FINALE
Kyle
Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang inilibing ang labi ni Clark. Bumalik sa dati ang mga buhay namin. Bumalik 'yung kapayapaan. Ngunit isang bagay ang hindi na bumalik, iyon ay ang samahan namin ni Jake. I did not bother to contact him after the incident. After he said thank you, we never spoke to each other again.
I'm slowly accepting the fact that he isn't here with me anymore. Hindi madali ang acceptance but if you start it earlier, mas madali mo itong makukuha. Mas mapapabilis ang kasiyahan mo at gagaan agad ang kalooban mo.
"Para kanino ba 'yang letter na hawak mo, Kyle?" I looked up at Chloe who just arrived at NP. We decided to have a lunch date together since naging busy ako these past few days sa paghabol sa mga requirements ko sa school at hindi ko na siya nakakausap.
"Nandito ka na pala. Ba't ang tagal mo?" Tanong ko rito. Napansin kong nakatingin siya sa liham na hawak ko kaya itinaas ko ito, "Ito? Para kay Jake." I said. Hindi na ulit nagtanong si Chloe tungkol sa liham at kay Jake dahil alam na niya 'yung totoong nararamdaman ko.
"Ano bang pag-uusapan natin? Bakit super sudden naman ang pa-lunch date mo?" Tanong niya pagkatapos niyang umorder ng pagkain.
"Why didn't you tell me about your upcoming wedding?" Nagulat ko ata siya sa tanong ko dahil biglang lumaki 'yung mata n'ya nang marinig ito.
"W-what? How did you know?"
"Sinabi ni Alex sa'kin, kelan mo ba balak sabihin sa kaibigan mo?" Alam kong nangako ako kay Alexander na hindi ko sasabihin kay Chloe ang tungkol sa ikinwento niya sa aking soon-to-be wedding nila sa Berlin. At first, hindi ako naniwala agad sa sinabi niya dahil alam kong palabiro at loko-loko minsan si Alex kausap. Pero, nakikita ko ang pagiging sincere niya sa kaniyang sinasabi kaya 'di kalaunan ay naniwala rin ako. Mangiyak-ngiyak pa nga ako nang mapagtanto kong totoo ang sinabi niya eh. Masaya lang talaga ako para sa kanilang dalawa.
"That guy talaga." Umiling-iling siya. "Sorry Kyle ah, hindi ko agad sinabi sa'yo. Balak ko kasing sabihin sa'yo 'pag okay na ang lahat. 'Wag ka na magtampo sa akin. Gusto ko lang na planado na lahat at na finalized na ang wedding kasi nahihiya naman akong sabihin sa'yo tapos hindi pa sure."
"Eh kung nahihirapan ka naman pala, bakit hindi ka nanghingi ng tulong sa'kin? Alam mo naman na nandito lang ako para tulungan ka."
"Nako, ayaw na kita abalahin dahil sobrang busy mo na sa school."
"Sus, nahiya ka pa. Ba't 'di ka nalang kumuha ng wedding coordinator para hindi ka na mahirapan pa? Alam mo mas madali 'yon." Suhestiyon ko sakanya. Umiling lang siya sa sinabi ko.
"Meron naman talaga akong kinuha pero alam mo naman itong kaibigan mo. Very hands on. Gustong perkpekto at plakado lahat ng bagay kay eto nahihirapan." Sabi niya.
"Ah basta. If you need any help, tawagan mo lang ako. Okay? I'm one call away." Sabi ko. Ngumiti at sinabi niyang, "Thank you, Kyle."
"I'm happy for the both of you. Finally, magsi-settle ka na rin sa isang lalaki."
"Ano ka ba, mas mabuti na 'yon. Nakakapagod na rin kasing mag-entertain ng ibang lalaki 'no. Alam mo 'yon, nagsasawa ka na sa mga ganon kesyo hindi kana bata at 'yung pananaw sa buhay ay nagbago na rin."
"Aminin, mahal mo talaga si Alex. Kunwari ka pa." Pang-iinis ko sakanya.
"Basta ha, next month na 'yung wedding ko. Gagawin ka raw'ng best man ni Alexander." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomanceSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020