Chapter 44

29 2 0
                                    

The most painful goodbyes
Are the one that are
Never said and never explained

----

Nagaagaw pa lang ang dilim at liwanag ng makarating sila sa kanilang destinasyon, bilang kahilingan ni ellie na gusto nya makita ang lugar kung saan natupad ang kanilang pangarap. Magkaroon ng restobar.

Mula sa kanyang likuran, umikot papunta  sakanyang harap si zion at nag squat upang magpantay ang kanilang mukha. Ngayon lang uli natitigan nito ang kabuuang mukha niya.

Payat at maputla na ito, nakabalot ang blanket sa kanyang  balikat palibot sa buong katawan. Bagamat nahahalata na ang pagbabago ng kanyang itsura nanatiling pinakamagandang babae pa rin para sakanya si ellie.

" saka mo lang malalaman ang kahalagahan ng isang bukang liwayway kung nakaranas at nanggaling ka mula sa kadiliman " mahina at mahinahon ang bawat salitang binibigkas ni ellie. Nakatanaw sya sa papasikat na araw habang Nakaupo sa wheelchair nya, hindi dahil sa paralisa ang isang paa kundi dahil sa tuluyan nang naging mahina ang kanyang buong katawan.

Hinigpitan nito ang kapit sa kamay ni zion na nakapatong sakanyang mga tuhod

" maraming salamat sa pagsama sakin dito zion, kahit sa ganitong kalagayan masisilayan ko ang pagsikat ng araw sa paborito nating lugar,"  tanging mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni zion, nagpipigil na hindi mapaiyak at pilit na tinatatagan ang loob.

" hindi ito ang huli ellie, gagaling ka at mabubuhay pa ng matagal. I will watch  every sunrise with you until the sunset of our lives... sabay nating gagawin iyon ellie at hindi ako magsasawa. hindi kita iiwan ellie, hindi na kita iiwan " hindi na napigilan ni zion at tuluyan na bumagsak ang kanyang luha.

Yumuko sya upang hindi makita ni ellie ang panghihina at takot na nararamdaman nya, napahagulgol na sya kasabay ng panginginig ng kanyang balikat. Para sakanya ito ang pinakamasakit sa lahat, ang magpaalam saiyo ang taong hindi ka pa rin maalala, ang taong hindi na maalala na minsan syang minahal.

Hinawakan ni ellie ang kanyang baba at dahan dahan inangat ito hanggang sa magtama ang kanilang paningin.

" alam mo ba kung bakit gustong gusto ko makita ang pasikat na araw? Dahil sa tuwing nakikita ko ito, nakakaramdaman ako ng bagong pag asa sa bawat araw" hinaplos ni ellie ang makinis na pisngi ni zion habang pinupunasan ang luhang sunod sunod sa pagpatak. Pinagkatitigan nya ito na parang isang dyamante na mahalaga at hindi dapat sayangin.

" kaya sana pagtapos nito, maramdaman mo rin kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing tinatanaw ko ito, makakahanap ka ng bagong magmamahal sayo zion, ang taong hindi ka iiwan at kakalimutan. Pasensya ka na kung hindi ako ang babae para sayo, pasensya na rin kung hindi ko kayang suklian ang pagibig mo. Hindi ko man muling maramdaman ang dating pagmamahal ko sayo, hindi ko man maalala ang dati nating masayang nakaraan na meron tayo, pero alam ko tunay ang pagibig mo sa akin at iyon ang mahalaga sa lahat. Mapunta man ako sa ibang lugar ipapangako ko sayo na hindi kita makakalimutan.

"  Simula ngayon hanapin mo ang tunay na magmamahal sa iyo, ang taong muling mag paparamdam ng kaligayahan higit sa pinadama ko sayo noon. Mahal kita zion pero alam ko hindi ito sapat para lumaban pa "

" babaunin ko ang pagmamahal mo sa kabilang buhay. Kung mabubuhay man uli ako sana muli tayong magkita at baka sakaling pwede na tayong dalawa "  dahan dahan nilapit ni ellie ang kanyang labi sa noo ni zion at madiin na hinagkan ito.

" paano kung hindi ko kaya ellie? Paano kung hindi ko kaya magmahal ng iba? Kasi ikaw at ikaw pa rin ang hanapin ko. Kung nakalimutan mo na ang lahat sa atin, gagawa tayo ng panibagong alaala, tatanggapin ko kahit hindi mo man ako mahalin tulad ng dati, basta hayaan mong manatili ako sayong tabi " halos gumaralgal na ang boses ni zion, ngayon lang sya umiyak ng ganito. At hindi nya kakayanin na tuluyan ng magpaalam kay ellie.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon