Chapter 27
Krystal
" inaatake ka nanaman ba ng anxiety mo? " tanong sakin ni mary habang nakadungaw ako sa bintana. Bahagya nya pa kinumpas ang kamay nya para mawala ang usok na binuga ko galing sa hawak kong yosi bago sya lumapit sa akin.
Madaling araw na at gising pa rin ako. Hindi ako pinapatulog at patuloy na binabagabag sa muling pagkikita namin ni zion.Ilang taon na ang lumipas simula nang huli kami magkita, nung araw na mag propose sakin si jay. The epic proposal. Yung humindi ka tapos biglang umoo. Timang lang diba.?
Ngumisi lang ako at umiling. " nakita ko nanaman ang mokong, kahit anong iwas ko, nahahanap at nahahanap nya pa rin ako. " tumabi naman sakin si mary at sumandal na din sa binatana.
Kasama ko na ngayon si mary sa bago naming boarding house. Lumipat kami mula ng Bumalik sya dito sa manila dahil wala pa rin syang balita sa kanyang ina.
Ilang buwan na rin mula ng bumalik ulit ako kay mamu sa pagsideline. Hindi alam ni jay ang lahat ang akala nya pinagpatuloy ko ang pagaaral na minsan na naming pinagtalunan pagkatapos ng gabing mag propose sya.
Ofcourse pinalagpas ko ang nagawa nya sa akin, si jay yon, gustuhin ko man magtampo magalit dahil sa pagsisinungaling nyang nakapagtapos ako ng pagaaral at galing sa maayos, mayaman na pamilya para maging mabango ako sa paningin ng kanyang ama. Pinilit ko kinalimutan, para sakin naman yun hindi ba? Para sa kapakanan ko. Si jay ang tumulong sakin mapaayos ang buhay ko.
Ang buhay ko na puno rin ng kasinungalingan. Magagawa ko bang magalit kay jay? gayong nagsinungaling din naman ako sakanya.
" anong balak mo ngayon? Mukang hindi ka talaga tatantanan ng zion na yan, mukang patay na patay sayo eh." napailing na rin si mary na namomorblema na rin.
" tang ina kasi malay ko naman kasi na bestfriend nya din si boss liam at nandon din sya sa bachelors party na yon. Tsk baka isumbong nya pa ako kay jay. Iwas na nga ako ng iwas. Tago na ako nang tago hindi nya pa rin ako tinitigalan" sabay inom ko ng alak, medyo napangiwi pa ako dahil sa wala akong chaser. Naalala ko nang magkita kami ni zion at nagpanggap na hindi sya kilala.
****
" happy birthday mary cheers!! " sabay tungga ko sa basong hawak namin. Araw ni mary ngayon pero ako ang nagpakalango sa alak. Well i don't care, walwal is life.
Pa gewang gewang ako papunta sa dance floor. Sa gitna ay dinama ko ang nakakahilong ilaw at nakakaindak na tugtog, sa ganitong paraan kahit papano makakalimutan ang problema. Hindi ko kilala kung sino na tong kasayawan ko bahala sya dyan.
" what the f*ck!" rinig kong sigaw ng lalaking sinasayawan ko. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod sakin mabuti at maingay kaya hindi ganun agaw pansin ang namumuong away. Natural lang sa club yung mga ganitong eksena kaya hindi ko na pinansin. Siguro nagkasagian kaya nagkapikunan dala ng lasing na.
Pinagkibit balikat ko na lang at muling sumayaw. Muntik na akong mawalan ng balanse ng may kumuha ng hawak kong bote ng alak at kinaladkad ako papunta sa gilid. Dala ng kalasingan at nahihilo na ako hindi ako makapagsalita ng maayos at hindi ko maaninag ang lalaking kumakaladkad sakin.
" p*ta ano ba! " sigaw ko. pabalang nya naman ako binitawan kaya napakapit ako sa pader. Hinaplos haplos ko naman ang kamay ko sa higpit ng pagkakapit nya. Takte pasa abot neto.
" anong problema mo " bulyaw ko sa sakanya. Ang irita kong muka ay biglang nagbago ng maaninag ko ang muka ng lalaking mukang papatay sa talim ng tingin. Sandaling nawala ang lasing ko.
" ikaw ano problema mo? Anong klase kang babae kung sino sino kinakalantari mo! " dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nya akmang sasampalin ko na sya ng mabilis nyang hinawakan ang nakaangat kong kamay.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
Storie d'amoreEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...