Chapter 15bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ni jigs, pero bago pa lumingon ang kasama nya lahat sa akin agad ako tumalikod. Parang ako pa ang nahihiya sa nakikita ko.
Nawalan ako ng lakas ng loob. Ayoko makita ng daddy kaya agad ako naglakad palabas. sapo sapo ko ang dibdib. walang reaksyon akong mahagilap kahit emosyon ko ay hindi ko maintindihan. ano ba uunahin ko? iiyak magagalit? masasaktan? hindi ko alam.
naglakad ako ng mabilis papalayo sa kanila, naririnig ko ang sigaw ng pangalan ko at paghabol ni jigs
" ellie... wait " huminto ako at palihim na huminga ng malalim paulit ulit bago humarap kay jigs, ngumiti ako na parang walang walang nakita.
" bakit ka umalis?" tanong nya.
" jigs... ano kasi eh gusto ko na sana mag c.r " pagsisinungaling ko.
napakamot naman ng ulo si jigs" ganun ba, dito kasi yung cr eh " sabay turo nya sa kanan namin. pekeng ngumiti ulit ako.. " ah eh na jejevs na kasi ako. alam mo na nakakahiya baka may makaamoy " sabay tawang peke ulit. napa sulyap muna ako sa restaurant bago tumingin ulit kay jigs.
" okay sige, tawagan ko lang tropa uwi na tayo " pagkatapos ay mabilis syang tumakbo pabalik. dahan dahan ako sumandal sa pader. biglang nanghina tuhod ko. pinilig pilig ang ulo at pilit pinapaniwala ang sarili na panaginip at mali ang naiisip ko.
tahimik lang ako sa byahe namin pauwi. ramdam nila na wala ako sa mood kaya sila na lang ang naghaharutan.
tulala akong umuwi sa bahay. walang kain kain, wala sa sarili.
kinuha ko agad ang cellphone ko. nagdadalawang isip tawagan ang mommy. kinakabahan ako sa pwede kong malaman.
pero alam ko sa sarili ko hindi ako mapapapanatag. lakas loob kong tinawagan ang mommy. ang tagal nyang sagutin. kinakabahan ako
lakad roon parito ako habang dinidial ang numero nya. lihim na nagpasalamat ng marinig ang boses nya.
" haaay mom, buti sinagot mo na kanina pa ako tumatawag " pagaalala ko. ilang segundo bago sya sumagot. mukang humugot muna sya ng lakas bago nagsalita
" hi ellie anak kamusta?. sorry hindi kami nakakapunta ng daddy mo dyan ha?, pero promise sa next saturday dadalaw na kmi jan. " napabuntong hininga naman ako " ako na lang pupunta dyan mom bukas---" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng agad syang nagsalita
" no ellie... i mean baka mapagod ka lang sa byahe. hayaan mo kami ng daddy mo ang magpunta dyan ha. wag mo kami aalahanin okay. keep safe always anak i love you "
" pero mommy.. mommy" napatitig na lang ako sa screen ng fone ko ng biglang hindi na sya sumagot. ilang beses ko pa dinial pero hindi sinasagot. nakaramdam ako ng kaba.
gusto ko sana tawagan si daddy para kamustahin sila pero may kung anong pumipigil sa akin.
napatitig na lang ako sa kisame habang nakahiga. nagiisip kung ano dapat gawin habang hawak hawak sa ibabaw ng tyan ko ang cellphone. napatingin ako sa orasan.
5pm.
kung uuwi ako ng laguna ilang oras aabutin ko. bahala na.
ang natirang budget ko ay pinamasahe ko pauwi. wala akong ibang dala kundi pera, cellphone at lakas ng loob.
nag habal ako para makabilis makarating sa terminal. sakto pagdating ko ay paalis na ang bus. panigurado mabilis ang byahe kasi tuloy tuloy na.
sinuot ko ang headset at nakinig ng paborito kong awitin. gusto ko matulog sa byahe kaso ang daming tumatakbo sa utak ko tuwing pumipikit ako. kaya nagpaka busy na lang ako sa pagtanaw sa daan.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...