Chapter 41

44 2 0
                                    


3rd person's POV


Ibat ibang boses ang naririnig ni ellie, gustuhin man nya magsalita o tingnan kung sino ang nasa paligid ay hindi nya magawa. Tanging dilim lang kanyang nakikita at Nanatili lang sya sa posisyon. Nakapikit sya at paralisa ang katawan. Tanging paghinga mula sa aparato ang kanyang nagagawa.

" she's stable now, but still in coma. Kausapin nyo lang sya ng kausapin sigurado na naririnig nya kayo " ani ng doktor. Hindi man nakikita ni ellie ay rinig nya ang pagiyak ng taong humahaplos sa kanyang kamay.

Gustuhin man nyang magtanong kung anong nangyayari ay hindi nya magawa. Nanatili lang syang nasa posisyon nang muling mawalan sya ng malay.

***

" how is she?" tanong ni enrico sakanyang dating asawa.

" no progress. I'm still waiting her to wake up " tugon nito nang muli nanamang maiiyak. Dinaluhan naman sya agad ng kanyang dating asawa at hinagod sa likod nang muling bumuhos ang kanyang luha.

" umuwi kana maggie, kami na ang bahala dito. Baka pati ikaw ay magkasakit " pagaalala ng ina ni zion. Umiling iling naman si maggie habang bumubuhos ang luha.

" hindi ko iiwan ang anak ko. Not this time. Ang dami kong pinalagpas na panahon na makasama sya. This is my fault, this is all my fault " sabay takip nito ng palad sakanyang mukha. Pinipigilan ang paghikbi at iniiwasan na marinig ng kanyang anak na mahimbing natutulog sakanyang tabi

" kung hindi sana ako nagpakalulong sa bisyo ng sugal na yan. Baka magkakasama pa rin tayo at buo, hindi maglalayas ang anak natin at hindi lalayo ang loob sa atin " pagpatuloy nya. Natahimik naman sandali ang kasama nya.

" aksidente ang lahat maggie, kaya wala tayong dapat sisihin. Nangyari na ang nangyari. Kailangan tayo ni ellie, kaya kailangan magpakatatag tayo para sakanya "  saglit silang binalot ng katahimik, nang muli magsalita si maggie.

" si zion kamusta? Alam na ba nya?" tanong nito sa ina ni zion na ngayon ay namamaga na rin ang mga mata.

" gustuhin ko man sabihin pero natatakot ako na malaman nya. Hindi pa ganon kagaling ang mga sugat na natamo nya mula sa pambubugbog ng kanyang kapatid. Heto at may pagsubok nanaman dumating " sabay tingin nya kay ellie " katulad mo maggie, hindi nya rin mapapatawad ang sarili nya pag nalaman nya ang nangyari. Alam naman natin gaano nya kamahal ang anak mo " maging sya ay hindi na rin napigilan ang pagiyak.

Muling dumaan ang nakakabinging katahimikan sa kwarto at tanging pagtangis na lang ang tanging maririnig. Lingid sa kanilang kaalaman ang dinanas ni ellie sa kamay ni jay. Ngunit alam din nila ang wagas na pagmamahal ni zion kay ellie.

Dumaan ang araw at linggo na wala pa rin malay si ellie. Salitan sa pagbantay ang dating magasawa na halos doon na sila natutulog. Kapwa ayaw iwan ang anak at inaantay sa pag gising nito.

Napa angat ng tingin si enrico at maggie nang bumukas ang pinto, Ganun na lamang ang pagkagulat ng dalawa nang makita kung sino ang pumasok si sandra... Kasama si zion.

Nagkatinginan ang mga matatanda. Akala nila ay walang balak ipaalam dito ang kalagayan ni ellie. Ngunit wala na rin sila magagawa, kitang kita sa mata nito ang sakit at lungkot nang makita si ellie na walang malay sa higaan, may benda ang paa dala ng pilay maging sa ulo rin dahil dala ng pagkakauntog. Kusa na sila lumayo at hinayaang makalapit ito kay ellie.

Nanginginig ang buong katawan ni zion habang papalapit rito, at dahan dahan sa pagupo sa tabi nito at iniiwasang makalikha ng ingay at baka magising  mula sa mahimbing na pagkakatulog, Pinagmasdan nya ng maigi ang kabuuan ng mukha nito, kung wala lang itong benda sa ulo mukha lang syang prinsesang natutulog.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon