Chapter 35

37 3 0
                                    

Chapter 35

" alam na ba ng client na hindi tayo available sa Saturday? " tanong ko sa nagmamadaling manager na si tin na sumalubong sakin.  kinakabahang napailing naman naman ito ng makitang kasama ko si jay.

Napahawak na lang ako sa sintido upang maibsan ang inis. Ayokong masira ang araw ko. Maaga pa lang ay nagtungo na agad ako dito sa resto bilang isa ako sa ka share holder dito ni zion. Dibale tatlo kami dito, yun nga lang yung isa ay si zion lang nakakakilala.

" bakit kasi hindi mo na lang i give up lahat to kay zion, pinagtyatyagaan mo pa tong pipityuging resto na to " singit sa usapan ni jay. Pinanliitan ko naman sya ng mata

" binuhos ko lahat ng ipon at natitirang pera ko dito kaya hindi ko pwede basta bitawan to " malamig kong sagot.

" kaya ko ibigay yon sayo,  asawa kita kaya pwede ka humingi ng pera kahit magkano. Pwede ka naman magtayo ng sarili mong ganito " sabay palibot nya ng tingin sa kabuuan nito.
" tingnan mo nga sobrang cheap--"

" pwede ba kung wala kang masasabing maganda manahimik ka na lang " inis kong saad dito. Ngumisi naman sya na parang nangaasar.

" nag sa suggest lang naman ako hindi mo kailangan mag tyaga dito "

" pinagusapan na natin to diba? baka nakukunsensya ka lang dahil sa ginawa mo kaya ayaw mo dito?" naramdaman ko naman na biglang nagbago ang awra ng mukha nya

Kaya agad ako umalis sa tabi nya at naglakad na papasok sa loob ..."  Sama sama pa kasi " bulong ko ng makalayo

Nag dire direcho ako ng lakad pa sa loob habang tinitingnan ang daily report ng sales. Laking dismaya ko dahil pababa ito.

" alam na ba to ng boss mo? " tanong kong muli.

"Y-yes Mam, actually on the way na po sila dito " napahinto ako sa aking ginagawa. Agad ko binalik ang hawak   kay tin na ngayon ay takang taka sa kinikilos ko.

" b-balik na lang ako bukas " pilit ako ngumiti at mabilis na lumabas. Muli ako natigilan ng makitang kausap na ni jay si zion. Balak ko sana na bumalik na lang sa loob at antayin matapos ang kanilang usapan.

Pero bago pa ako makakilos ay nakita na ako ni zion na ngayon ay nakatitig na sa akin. I startled when our eyes met.

Bigla ako nakaramdam ng lungkot ng binawi nya ang kanyang tingin at bumalik uli kay jay. I composed myself, huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili papunta sa kanila.

Para akong sasabak sa unang interview kung atakihin ako ng kaba. Habang papalapit, padami ng padami ang aking pawis sa noo.

" oh hi there ellie " masayang bati sakin ni angel, na mukhang good mood na good mood ngayon. Blooming ang lola mo. Halatang masayang masaya sa honeymoon haist!

Napatingin ako sa kamay ni zion na mahigpit na nakakapit sa bewang na manipis ni angel, tiningnan ko si zion na parang wala ako sa harap nila kung maglandian silang dalawa.  Tahimik lang naman sya habang busy si angel sa pagkwento kung gaano kaganda ang lugar kung saan sila nag honeymoon. Konti na lang ikwento kung ano ginawa nila sa kwarto.. iww!!

" you know guys, you two should be there! The place is amazing! Sigurado makakabuo na kayong dalawa doon" sabay tawang malandi ni angel.

Lihim naman ako napangiwi na parang diring diri sa narinig, si jay naman ay tuwang tuwa. Napaayos ako ng sarili ng makitang nakatitig sakin si zion. Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan ng ano-tinitingin-tingin-mo-dyan-look?

Hindi ko alam kung tumaas ang gilid na bahagi ng labi nya o namamalikmata lang ako. Kaya inirapan ko na lang sya at kumapit ng mahigpit sa braso ni jay. Huh! Akala mo ikaw lang may lovelife ha!

Ellie RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon