Chapter 10

50 2 1
                                    


Chapter 10

A/N:

May binago po ako sa name so medyo malilito kayo pag nabasa nyo itong chapter.

" Ready na ba gamit mo Ellie? Yung damit mo maayos mo bang natupi? Kumot baka kailangan mo magdala---"

" Mom!" Putol ko sa sunod sunod na paalala ni nya " okay na po lahat kagabi pa lang diba?, ready to go na ako " sabay tingin ko sakanya na nakangiti. Bumuntong hininga naman sya at sinarado ulit ang bag kong malak.

" This is our firstime na malalayo ka anak, parang gusto ko tuloy na dito ka na lang magaral, meron naman magaganda ring school dito bukod sa xavier na yun " ramdam ko ang lungkot sa boses ni mommy, kahit ako hindi ako sanay na walang magulang sa tabi ko lalo na kay mommy. Ako yung tipong konting kibot mommy agad ang tatawagin.

Lumapit ako sakanya at buong higpit ko syang niyakap " Dadalaw dalaw naman po ako dito pag may free time ako, wag po kayo magalala magaaral akong mabuti at hindi ako magpapabaya promise " sabay mwestra ko ng kamay na parang nagpapanatang  kabayan.

Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at kinulong sa kanyang palad. " my baby girl is all grown up  " sabay pilit nyang ngiti, bigla ako nakaramdam ng lungkot ng makitang nangingilid na luha nya. Napalunok ako na parang may nakabarang malaking bato kakapigil na wag umiyak.

" Ano ba yan mommy, para naman tayong hindi na magkikita nyan " sabay yuko ko, pasimple kong pinunasan ang luha ko. " always remember that your my greatest love Ellie, nandito lang kami ng daddy mo. Lahat ng ito ay ginagawa namin para sa kabutihan mo. Always remember that " Hindi ko na napigilan na mapaiyak. Well teenager feels hirap malayo sa nanay haist.

Nasa ganung posisyon kami ng maabutan ng daddy. Hanggang sa lumapit sya sa akin at niyakap nang mahigpit, sunod-sunod nang bumagsak ang luha ko. Lalo na ng maalala ko ang  pagtatalo nila kagabi ng Mommy. Hindi ko sinasadya na marinig ang kanilang usapan.

" Hindi tama to Maggie, baka mapahamak si Ellie, ayoko masaktan ang anak ko " saad ng daddy " Nakausap ko na sya at nangako na hindi gagawa ng kung ano makakasakit kay Ellie. Baka ang gusto  nya talaga ay tulungan ang anak mo sa pag-aaral. Kung manigil edi bayaran natin " Paliwanag ng Mommy. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan na lang. pumasok na lang ako sa kwarto at ayos ng gamit.

" Tama na ang pang mmk na eksena baka bumaha ng luha " sabay tawa nya, maging kami ng mommy ay natawa na din. Buong akala ko ay galit sakin ang Daddy dahil sa pagpiling sa Xavier mag-aral. Niyakap nya kaming dalawa ni Mommy. Isa ito sa mga mamimiss ko.

" Nasa baba pala si Jana inaantay ka " saad ni daddy, agad ako bumaba.

" Jana! " sigaw ko mula pa lang sa hagdan. Ang gaga tinignan lang ako sabay balik ulit ng tingin sa pinapanood ng netflix with matching meryenda pa.

Nagpameywang ako sa harap nya " aba hindi mo ko papansinin? " nag angat naman sya ng tingin sa akin " hu u?"Tinaasan ko naman sya ng kilay

" Charot lang " pahabol nya sabay yakap nya sa akin " mamimiss kita bes, sayang gusto ko sana sumama paghatid sayo kaya lang ayaw ako payagan ni mama. Bibingo na daw ako " tinawanan ko naman sya.

Nung last time kasi na gala nya tumakas sya pero nahuli ng mama nya. Hindi nya ako kaya gayahin sa galawan ko magaling ako e hehe.

" Bye mama, Jana " sabay yakap ko sakanila bago sumakay. Sa byahe tahimik lang kami ni daddy at tanging musika sa radio ang maririnig.

Ilang oras bago kami nakarating sa boarding house ko, kung saan walking distance sa school. Maayos naman ito at kumpleto na sa gamit. Pinasok ni daddy ang gamit ko pagkatapos ay kinausap ang landlord.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon