Chapter 16

891 51 2
                                    

Kyle

"You're here."

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon nakaupo at kumakain sa tabi ko. I can see every detail in everything that he's doing, nakikita ko yung mga mata niya, yung matangos na ilong, yung kissable lips niya. Namiss ko yung pagngiti niya at yung mismong panguya niya ng pagkain. God! I can't help but stare at his perfection.

"Miss na miss talaga teh? Halos matunaw na yung tao kakatitig mo diyan oh. Busog ka na ba?" Panira talaga 'to si Chloe.

"Panira ka ng mood babae ka, akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong eksena kanina?" Inirapan lang niya ako at bumalik sa pakikipagharutan kay Alexander. Are they faking it? Mukha kasing totoo.

"So, talk to me." Ibinaling ko ang tingin ko kay Jake. Matapos niya akong halikan kanina sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko gusto niya na magsalita ako. Alam ba niya na kinakabahan ako kanina pero kasi namiss ko siya hinayaan ko nalang siya sa ginawa niya. That was the first time na hinalikan ako ni Jake sa harap ng parents ko, for all we know, strict at conservative yung daddy ko. Natatakot nga ako, baka nagbago yung isip niya tungkol sa freedom ko.

"What are thinking right now? Tell me."

"Gusto mo talagang malaman?" I leaned closer to him.

"Hmm."

"I'm happy." I smiled at him.

"Talaga?" He cupped my face in his hands.

"Oo tapos..." He leaned closer to me.

"Tapos ang sarap mong kurutin ng nailcutter sa ilong at cobrahan sa vertebral column. Tangina ka! Akala mo ba na nakalimutan ko yung pang go-ghost mo saakin nung mga nagdaang araw?" I removed his hands.

"Ouch, akala ko ba hahalikan mo ako?"

"Ano ka sinuswerte?" Then everyone burst into laughter. Nahiya tuloy ako kasi nakita nila yung eksena namin ni Jake.

-

"Did you have fun?" Kami nalang ni Chloe, Luke at Jake ang naiwan. Yung iba kasi umuwi na after mag-inuman at kantahan.

We stayed at the living room. Jake is hugging me from the back while we sat on the couch. Napaka-clingy, ayaw niya akong bitawan simula nang matapos yung dinner namin. Pero feel ko natatakot lang siya na ma-cobrahan sa spine kaya niya ako niyayakap ng ganito.

"Kailan ka pa dumating? Bakit hindi namin alam?" I asked Jake. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Correction, it's not namin. You're the only one who doesn't have any idea about it." Sabi ni Chloe.

"Talaga? How could you do this to me? Alam niyo ba na halos malunod na ako sa galit at lungkot dahil dito sa mokong na 'to?" Tinuturo-turo ko pa yung ulo niya na nakasandal saakin.

"Edi hindi ka na masusurprise 'pag sinabi namin sayo. Gago ka pala eh." Ani Luke.

"Oh? Galit ka pa rin saakin? Akala ko ba part ng show niyo yung pagka badtrip mo saakin?"

"Hindi 'no. I'm really pissed." Sabi niya. Nauna nang umuwi si Edward kasi may meeting siya with a client early in the morning tomorrow.

"Bakit ka galit sa mahal ko?" Biglang nagsalita si Jake. Akala ko natutulog na siya kasi mukha siyang may jetlag.

"Kasi hindi siya pumasok sa classes niya."

"It's normal." Isinubsob ulit ni Jake yung mukha niya sa balikat ko.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon