Chapter 34
" kamusta ? Kamusta ang may buhay may asawa? " bungad na tanong ni mary. Sabay upo sa harap ko.
Napairap na lang ako sa ere at muling sumipsip ng kape " ofcourse, nothing's new. My life is a mess and fuck marriage " natawa naman ito.
" kitang kita ko nga sa muka mo na sobrang saya mo " sabay hagalpak naman nito ng tawa " ilang buwan wala pa lang asawa mo namimiss mo agad. Huwag ka magalala uuwi na din yun "
" ha.ha.ha. sana nga hindi na sya bumalik. Mabaon na sana sya sa disyerto hanggang mamatay. Kaya huwag kana magtampo kung hindi kita inimbitahan sa sakal ko este kasal. Civil wedding lang naman yon at tanging magulang ko at tatay nyang dimonyo lang ang andoon. Feeling ko nga nasa impyerno na kami eh " sarkastiko kong sagot
" well hindi rin naman talaga ako pupunta doon. Una hindi mo naman inimbitahan pangalawa ayaw mo naman ako papuntahin, pangatlo hindi ako pupunta dahil mas bet ko si zion kesa kay jay, pangapat baka makita ko pa ang magaling na tatay na anak ko. Mahirap na "
Napatango tango naman ako habang naamaze sa mahabang sinabi ni mary
" ay wait may nakalimutan pa pala ako and lastly ayaw mo talaga ako ipakilala sa kahit na sinong nakakakila sayo. Kahit si tita maggie ayaw mo " sabay simangot nito.
" well yes, alam mo naman ayaw na kitang madamay pa sa kamalasang nangyayari sa buhay ko. Look what happened to zion, kung hindi sana nya pa ako hinahanap hanap at nanahimik na lang sakanila edi sana masaya na sya ngayon at baka buhay pa ang mga kaibigan ni jay. That evil! Paano kaya nakakatulog yon ng hindi dinadalaw ng kunsensya " saad ko habang napapailing. Si mary naman ay napainom na lang ng tubig dahil sa nerbyos
" para kang nagka asawa ng sindikato. Bakit kasi hindi ka na lang sumama kay zion at nagtago. O kaya nagsumbong sa mga pulis " umarte naman ito na parang nakaisip ng isang tamang impormasyon
" oo nga pala, jay is jay lalabas ka pa lang ng pintuan nyo nakabantay na agad. Ay isa pa nga pala! Nung nagsumbong ka sa pulis imbis na tulungan ka hinatid ka pa sa bahay nyo, alam kasi nila na baliw ka "
" see? That is my life! I don't have control in my own life. " sabay tango ni mary bilang pagsang ayon.
It's been a month since the marriage. Ilang buwang lumipas na rin mula ng hindi ko makita si zion. Ikaw ba naman ipagtulakan at sabihing hindi ka minahal magpapakita ka pa ba?
Okay na din yun. Atleast maayos at buhay sya. Good for jay marunong sya sumunod sa usapan. That's all that matter.
Binisita ko si mary sa bago nyang bahay n nilipatan. Malaki na rin ang tiyan nya. katulad ko miserable din ang lovelife nya, ang gaga talaga nagpabuntis pa. Totoo nga, may sumpa kaming dalawa.
Balak ko sana na samahan sya hanggang sa manganak, dahil magisa na lang sya sa buhay at alam ko amg pakiramdam non. pero aantayin ko pa si jay kung papayagan ako.
Maayos naman pagsasama namin... Kasi wala sya parati. Travel everywhere kaya mas okay na sakin. Hindi ko sya nakikita, hindi nakakasama. Nakatakas lang ako ngayon kasi tinulungan ako ni lola norbeng makatakas sa bantay.
Bukod kay mary, si lola norbeng na lang ang kakampi ko dito.
Nang makauwi, agad nagbago ang lahat. Napawi ang kaninang ngiti at nabalot ulit ng lungkot. Ganito ako lagi tuwing nasa bahay ako.
Actually, masaya pa ako sa lagay na ito dahil wala si jay at nandito pa si lola norbeng. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa akin kapag nakalipat na sa bagong bahay na pinagawa niya.
" k-kanina ka pa dito? " tanong ko nang makita si jay sa loob ng kwarto. Napalunok ako bago dahan dahan pumasok ng kwarto. Tumitig muna sya sa akin bago tumayo mula sa higaan.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...