Busy ako magscroll sa facebook habang nakataas ang mga paa sa lamesa dito sa aming balkonahe. Bumalik na rin ako dito sa manila sa bahay namin ni jay matapos ang kasal ni mary at liam.
And now i feel all alone. Again.
The feeling of not necessarily sad, but the feeling of emptiness. That is what i am now.
May sariling nang buhay si mary, i'm really happy for her, truly. It's just, wala na akong mapupuntahan o masasabihan kapag gusto ko kumuwala sa ganitong pakiramdam. Ayoko naman na dumagdag pa sa iisipan nya. Hindi na ako bata.
Mukhang kailangan ko na harapin ang totoong buhay, wala nang matatakbuhan at kailangan ko na harapin ang katotohanan. Katotohanan na makukulong na ako habang buhay na puno nang kalungkutan.
Kailan ba ako sumaya? Yung totoong saya. Hanggang sa naisip ko sya, mga panahong malaya pa at sya ang kasama. Malayang tumawa at magsaya, tumakas at magmahal ng tunay.
Hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko.
" Zion is now single " it was a tagged post. Naalala ko na hindi ko friend si zion sa fb dahil binlocked ko sya, wala eh ma attitude ako, kunyari walang pakialam pero gustong gusto ko sya nakikita in personal.It was liam post. Sa bar nila liam, hanging out with his friend, of course andon si zion. Mukhang pinasara nanaman ang bar para sa masayang selebrayong naganap. For me masaya pero sa hilatsya ng mukha ni zion, i can't see the happiness.
Agad ko tiningnan ang mga litrato. Mukhang mga lasing na, sa dami ng alak na nagkalat kung saan sa sahig at ang gulo na nang mga itsura nila. Walwal to the max.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang iniistalk ang nakikita. It's 2 am in the morning and kakapost lang ni liam. Then i stalk angel, pero hindi ko makita fb nya, hindi ko alam kung binlock ako nun o nag deactivate.
Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko, para kong mabunutan ng tinik, at para akong magkakasipon sa nararamdaman ko.
Mula nang makita ko ang post na yun, hindi na ako pinatulog. Magisa lang ako sa kwarto habang malayang nakakasisigarilyo.
Wala pa rin si jay. Ilang buwan na sya sa hongkong. May asawa pa ba ako? Parang wala ni hindi na nagpaparamdam, masaya in a sense na malaya ako nakakagalaw sa gusto ko, pero may halong kaba dahil sa pananahimik nya. Hindi ako sanay.
Halos lahat ng pusisyon sa kama nagawa ko na, nalakaran ko na ang bawat sulok ng kwarto kakalakad. Hindi ako mapakali kung ano ang gagawin ko sa hawak kong cellphone.
Magtitipa o hindi?. Isesend o hindi?.... ugh!
" hi zion, kamusta?..... erase erase
" nabalitaan ko ang nangyari,kamusta? ERASE!
" Uy, tara inom!.... putik ERASE!!!!!!!Gusto ko nang ibato ang hawak ko at sabunutan ang sarili, simpleng text hindi pa ako makapagisip ng matino. Pagdating talaga kay zion, nabobobo ako kahit hindi naman ako matalino.
Muli ko na lang tiningnan ang mga uploaded pictures nila, marami sila sa litrato pero si zion lang ang tinitingnan ko, masaya ang mga kasama nya dala na rin siguro nang kalasingan, siguro ay para pasiyahin lang si zion dahil may pinagdadaanan. Ganun naman talaga ang magkaibigan diba? At isa ako sa kaibigan ni zion, katulad nga nang sinabi nya.
Let's talk
Wala sa sarili na yun ang tinext ko kay zion, parang may sariling utak ang kamay ko para yun ang tipahin nya. Ilang segundo ako natulala sa cellphone ko. Wala naman reply, siguro ay busy kakainom dahil broken hearted sya kaya matutulog na lang ako.
Saktong pagbaba ko sa sidetable nang tumunog ang cellphone ko. Walang kasing bilis na agad ko tiningnan kung sino ito.
Punyeta from NDRRMC ! Gusto ko sana ibato cellphone ko kaso sayang kaya huwag na lang. Kung kailan ka nageexpect na may mahalagang magtetext saka magpaparamdam tong ndrrmc, sana all nagpaparamdam.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...