Chloe
"Tamang lagay lang ng cucumber face mask sa mukha." Totoo kaya ang sinabi ni Kyle? Baka nase-stress na talaga ako.
"Hello?" I answered the phone.
(Chloe, hija? Nandiyan ba si Kyle sa bahay niyo?) Omg! It's Kyle's mother.
"Nako tita, wala po siya rito ngayon. Bakit niyo po hinahanap si Kyle?" Tanong ko sakanya.
(Wala lang, Anton is looking for him. Anyway, sige ingat ka hija!) Anton? I heard about that name before.
"Sige po, tita. Bye-bye!" Okay, back to business. Ibinalik ko yung cucumber sa mga mata ko.
"Shit sino ba 'yan?!" Tumilapon yung cucumber na nakalagay sa mga mata ko. Tumatawag si Ferrer!
"Hello? What do you want? Busy ako. Say it, bilis!"
"Nakita mo ba si Kyle?" Ayan Kyle na naman!
"Ano bang problema niyo bakit niyo saakin hinahap si Kyle? Ano? Wala siya rito sa bahay. Nawawala na naman ba siya?" My goodness! Baka nawawala talaga si Kyle? Impossible. Natoto na 'yon.
"Hindi ba siya dumaan diyan sainyo? He didn't message you?" Ay, ang kulit ni Ferrer.
"Hindi ko siya nakita at yung huling sinabi niya saakin ay makikipagkita raw siya sa kaibigan niya sa isang Japanese restaurant. After that, hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Ano ba kayo? Dis oras na ng gabi oh, bukas mo na hanapin si Kyle. Or kung gusto mong hanapin siya ngayon, isama mo yung si Anton dahil hinahanap niya rin yung boyfriend mo. Bye!"
"Who the fuck is Anton—" Pinatay ko na yung call. Bahala ka sa buhay mo Ferrer, anong oras na at tumawatag ka pa saakin. Hindi ba nasa Baguio siya ngayon?
"Nako naman, maawa kayo sa beauty ko. Stop calling me," Bulaslas ko nang mag ring ulit yung phone ko na tumutunog.
"Hello, Luke?"
(Chloe—)
"Hindi ko nakita si Kyle, 'wag niyo siya hanapin saakin, okay? Nagre-rejuvinate ako rito."
(What? Hindi ko naman hinahanap si Kyle ah! I was going to ask about the formula for your homemade cucumber face mask.)
"Seryoso? Nako sorry, akala ko kasi kung magtatanong ka rin about kay Kyle." Sabi ko.
(Pero totoo ba na may naghahanap kay Kyle? Bakit? Nawala na naman ba siya ulit?)
"Hindi ko rin alam eh pero hinahanap siya ni Jake at ng mommy niya. Teka, tatawagan ko lang yung bakla, okay? I'll send you the procedure of my organic homemade cucumber face mask after ko makipag-usap kay Kyle. Bye!"
('Wag mong kalimutan yung formula at procedure ah. Bye!)
Bumaba ako sa kusina at kumuha ng tubig, shit! Kinakabahan ako. Hinanap ko agad ang number ni Kyle at tinawagan ito. Good thing, nagri-ring yung cellphone niya.
"Hello? Kyle nasaan ka—"
(C-Chloe?)
"Teka! Umiiyak ka ba? Where are you? Are you okay? May nangyari bang masama sa'yo?" Fuck! Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Bakit umiiyak si Kyle?
(H-he cheated on me.)
"Sino? Si Ferrer? How could he?!" Sinaktan ng gagong 'yon ang kaibigan ko? How could he cheat on Kyle, Jake? Unbelievable! Akala ko ba head over heels siya sa kaibigan ko?
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomansaSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020