung paano sya nagulat at napatingin pa sa muka ko at muli pinulot ang gamit. " naku be ako na, okay lang ako "

" ikaw ba si maryjane santos?" Tanong ko habang inaabot ko ang gamit nyang nasa kamay ko. Mabilis naman syang tumango

Pasimple akong napangiti. Para akong nakahanap ng kakampi, dahil sa amo ng muka nya. Kamuka nya ang si tita mavi nung dalaga pa. Buti may natago pa si mommy nung picture ng kapatid nya. Kaso matagal na ito dahil dalaga pa sila sa larawan  na yun.

" ay tara doon tayo sa gilid nasa gitna kasi tayo ng daan eh hehehe " tinulungan ko sya sa pag salansan ng gamit nya. " pasensya kana ha sa ganitong eksena mo pa ako naabutan, ano pala kailangan mo?"

" ahm ano kasi, pinapabantayan ka kasi sakin ni mommy " taka syang tumingin sakin,  " ah eh, anak ako ni maggie, kapatid ni tita mavi,

ako pala si krystel. " pagkatapos kong sabihin na anak ako ng kapatid ng mama nya lumiwanag ang muka nya

Naghanap kami ng matutuluyan, hindi naman kami nahirapan maghanap dahil sa sunod sunod na bakante at dikit dikit na boarding house ang meron sa st. Na yon.

Pinili namin ang malapit sa school ni mary at ang afford namin. Maliit lang na boarding house pero sakto na para sa aming dalawa. Kailangan ko din magtipid dahil sa magkano lang ang dala kong pera. Binenta ko ang cellphone ko sa pawnshop, ang mga gadget na meron ako, alahas na regalo ng magulang ko sakin. Lahat ng ugnayan na meron sakanila pinutol ko.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon