Chapter 25
Zion
" hello mike, can you please investigate krystel. ..What? The fuck! Hindi yung ex ko damn it! Patapusin mo muna kasi ako gago!... Krystel girlfriend daw ni Jay... Shut up! Ang dami mo pang sinasabi basta yung krystel ni Jay! "
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni mike at agad na binaba ang tawag. ang dami nyang binabanggit na pangalan na wala naman ako pake alam. His dad is the chief private investigator. At susunod sya sa yapak ng tatay nya, kahit paglalaro ng PS4 ang gusto nyang tanging gawin sa buhay nya, Ganun ata talaga pag panganay. That's why dad pushing Jay to be like him. Edi sila na mag ama!
Ang gusto ko lang malaman kung si krystel ay si ellie. Alam ko naman na sya yon kahit magiba pa sya ng pangalan. Kabisado ko ang buong katawan at itchura nya kahit ilang taon na ang lumipas.
Sya pa rin ang ellie na kilala ko kahit lalo pa syang gumanda, maglagay man sya ng kolorete sa muka at kahit humaba man ang buhok sya. Sya pa rin ang ellie na kilala ng puso ko.
Nandito lang ako sa labas ng hotel nila liam. Isa ko rin kaibigan. Wala pa talaga sana akong balak umalis don at mageenjoy lang ako sa loob, maglalasing habang nagaabang ng mga magagandang babae. Hanggang sa hindi ko inaasahan na makikita ko ang matagal ko ng hinahanap.
Nagpalipas ako ng gabi sa parking area. Nagyoyosi ako habang nakasandal sa Porsche ko. Nawalan ako ng gana ng ibalita ni jay nya na girlfriend nya si ellie. Hindi ko alam kung anong trip ng babaeng yon at may nalalaman pa syang krystel
Alam ko naman kaya nya ginawa yon para gantihan ako sa nagawa ko noon. Napatingin ako sa nasa bandang harap na sasakyan. Napaayos ako ng tayo nang makita sila ellie at lola norbeng na pasakay ng sasakyan.
Hinahanap ko si jay, pero hindi sya sumakay at bumalik sa loob ng hotel. Agad ko sinundan ang sasakyan nila.
Hinayaan ko lang nakabukas ang ibabaw ng sasakyan ko. Ewan ko pero parang nahihirapan ako huminga. Para akong baliw na nakasunod saan man sila magpunta. Mabuti at gabi na hindi nila ako masyado mapapansin.
Nasa medyo madilim na lugar ako habang nakahinto sila sa isang 2 storey house. Habang inaantay ang pagpasok nila sa bahay ay nakareceived ako ng text kay mike
" confirmed" napangisi ako.
I'm caressing my chin while staring at ellie. Gusto kong bumaba at kausapin sya. Pero tangna binalutan ata ako ng daga sa katawan at hindi na makakilos sa kinalalagyan ko.
Pumasok uli ng sasakyan si ellie at muli lumarga. As usual nakasunod nanaman ako sakanya. Sa isang bahay na luma at mukang mumurahin na apartment sya nakatira.
Bahay ba talaga to? Kahit katulong namin hindi makakatira sa ganitong lugar. Anong ginagawa nya dito at bakit dito sya nakatira? Hindi ba girlfriend sya ni jay?. Ang buhay nya noon ay malayong malayo sa nararanasan nya ngayon.
Ang lahat ng tanong ko ay patuloy na naglaro sa utak ko. Hindi na ako mapakali, hindi nababagay si ellie sa ganitong buhay. Kasalanan ko to kung bakit nararanasan niya ang lahat ng to. Dapat gumawa ako ng paraan.
Agad ko pinaandar ang sasakyan at umuwi ng bahay. Bara bara ko pinark ang sasakyan ko. Pagpasok ay hinagis na lang kung saan ang coat at susi. Mabilis ako nagtungo sa computer at binasa ang file ang lahat ng kay ellie.
Gusto ko saktan o maglaslas ng sarili. Ilang beses pinagsusuntok ang table at kulang na lang itapon ko ang mamahaling monitor ko.
Ang dami nyang pinasok na trabaho para masuportahan ang sarili. At ang pinaka hindi ko matanggap na pumasok sya sa bilang entertainer. Bakit hindi kasi ako nagpupunta doon sa bar ni liam edi sana nagkita na kami noon pa at hindi na sila nagkamabutihan ng jay na yan.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...