Chapter 33
3rd person's POV
" sir zion may naghahanap po sainyo, nagpupumilit po pumasok, ayaw po sumunod kahit anong pigil ko--- " habol hininga ng tumigil si caloy kung nasaan sila zion at ellie. isang tagalinis at pinagkakatiwalaan sa kanilang bar. Maliit ito at may kapayatan. Bagamat matanda na ay sya ang pinakamasipag sa lahat. Sa itsura nya ay halatang takot na takot ito.
Maya maya ay dumating na ang galit na galit na si jay. " i knew it. Sabi na nga ba may relasyon kayong dalawa " anito sabay labas ng baril mula sa kanyang likuran
Agad tumayo si zion at hinarang ang kanyang sarili kay ellie. Hinanda ang sarili kung ano man ang gawin sakanila ng kanyang kapatid.
Ang mga trabahador ay walang magawa kundi manahimik sa isang tabi. Sino ba namang hindi matatakot gayong pinatumba ng tauhan ni jay ang mga gwardiya nila. Nagkalat na rin ang mga armadong tauhan nya sa lugar na yon.
" jay ibaba mo yan!" sigaw ni ellie. Pilit sya tinatago ni zion sa likuran nito upang protektahan. " sumama ka sakin kung ayaw mong may mamatay pa dito " lalong nanyukom ang kamao ni zion dala ng galit.
" bakit mo pinipilit si ellie na sumama sayo! Ayaw na nya sayo. Ako ang pinili nya, kaya umalis kana jay!" buong tapang nyang sigaw.
Nanlaki ang mata ni ellie nang ikasa ang hawak na baril ni jay, napakapit sya ng mahigpit kay zion na ngayon ay kinakabahan na rin. " kahit anong mangyari huwag kang sasama sakanya. I will do everything to protect you. Itatakas kita, ilalayo kita sakanya " kalmado nitong sambit sa dalaga.
Napapangunahan man ng takot si ellie nakaramdam pa rin sya nang kapanatagan sa piling ni zion.
" eh kung isa isahin ko kaya ang tauhan mo dito ? " sabay tutok ng baril ni jay kay caloy na ngayon na lalong kinabahan. Parang nubusan ito ng dugo sa sobrang putla.
" tigilan mo na to jay, utang na loob! " muling sigaw ni ellie. Sandaling tumigil ang mundo nila ng makarinig ng malakas na putok, natulala at hindi makagalaw si ellie ng makitang dahan dahan bumagsak si caloy at patuloy ang pagdanak ng dugo mula sa ulo nito.
" bullseye " tugon ni jay sabay ngiti na parang dimonyo.
" hayup ka jay! Dimonyo ka!" sigaw ni zion na ngayon ay mas lalong galit na galit. Rinig na rinig ang pagsinghap ng mga trabahador. ngayon Maging sila ay takot na takot dahil sa pangambang sila ang susunod na mamatay. Ang ilan ay nagiiyakan na, nagmamakaawa para sa kanilang buhay.
Lalong nag igting ang panga ni zion dahil sa nangyayari. Wala syang magawa. Ang mga tauhan ni jay na parang sanay na sanay na makakitang may pinapatay ang amo nila. Natutuwa sila na may taong binawian ng buhay dahil sakanila.
" napaka dimonyo mo! Pinatay mo ang taong walang kalaban kalaban sainyo, " bulalas ni zion
" i told your ellie that she's mine. And even her name is krystel she's still mine, and i will kill every person who touch her, even you zion. Pasalamat ka at hindi kapa nalalagutan ng hininga ngayon, gusto mo bang matulad sa kaibigan mo? " sabay tawa nya ng pagak.
Gustong sugurin ni zion si jay dahil sakanyang nalaman, buong lakas sya pigil pigil ni ellie dahil alam nya na hindi magdadalawang isip ang mga ito na barilin si zion. Ang mga walang hiya, sila pala ang may kagagawan sa pagkamatay ni jigs. Kaya pala tikom ang bibig ng mga pulis dahil sa malaking tao ang nasa likod ang karumaldumal na krimen.
" wala kang kasing sama maging si jigs na walang ginawa saiyo pinatay mo "
Nanginginig ang buong katawan ni ellie. Para na syang mahihimatay sa lahat ng nalaman nya, hindi nya pa matanggap ang sinapit ng kaibigan ngayon naman ay may bagong namatay dahil sakanya.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...