Chapter 2

110 2 0
                                    

Chapter 2

Ellie

Mag hahating gabi na kami halos nakauwi. Buti naman at hindi nila namalayan ang pagtakas ko. Wala pa sa garahe ang sasakyan ni daddy akala ko ngayong gabi ang uwi nya. Patay pa rin ang mga ilaw kaya siguro hindi alam ng mommy na umalis ako. Dire-diretsyo lang ako pagpasok sa loob, katulad kanina para akong magnanakaw na sumasalisi.

Hindi ko alam kung ano oras na ako nakatulog kagabi o baka nga umaga na. Bukod sa hindi ako makamove on sa bandang Eheads, paulit-ulit sa isip ko ang  imahe ng lalaki at parang sirang plaka sa utak ko ang boses nya na malalim. Pero sigurado ako na sa pagtulog ko ay may ngiti sa labi ko.

" Ellie gising na " sabay yugyog sakin ng mommy, umingit ako nang konti at bumalik ulit sa pagkakatulog. " gumising kana Ellie, pag balik ko at di ka pa nakakabangon malilintikan ka sakin " hanggang sa marinig ko na lang ang paglapat ng pinto.

Wala sa mood akong gumising, nakailang hikab ako bago tuluyang bumangon. Nagtungo ako sa cr para mahilamos. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa gilid ng aking kama. Napatingin ako sa orasan at laking gulat ng makitang 11:30 na pala ng tanghali. Agad ako naglakad palabas.  Tsk lagot ako kay mommy nito panigurado mamaya mag rarap nanaman yun. Napasarap ata tulog ko.

Nasa sala pa lang ako naamoy ko na ang mabangong niluluto ng nanay ko kaya dumiretsyo na ako ng kusina. Bago pa makarating ay nakita ko ang taong nakaupo sa lamesa.

"Daddy? Daddyyyyy!!!!" patakbo akong lumapit sa kanya sabay yakap nang mahigpit, humalik rin ng marami sa kanyang pisngi. Sobrang saya ko.

" Hey young lady, " sabay gulo saking buhok ni daddy. Bahagya ko nilayo ang ulo at sumimangot. Tumawa naman ang daddy. I'm sixteen years old pero feeling baby pa rin, only child kasi ako. Kaya siguro ako may saltik. Char!

Sobrang namiss ko ang daddy. I can see those visible lines on his face, but still he is the most handsome man I've ever known.

Tumabi ako sakanyang upuan. Dumating naman si mommy dala ang iba pang pagkain.
Umupo sya sa tapat ni daddy. Kita ko sa kanyang mata ang saya kahit hindi sya ngumiti o kahit hindi nya sabihin.

" How are you Ellie? Mukhang tinanghali ka ata ng gising". Tanong ni daddy habang nagsasandok ng ulam. Napaiwas ako ng tingin at nasamid sa sarili kong laway.

" Careful baby " Agad na hinagod ni daddy ang aking likod at nag abot ng tubig. Kase naman sasabihin ko ba na dahilan ng pagkapuyat ko eh ang lalaking nakita ko kagabi?. Sabihin pa nila ang landi lang ng anak nila diba.

" Ah eh daddy, bakit ngayon ka lang umuwi? Inantay pa naman kita kagabi" pagiba ko ng usapan. Sana umepek

" May tinapos lang akong trabaho. Wag ka magalala at babawi ako sainyo ngayong linggo " napangiti naman ako. Eto ang gusto ko eh gumala. Tuwing nandito lang kasi si daddy ako nakakagala. Kaya dapat sulitin. Masaya kaming kumain. Nagkukwento si daddy tungkol sa mga kasong hinawakan nya. Isang public attorney ang daddy kaya kadalasan wala sya sa bahay dahil sa manila ito nakadestino at tuwing sabado ng gabi sya nauwi dito sa laguna at lunes ng umaga luluwas ulit.

Sakto ay bakasyon ngayon. Mag 4thyear na ako ngayong pasukan kaya pakiramdam ko ay hihigpit lalo ang mommy sa akin. Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Nagsuot ako highwaist jeans at nag tuckin ng t-shirt at flat sandal. Hinayaan lang nakalugay ang mahabang buhok. Nagpulbos lang ako sa muka. Una na akong lumabas ng bahay habang inaantay sina mommy at daddy ay nag scroll muna ako sa fb.

" Baka ma snatch yan"

"* Ay shuta! " sigaw ko nang may biglang mag salita sa gilid ko. Napahawak ako sa aking dibdib habang naghahabol ng hininga. Tawa naman nang tawa ang lalaki kung makaporma ay suot na agad ang damit pang pasko.

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon