Chapter 26
Krystel
Ilang araw na ang nakakalipas mula ng lumipat ako dito kela lola norbeng, simula ng umuwi sakanila si mary. Kailangan nya kasi asikasuhin ang naiwang bahay nila at ibenta ang mga gamit na mapapakinabangan pa, ilang buwan na kasi hindi nagpaparamdam ang tita mavi, napahinto na rin sya sa pagaaral. Pilit ko man kumbinsihin na tutulungan ko sya sa pagaaral ay pilit sya tumanggi.
Dahil naiwan ako magisa sa boarding house pinilit ako ni jay na doon muna manirahan sakanila, noong una ay tumanggi ako bukod sa nakakahiya ay nasa iisang bahay lang kami magkasama. Kaya ngayon ay napagpasyahan nya na doon na tumira sa bahay ng mga villaverde, para hindi ako mailang.
Pababa pa lang ng hagdan ay amoy mo na ang mabangong niluluto ni lola, dito sa bahay ay ito ang kanyang libangan bukod sa pagwawalis sa labas at pagaalaga sa mga bulaklak sa kanyang bakuran.
Naalala ko si mommy na mahilig din magluto at bubungad agad sakin ang mabangong miluluto nito tuwing umaga, kahit ang mga talak nya sa akin na hindi na bago sa umaga.
Kamusta na kaya sila?
" magandang umaga po lola " masaya kong bati kay lola norbeng habang busy sa paghalo ng sangag " gising ka na pala iha, hala umupo kana sa lamesa at ito'y malapit na. Ano ang gusto mo? Kape gatas? " umiling ako sabay kuha ng baso " ako na po, masyado nyo na talaga akong iniispoiled " sabay tawa ko.
Ngumiti naman sya ng pino " alam mo naman na anak na ang turing ko sayo, masaya ako dahil pumayag kana dito na manirahan kahit papano nagkaroon ng buhay itong bahay " bahagya syang lumapit sakin at bumulong
" hindi katulad kapag andito si jay, tahimik ang bahay, alam mo naman ang batang yon napaka seryoso lalo na nang mapunta sa canada" bahagya kami natawa ni lola sa kanyang sinabi.
Totoo naman kasi lately nagiging strikto at sa seryoso sa buhay si jay. Naiitindihan naman namin dahil sa stress ito dahil tutok sa pagaaral tungkol sa pangangalaga ng kumpanya. Yon ang dahilan kung bakit nagpupunta sya sa ibang bansa at minamaster ang pagiging business man.
Bumalik ako sa ulirat ng makarinig kami ng hiyaw mula sa sala " andito na ako!!!" napairap na lang ako sa ere habang nag hahalo ng kape " at isa rin ang batang yan ang dahilan kung bakit maingay ang bahay na to kakaaway nyo. " napailing na lang ako habang si lola ay natatawa
" kung wala lang siguro si jay, naisip ko na bagay kayong dalawa " napahinto ako sa aking ginagawa, napatingin ako kay lola na nagsasalin ng kanin sa plato.
" sakto ang dating ko luto na ang niluluto mo lola " si zion, habang kinukuha ang hawak ni lola norbeng. " pagtimpla mo naman ako ng kape ellie krystel salamat!" bago pa ako makasagot ay mabilis na umalis sa kusina si zion.
Inis na inis ako habang nagtitimpla.
" bwisit ka talagang lalaki ka! Wala ka na talagang ginawa kundi utusan ako o hindi kaya ay asarin ako tuwing andito ka! Kung wala lang dito si lola norbeng malamang pinaglalamayan ka na " bulong ko sa sarili habang tinotorture ang gatas at asukal sa baso.
" oh kape mo!" sabay padabog kong nilapag ang baso. Ngumisi naman ang loko " lola oh minsan na nga lang ako magpunta dito hindi pa ako pinagsisilbihan" sabay tingin nya kay lola na parang nakakaawang aso. Napailing na lang lola habang natatawa
" anong minsan? Halos araw araw ka na nga dito! wala ba kayong pagkain sainyo at lagi ka dito nakikikain? " inis kong saad sakanya. Lalo pa akong nabubwisit dahil parang gustong gusto nya at musika sa pandinig nya ang naasar kong boses. " kayo talagang mga bata, magsi kain na kayo ng almusal bago pa lumamig " inismiran ko na lang ang lalaki sa harap ko habang sya ay enjoy na enjoy sa bacon, hotdog at ininit na adobo.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...