Chapter 23
Krys
" huy krys, umamin ka nga sakin" sabay hila nya sa akin ni gigi sa gilid. katrabaho ko sa fast food at isang cashier din " may relasyon ba kayo ni sir jay? " nagulat ako sa tanong ni gigi " ano? Wala no " kumpyansa kong sagot. Nasa crew room kami ngayon dahil tapos na ang duty namin.
Tumingin naman sya sakin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. " wala nga " sagot ko habang natatawa tawa pa dahil sa muka nya. " eh bakit lagi kayo sabay umuwi.... tsaka sabay kumain pag break time " tanong nya habang nakatunghay pa rin sakin. Hindi ko naman sya pinansin patuloy ako sa pagtanggal ng hairnet at pagsuklay ng buhok.
" saan mo naman nakuha yang chismis na yan "
" kalat na kaya dito " diretsyo nyang sagot. Napatigil ako sa pagayos ng buhok ko at napatingin sakanya sa salamin. Ramdam ko ang pagiging maasikaso at concern ni sir jay sakin mula nung gabing nasa hotel kami.
Pero para samin wala kami dapat kailangan ilihim kung anong meron saming dalawa. Mula ng gabing yon ay ilang araw ako hindi pumasok, sa katunayan mag ri resign na sana ako.
***
" krys, krys!!" Nagising ako sa mula sa malalim na pagkakatulog nang walang tigil akong yugyugin ni mary. " ano ba " irita kong sambit. Masakit ang ulo ko at mabigat ang mata. Hindi ko na kasi alam kung ano oras ako nakatulog dahil halos araw araw ako puyat at lihim na umiiyak.
" bangon ka na dyan krys" papungas pungas pa ako ng mata habang bumabangon. " bakit ba, natutulog pa yung tao eh "
Ilang beses ko kinusot ang mata bago luminaw ang muka ng taong nakaupo sa lamesa. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat " s-sir jay ano pong ginagawa nyo dito " agad ko inayos ang buhok at damit ko, nag crossed arm pa ako dahil sa wala akong suot na bra at manipis pa ang bistidang suot ko.
" una na ako krys, baka malate ako pag inantay ko pa sya umalis, basta pangako mo na wag kayong gagawa ng milagro ha " pinanliitan ko naman ng mata si mary dahil sa binulong nya sa akin. Tingin nya sakin easy to get?.. slight lang noh.
Mag aalas syete pa lang ng umaga. Nagtimpla ako ng kape namin at umupo na rin ako sa lamesa. Wala akong ibang pagkaing maalok dahil wala namin kaming stocks.
" bakit ilang araw kang hindi nagpapasok? Dahil ba to nung ---"
Agad ko pinutol ang sinabi nya." H-hindi po sir jay ano po kasi " Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam ang sassabihin ko, nahihiya kasi ako ikwento na nakita ko ang tatay ko na kasama nanaman ang babae nya.
" medyo masama po kasi ang mata ko. Magkaka sore eyes ata ako " tinitigan nya naman ako at pinalibutan ng tingin ang muka, mukang nakumbinsi naman sya dahil sa namamaga ang mata ko at maitim ang ilalim nito.
" balak ko na rin po sana magresign " pahabol ko. napa ayos naman sya ng upo " why " tanong nya sabay sipsip ng kape.
Napatingin ako sakanya, kinabahan ako sa itchura nyang seryoso. Naalala ko kapag duty ko at nagkakamali ay ganyan na ganyan ang tanungan at galawan nya. " babalik ka nanaman sa trabaho mo dati?? Hindi bat ang usapin natin---"
" alam ko po. At malaking utang na loob ko sayo. Kaya nga mag riresign na lang ako at maghahanap na lang ng ibang trabaho" pagkatapos kong sabihin yun ay ilang saglit kaming natahimik. Hindi ko alam kung bakit ko naisip magresign kahit mahalaga sakin ang trabaho na yun, mula ng gabing hinatid nya ako sa bahay at bago bumaba ng kotse alam ko hindi lang manager at crew ang tingin namin sa isa't isa .
***
Maguumaga na at nasa kandungan pa rin nya ako mabuti at tinted ang sasakyan kaya panatag kaming walang makakakita samin sa loob.
BINABASA MO ANG
Ellie Rose
RomanceEllie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break the rules of her strick parents and take the dangerous sometimes. She love how it feels to be out o...