Chapter 32

46 2 0
                                    

Ellie

" what was that jay? " inis kong tanong nang makarating sa bahay. Hindi ako makapaniwala sa gulong ginawa nya. First time ko makakita ng ganoong away, halos mabasag na ang mukha ni jigs sa sobrang daming suntok na natamo.

Pabalang nyang hinagis ang coat sa sofa at humarap sakin.
" ikaw anong ginagawa mo? Putang ina ka nakikipaglandian ka sa ibang lalaki ano gusto mo gawin ko magpa party? " sigaw nya. Peke naman akong natawa.

" hindi ako nakikipaglandian! Kaibigan ko lang yung tao " paliwanag ko.

" kaibigan? Kung magyakap kayo at magusap kulang na lang kwarto, sa sobrang sweet nyo "

" you're so immature. " dismayado kong saad " hindi na kita maintindihan. Hindi ka naman dating ganyan.  nasasakal mo na ako! And worst sinasaktan mo na rin ako! "

" so what. You deserved that malandi ka kasi " walang emosyon nyang sagot.

" what? Nasisiraan ka na talaga!Nakuha mo pang ipalabas na may depression ako. Bakit hindi mo sinabi sa magulang ko na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng sugat at pasang natamo ko."

" para saan? Para magalit sila at ilayo ka nila sakin? Ano ako sira? No fucking way krys.  Masyadong matagal na ang paghihintay ko sayo. Hindi ako papayag na basta basta ka na lang mawawala. Mapapatay ko muna ang kukuha sayo bago mangyari yon " hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Para bang sanay na sya sa sinasabi nya.

" don't be so selfish. Can't you see na gusto ko na magpakamatay dahil ayoko na kita makasama! " hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat ng yon, pero alam ko yun ang totoo kong nararamdaman.

Sa isang iglap nagbago ang expression ng muka ni jay. Lalong nagdilim at halos magdikit na kanyang kilay sa sama ng tingin sakin.

" so what you wanna say? Makikilaghiwalay ka sa akin? " buong tapang din akong nakikipag titigan sakanya. Nandito na ako hinahanda ko na ang sarili ko. Okay na sa akin kung magalit sya at saktan nya ako, ang mahalaga makalaya na sa relasyong to.

" maghiwalay na tayo " pinal kong sagot.

hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko ng sabihin ko yun sakanya. Para bang  naalis ang mabigat na tinik sa lalamunan ko. Sa wakas makakahinga na ako.

Ngunit nagkamali ako.

" no we're not. Walang maghihiwalay " direstong saad ni jay. Kunot noo akong napatingin sakanya.

" why not? Hindi mo hawak ang buhay ko. May sarili akong utak para magdesisyon. " napatingin ako sa kamay nya ng kinuha ang cellphone sa bulsa nya.

" really? Tama ka hindi ko hawak ang buhay mo, pero ang magulang mo hawak ko " nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Litrato ng bahay namin. Maya maya ay may tinawagan sya. Rinig ko ang kanilang paguusap dahil naka loud speaker ito.

" naka standby lang kami dito sir. Utos mo na lang ang kulang " saad ng nasa kabilang linya. Hindi ako makapagsalita at naguguluhang napatingin kay jay.

" don't push me to my limit krystel, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa magulang mo "

" hayup ka! Napaka dimonyo mo! " sigaw ko sakanya habang pinagpapalo ang kanyang katawan. Wala naman ginagawa si jay at sinasalo ang lahat ng galit ko.

" jusmiyo anong nangyayari dito " rinig ko mula sa pababang si lola norbeng. Habol hininga ako ng tumigil dala na rin ng pagod kakasuntok kay jay.

" inaatake nanaman sya lola " nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

" sinungaling ka! Hayup ka gusto mo patayin ang magulang ko ! " muli kong sigaw. Lumapit naman si lola norbeng at pilit ako pinapakalma.

" nakainom kana ba ng gamot iha? " mahinahon na tanong nito. Napahilamos na lang ako ng muka dala ng frustration. Hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag ang sarili.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon