Chapter 21" may masakit ba sayo krys? Walang kabang pasok ulit ngayon?" Pagaalalang tanong ni mary. Hindi naman sya sinagot nito. Napabuntong hininga na lang sya ng talikuran at magtalukbong ng kumot si krys.
Ilang araw ng balisa, walang gana at nagmumukmok sa kwarto si krys, ilang araw na hindi na rin sya pumapasok sa fast food na kanyang pinagtatrabahuan. Hindi na lang sya pinilit ni mary at bagsak ang balikat ng umalis at pumasok sa school.
Nang marinig nya ang paglapat ng pinto, ay tuluyan ng bumagsak ang kanina pang pinipigilang luha ni krys. Sa loob ng kumot tahimik na humihikbi at pilit na hindi lumikha ng anumang ingay mula sa kanyang pagiyak.
Sa oras na napagisa nilabas na nya ang sakit at mabigat nyang dinadala, muli nyang naalala ang gabing hindi nya makalimutan.
Halos mag iisang linggo na ng sya ay magsimula bilang girl entertainer. Hindi naman sya nahirapan dahil nagaalok lang sya mg mga mamahaling alak sa mga customer sa ibat ibang private high end bar kung saan sila ma assign
Naaala nya nung unang araw unang gabi, nasa sebastians bar sila, kilala na ang handler nila na ICY ang pangalan sa bar na iyon, bukod dun ay mamayari din sya ng mga spa, parlor at kung ano pang pampagandang produkto.
Tulala habang nakatunghay sa harap ng salamin habang suot ang maiksing damit na halos makita na ang buong balat nya. Nakailang buntong hininga at pilit na pinalabas ang pinakamagandamg ngiti ng lumabas na sya ng banyo.
Papalapit sya kay denise habang nakikipag kwentuhan sa isang matandang mukang intsik. Nang makita ni denise ay natulala ito skanya hindi sa nagagagandahan kundi dahil muka itong maputla. Agad sya hinila at dinala sa sulok.
" ano ba yan krys bakit ganyan itchura mo maglagay ka naman ng make up! Pag nakita ka ni mamu na parang bagong gising ay nako katakot takot na talak ang sasabon sayo " kasabay non ang paglagay sakanya ng lipstick at ng kung ano ano pa sa kanyang mukha.
Nang matapos ay tinuruan na sya nito kung ano ang unang gagawin. Dahil bago, tanging pagmamasid o pakikiramdaman lang muna ang paligid. Sebastian's bar ay kilala bilang isang high end bar sa manila. Tanging mayayaman lang ang pwede makapasok dito, mga negosyante at politiko.
ICY girls ang tawag sa grupo na pinamumunuan ng transgender si ICY. Kilala ito dahil sa kalidad ng mga babaeng nageentertain sa mga taong gusto magpalipas ng gabi, sila rin ang nagaalok ng mga mamahaling alak o yosi sa mga bar.
Mapili ito sa gusto makapasok sa grupo nila para magkaroon ng sideline, pero meron sakanila na halos ito na ang ang kanilang pangunahing hanapbuhay katulad ni denise.
Sa una ay naiilang pa sa bawat galaw, kilos at sa sariling suot si krys lalo na sa tuwing pinakatititigan sya ng mga nas loob ng bar na puno ng pagnanasa s amata.
Hindi sanay sa ganitong kalakaran si krys, kaya kahit labag sa loob ay pikit mata nya itong tinanggap sa sarili.
" oh" alok ni denise kay krys ng yosi na gamit nya. Mabilis umiling si krys " hindi- hindi ako marunong" tinawanan naman sya ni denise
" kaya nga tinuturuan kita diba? , ganito lang oh " sabay mwestra kung paano magsigarilyo.Tinitigan ni krys ang yosing hawak nya na halos nangangalahati na dahil sa makailang hithit buga ni denise. Napalunok sya habang unti unti nilalapit ang hawak sa nguso. Agad nya ginaya ang ginawa ni denise kung paano umithit, maubo ubo naman sya dahil sa nalanghap na usok. Tinawanan naman sya ni denise habang hinahagod sya sa likod.
" that's a good start " malanding sabi ni denise. Mayamaya ay may nilapag naman ito skanaya na isang maliit na baso na may konting laman. " take that, konti lang yan so kaya mo yan ng isang lagukan " kahit ayaw nya ng amoy pa lang ng alak walang sya nagawa dahil alam nya na parte ito ng kanyang pinasok na trabaho.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...